Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Random Guy Oct 2019
Ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

High school.

Magkaibigan tayo noon.
Nagsasabihan ng problema, umiiyak sa isa't isa.
Kabisado mo ako, at kabisado na rin kita.
Tantya ko ang birong magpapatawa sayo at tantya ko rin naman ang tamang kiliti upang mawala ang galit mo.

Nakahanap tayo sa isa't isa ng kanlungan at hingahan sa nakakasulasok na mundo.

Lumapit at patuloy pang napalapit ang loob ko sa'yo, at ikaw sa akin. Hindi ko na rin namalayan na mahal na pala kita. Taguan ng nararamdaman ang nilaro natin ng ilang buwan. Totoo, laking gulat ko rin sa sarili ko kung paano ako nahulog sa'yo. Dahil ang katulad mo ay isang dyosa na hindi ko dapat lapitan, hagkan, o kahit hawakan man lang. Hanggang ang simpleng tingin ay naging mga titig, mga haplos lang dapat sa kamay ay naging mga kapit, at magkatabi lamang ngunit iba ang dikit.

Napuno ang puso ko ng pagmamahal at umabot na ito sa pagsabog. Naglahad ng nararamdaman, nagbabakasakaling pareho ang 'yong nadarama.

Pero mas laking gulat ko nang sabihin **** mahal mo rin ako. At isa 'yon sa pinaka masayang araw ng buhay ko.

Simula noon ay araw araw nang hawak ang iyong kamay, inaamoy ang iyong buhok, nagpapalitan ng mga mensahe, kinakantahan; ginagawa ang lahat upang mapakita lang sayo.. na mahal kita. Pero higit sa mga pinakita natin sa isa't isa ay mas tumimbang ang mga hindi natin pinakita ngunit pinadama.

Hawak ko ang buwan at ang mga bituin kapag kasama kita ngunit bakit ba kapag tayo'y masaya ay talagang lungkot ang susunod.

Nalaman ng mga magulang mo kung ano ang meron tayo. Hindi ko noon inasahan na ang mga susunod na mga linggo at buwan ay ang pinaka madilim na parte ng buhay ko. Dahil ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

Papasok ka sa eskwela ng mapula ang mata at may pasa sa braso. Ngunit ang mas pumapatay sa akin ay ang ngiti sa labi mo. Mga ngiting hindi ko masabing peke dahil totoo. Dahil ba masaya kang makita ako kahit na ang sakit na nararamdaman mo ay dahil sa pagmamahal ko? Hindi nanlamig ang pagmamahal natin dahil sa kung ano mang ginawa natin sa loob ng relasyon. Kundi ang lamig ng pataw ng galit ng mas nakatatanda sa atin. At ang mas masakit ay hindi pa natin kayang lumaban.

Ang hindi mo alam ay walang lumipas na araw na hindi rin ako umiyak sa harap ng ating mga kaibigan, sa harap ng salamin, sa harap ng isang ****, sa harap ng mga matang nangungusap at ang sabi ay...

"may isang pagmamahalan na naman ang namatay."

Pinatay sa gitna ng saya, pinatay sa gitna ng ligaya, pinatay sa gitna ng magandang paglago.

Pinatay tayo ng tadhana. Pinatay tayo ng mga taong walang tiwala. Pinatay tayo ng mga taong ang  tingin sa atin ay mga isip-bata. Oo, tayo'y mga bata pa noon ngunit alam ko, alam ko na ang pag-ibig na 'yon ay totoo.

Nagsimula ka ng hindi pumasok sa eskwela. At kung ilang oras kitang hindi nakita sa iyong upuan ay ganon ding haba ng oras ng aking pagiyak sa likod ng silid. Sinisisi ang sarili sa kung bakit ganito at bakit ganyan. Bakit ganito ang tadhana? Bakit ganyan ang pag-ibig? At makikita nila sa mga luha ko na lumuluha na rin ito dahil sa patuloy na pagpatak, bagsak sa kahoy na upuan. At mas lalong bumabagsak ang luha ko dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sayo. Sinasaktan ka ba? Umiiyak ka rin ba? Mahal mo pa ba ako? Kung pwede lang hugasan ng luha ang mga tanong ay kakayanin, dahil sa dami ay kayang anurin ang mga ito.

