Sa kwadradong hawla Doon nagsipagtirapa ang bawat paslit Sila'y mistulang sabik sa yakap ng Ina, Pagkat kalinga'y hindi maupos-upos na kandila.
Minsan sila'y naging malaya, Si Inay nga pala, siyang nagpaubaya Tila martir ang minsang naging paslit, Pag-asa nila'y sa alikabok na sinisipa.
Bagkus ang Inang siyang nagsaplot sa kanila, Nilisan at hinayaang maibigkis, walang kasarinlan. At doon sa iisang hawla'y magtatagpo muli, Sa bentelasyon, sila'y may kakaunting sandali.
Tunay ngang ang paslit ay magiging Ina rin, Oras niya ngayong kabiyak sa salamin. Iniwang Ina'y may ikalawang henerasyon, Sa kanila nama'y may namutawing leksyon.
(Sabi ng Engineer namin, lahat ng sisiw, iiwan din ang nanay nila. Sa una, sunud-sunuran, pero tama nga siya. At matira matibay pa ang labanan.)