Tuliro't nakatingala tinatanaw ang mga tala sa langit, iniisip na kung bakit 'di pinilit.
Napagod sa'yong mga palaisipan, kahit bali-baliktarin ang mga pangangatwiran.
Lumisan... sa kinagisnan na tahanan, sa pag-luwas at pag-uwi nahihirapan.
Nangangambang ika'y muling masilayan, hindi alam kung pighati, o galit ang mararamdaman.
Sinabi mo na sa mga bagong mukhang kinilala mo, ako parin ang hinahanap mo. Ngunit sa tuwing gusto kong sulatan ang saradong libro, ayaw mo.
Ayaw mo....
Pero ang gulo mo, at magulo rin ako.
Sa mga sandaling gusto kong sumugal uli, pangit ang baraha mo.
At sa mga oras na ika'y nag babalasa muli. kulang ang barya ko.
Oo, magulo.
Parehas tayong tuliro.