Ilang linggo pa ay hindi na tayo nakapag usap, pumapasok ka ngunit ang kaya lang nating gawin ay maghawak ng kamay. Dahil kalakip ng mga salita ay patak ng luha. Kaya tinakpan natin lahat ng ito ng hawak sa kamay, patong ng ulo sa balikat, yakap. At hindi ko inasahan na huli na pala 'yon. Dahil tapos na ang taong 2011-2012 ng eskwela. At hindi na kita nakita; ni anino, ni bagong larawan mo, sa loob ng maraming taon.

Ang meron lang ako ay ang manila paper na binigay mo sa kaibigan natin para ibigay sa akin. Na nagpaisip sa akin na sana, sana man lang ay nakita kita bago mo inabot ang pinaka mahabang mensahe na nabasa ko, mula sa pagiibigang pinilit na pinapatay.

Pagkatapos ng mga tagpong iyon, nalaman kong lilipat ka na ng eskwela sa susunod na taon. At parang 'yon na ang nagpa manhid sa pusong meron ako noon. O kung meron pa ba ako non noon. Dahil sa ilang linggo at buwan ng pinaka madilim na parte ng buhay ko ay unti-unti na pala itong nabasag, nawala, at nadurog.

Ilang taon rin bago ito nabuo o nabuo nga ba talaga ito. Ilang taon din akong nagmahal ng walang puso, dahil utak ang ginamit ko. Doon ko nasabi na ang pagmamahal ko sayo ay ang unang pagmamahal ko sa una kong puso.

Ilang taon akong nagpagaling, nakahanap ng kanlungan sa iba, kasayahan, kakumpletuhan, kabuuan.

Sa likod ng aking isip ang tanong na, "Nasaan na kaya s'ya?"

Hindi naaalis sa mga inuman ng barkada ang mga tanong na, "Saan na s'ya? Nakita mo na ba 'yon ulit?" Alam kong ramdam din nila, na kahit ano ang isagot ko ay may marka 'yon sa puso ko.

"Nakita ko s'ya sa Fatima ah."

"Nakakasalubong ko 'yon ah."

At kahit ilan pang pahapyaw ng mga tropa ang magpaalala ng ikaw ay may sakit pa rin. Kahit hindi ko ipakita, ramdam.

Walong taon.

Walong taon ang lumipas ng muli tayong magusap.
Kamusta?
Maayos naman,
Ikaw?
Okay lang din.

At para bang binalot muli ang puso ko ng muling pagkawasak mula noong umpisa.

At tila ba hindi pa pala natapos ang istorya natin sa nakalipas na walong taon, hindi pa pala namatay ang 2012 na bersyon ng mga sarili natin.

Nagusap tayo. Pero 'yon pala ang mali natin. Na kaya pala hindi na tayo nagusap hanggang sa mga huling sandali ng pagkikita natin ay alam nating ang mga salita ay katumbas ng luha, at ang mga salita ay katumbas ng sakit, at ang mga salita ay katumbas ng muling pagwawakas.

Apat na libo tatlong daan at walumput tatlong milya ang layo natin sa isa't isa. Muli, ang parte ng kwentong ito ay nabuo na naman sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

At ang pinaka masakit sa lahat at ang punit sa kwento nating dalawa ay meron na akong iba. Dahil alam kong hindi kita nahintay, at sana malaman **** hindi ka rin naman nagparamdam. Ang kwento nating dalawa ay masyadong naging komplikado dahil sa iba't ibang kamalian ng sitwasyon at pagkakataon.

At alam kong sa pagkakataon na ito ay hindi na dapat natin ito sisihin, dahil ang kamalian ay nasa atin nang dalawa. Kung paanong naging sobrang huli na pala, o sobrang aga pa pala.

Ang kwento nating dalawa ay maaaring dito na matatapos ngunit ayoko naman ding magsalita ng tapos, kagaya ng nangyari matapos ang walong taon, biglang nabuksan ang kwento. At hindi ko alam kung ilang taon ulit, o talagang tapos na.

