Sining ang hampas, kumpas ng sandali. Artikulo ng Langit, kristal ang pagbahagi. Luha ni Katipan, sasayuri't iigibin. Sisikat ang Araw, Pagsusumamo, kanyang babawiin.
Kanyang pagbango'y Siya ring pagkitil ng mga buhay. Siya'y saklob ng bughaw na kumot, Sinta'y haharanain ng paglimot.
Aakmaan ng tono ang pagtinging hindi lihim, Maglalaro ng bangka't eroplano, Magsasabuyan ng tubig na kumikislap, Maghihintay bagkus hindi magtatagpo.
Papunta kami ng Snake Island kanina, napatingin ako sa dagat at na-amaze sa reflection ng langit. Sumagi sa isip ko na parang kumot ang dagat kaso lang hindi pupwedeng bumangon kasi mamamatay ang mga yamang dagat. Para silang lovers ng langit na kailanma'y di magtatagpo. Masisilayan lamang ang isa't isa pero masakit na alaala na lamang.