Tumingin* si Kupidong hindi mapakali Sa damdamin kong nag-aalab sa iyo. Aking pagkamangha ng labis sa iyong mga Mata na hindi makatingin sa akin. Sana Magtapat ang naglalabang puwersa Ng pagmamahal at pagkainis para ang Nadarama ko sa iyo ay maibsan na.
'Di ba't nais mo na mawala ako; hindi ba't Gustong-gusto mo na akong gumuho? Ika'y torete na sa akin, alam ko 'yon. Kung Mawala ako, mawawala ka na din Dahil ako lang nagmahal sa'yo ng sobra. Handa ka na ba mawala? Tignan mo sana Akong nakaalis na sa iyong puder. Kung Ibigin mo ako ng sobra at sumubok Ka pumasok sa aking puso, makapapasok ka?
Kung papipiliin ka, ako o ang sarili mo? Maging makasarili o subukang makabuo ng Tayo? Ako'y pinipilit mo pa na bumalik Sa'yo, sa'yong maliit na puder. Noon, simple Lang ang nais ko, ibigin at umibig. Ngayon, Ang pag-ibig ko'y may hangganan, ang Puso ko'y napapagod. Pakawalan mo na Ko at ang pag-ibig mo sa akin.
Silent inside the room, with darkness in the Sanctuary, I sit here and try to seek you. (to alfia) -J.J.