Pero kagaya nga ng sabi mo, ito ang ang paborito **** kwento sa lahat, at oo, ako rin. Ang kwentong ito ay magsasalin salin pa sa inuman, sa kwentuhan, sa simpleng halinghingan, kwentong bayan; na may isang lalaki at babae na nagmahalan kahit pa pinilit itong patayin at makipag patayan. Isang kwentong puno ng kawasakan, at patuloy na pinaglaruan ng tadhana. Tapos na nga ba ang pahina? Muli, kagaya ng nakalipas na walong taon, ang sagot ay oo. Ngunit ang kwento ay buhay pa, at patuloy na mabubuhay pa sa puso ko.
giggletoes
NadPoet Mar 2018
bayan kong mahal sayo'y ibibigay ang aking buhay
ipaglalaban ang aking katwiran at karapatan
ipagsisigawan ang salitang pagkakaisa at kapayapaan
ngunit bakit sa lahat ang may hadlang?
tuluyan na bang nabaon sa nakaraan ang kapatiran?
mas nanaisin ng karamihan ang kaginhawaan para sa sariling kapakanan
ang paggiging  makabayan ay bibitawan nalang kapalit ay maging sa sariling alipin sa bayan
magbibingi bingihan na lamang sa mga maling nasaksihan sa mga taong naka upo sa mataas na upuan
ang mali ang nagiging tama ang tama ay mailap ng makita
anung silbi ng mga pinaglalaban kung ang lahat ayaw makipag laban?
sakim sa sarili at sarili lang ang mahalaga
wala na ang mga bayani patay na!
kailan may walang tunay na kalayaan sa ating bayan
dahil ang lahat ay ang nais lang ang sariling interes at kapakanan
nasayang lang ang watawat na hinabi ng ating mga bayani
hindi pagkakaisa ang nasa ang nasa isipan kundi paano maka isa sa lahat
bayani ba ay isang nalang alamat?
wala na bang mag aangat at magsasabing dapat ipaglaban ang karapatan?
nagiging mahirap ang mahirap at sa pera silay salat
ang mayaman ay nagtataas ng bakuran upang di makita ang tunay na kalagayan
iiyak na lamang ang mga tunay na nagmamahal sa bayan
wala na nga ang tunay na kahulugan ng kapatiran
di na isa ang bawat kulay ng watawat kundi ito'y kulay kung saan ka dapat mabilang
naging pangkat ang kulay, naging simbolo na ng watak watak na paniniwala
di na siguro magiging buo ang kulay ng watawat ang kapayapaan ay di magiging sapat
wala na! hindi na magiging isa ang mga pulo ng bayan
nagiging paligsahan na lang kung sino ang magiging una at tatawanan ang talunan
sa inaakalang laban ng pinaka magaling, di man lang maiisip na pagkakaisa sana
bayan kung magiliw paanu na? di na ba magkakaisa?
o sadyang mailap na talaga ang tinatawag na pagkakaisa.
patulong sa pag ayos ng letra. salamat
Razbliuto Oct 2014
Ang hirap makipag-sabayan.

Sino ba sya? Sino ba ako?

Isang batikang manunulat.

Isang hamak na nagsusulat.


Ang hirap makipag-sabayan.

Siya'y karagatan, ako'y patak ng ulan;

Umaalon, walang hanggan.

Isang butil, panandalian.


Ang hirap makipag-sabayan.

Sino ba kami sa buhay mo?

Siya na may matalinhagang mga salita.

Ako na salat sa banyagang wika.
Wrote this a couple of months ago. Nung mga panahong sinasapian pa ako ng insecurity. Ay, oo nga pala, salamat gurl. Thanks for calling me a btch.
Narasanan mo na bang mabasa ng ulan?
Makipag laban sa ulan?
Yung lahat ginawa mo na wag ka lang mabasa?
Sumilong ka na, nagpayong ka na, may kapote ka pa.
Pero wala basa parin.
Paano pag ganto?
Itapon ang hawak **** payong
Lumabas sa iyong silong
Tanggalin ang yong pandong.
Ikay umabante
Damhin ang bawat patak ng ulan
Ipikit ang mata
Habang nakatingala
Hayaan ang tubig na galing sa langit
na basain ang yong mukha
At pumikit
bumalik sa nakaraan
Masasayang alala.
Na kasama mo ang ulan
Gaya nuong bata ka.
"Mama payagan mo sana
Hayaan akong makipaglaro sa kanya"
Laking tuwa pag napayagan ka.
Tatakbo takbo
Hindi alintana kung baka mapano
Huhubarin ang Tsinelas at gagawing barko
Hindi bat napaka saya mo.
Kaya pag dilat mo
May tanong lang ako
Maiinis ka pa ba o
Hayaan **** basain ka ng ulan?
Wag mo sanang labanan.
Ngumiti ka na lang
At bumalik lang sa nakaraan.
XIII Jun 2015
Ehem ehem!
Mic test, mic test
Ayan gumagana ang mikropono
Siguro naman makikinig kayo sa sasabihin ko

'Di ako nandito para makipagtalo
Kung sino mas gwapo, ako o si Piolo
'Di ako naghahanap ng gulo
'Di naman kasi ako palalo

'Di ako nandito para makipag-away
Nais ko lamang mag-aksaya ng laway
Pati na rin bumuhay ng patay
Na sa bawat isa sa atin ay nakaratay

Kasi sinabi nila na naiburol na ang mga salita
Nailibing na kasama ng mga tekstong sa eskwelahan ay ginawa
Hindi na nga daw naaayon ngayon
Sa tinutuntungan nating henerasyon

Pero, saglit, teka!
Pakinggan mo, ang ganda diba?
Kung paano magtugma ang mga salita
Kung paano magtugma ang mga letra

Kasi sabi nila ang korni tumula
Na namatay na lahat ng bayani, kasama ang mga makakata
Na hindi na uso 'to, hindi na tayo bata
Na nauuto ng mga **** na gumawa ng talata

Pero ano ba ang fliptop, ano ba ang rap?
Hindi ba nagmula din ito sa parehong ugat?
Walang kwenta ang melodiya kung walang liriko
Hindi masasabing awitin, kung walang mensahe ito

Kaya ito ang subukan mo
Isulat mo sa papel ang nararamdaman mo
Ang sarap sa pakiramdam na mailabas ang mga ito
At bumuo ng isang kwento

Gamit ang mga salitang akala mo'y walang kwenta
Magiging himig ang bawat pagtutugma
Ang iyong kwento ay magiging tula
Na mananatili kahit ikaw ay wala na
derek May 2016
Napapagod na akong tumingin sa Facebook ko.
Sa dingding ng mga masasayang larawan ng mga kaibigan, katrabaho
Sa dingding ng mga opinyon na nagdudulot ng masalimuot na pagtatalo
Sa dingding ng mga tagumpay na nakamit mo sa pagsusumikap mo
Sa dingding ng mga narating **** lugar na sobra na ang layo
Sa dingding ng mga video ng pagbigkas mo ng tula sa harap ng maraming tao
Sa dingding ng mga sandaling iginapos mo para ipamukha sa akin na ang buhay ko ay pagkabaho.

Salamat sa mga larawan ng masasayang sandali kasama ng iyong kabiyak
ng inyong matamis na pagmamahalan, na sa sobrang tuwa gusto mo nang umiyak
Nang matuloy kayo sa simbahan, oo na, marami na ang nagagalak
Eto na ang puso ko, wag ka nang mahiya, tuhugin mo na ng itak.

Salamat sa mga opinyon mo tungkol sa paborito **** kandidato
Wala ka na atang ibang ginawa kung hindi halughugin ang Internet para sa bawat artikulo
Para isulat sa dingding mo kadikit ng mga opinyon **** walang humihingi, kahit na sino
Para kang teacher ko na may dalang nutri-bun na isinasaksak pilit sa akin kahit sukang-suka na ako.

Salamat sa mga salita ng pasasalamat na binibigkas mo
kung gaano kadaming biyaya ang ipinagkaloob ng Bathala sa iyo
Sa bawat tagumpay na nakamtan mo sa napili **** trabaho
Naitatanim ko tuloy sa aking isip, kung bakit ang layo mo gayong sabay lang tayo?

Pasensya na, malamang sa inyo ay may natatamaan ako
Wala akong planong durugin ang kahit na anong ugnayan ko sa inyo
Gusto ko lang banlawan, langgasin ang nalalasong utak at puso ko
na pinapatay ng Facebook sa tuwing titignan ko ang mga dingding ninyo.

Kung gaanong ipinararamdam sa akin na sa paninindigan ako ay wala
Na hindi ko kaya maglahad ng opinyon kasi walang papansin, walang maniniwala
Dahil maraming beses na akong naging tapat noong ako ay nasa highschool pa
Wala akong naging kaibigan. Narinig mo? Wala akong kwenta.

Kung gaanong ipinararamdam sa akin na hindi na ako makakarating kahit saan pa.
Kasi pinili kong manatili, kahit mainit, kumpara sa ibang bansa
Dahil nanuot sa aking dila na hindi ko kayang makipag-usap sa kahit na sinong banyaga
Kasi palpak ang Ingles ko. Narinig mo? Wala akong kwenta.

Kung gaanong ipinararamdam sa akin na mamamatay akong mag-isa
Na hindi ako magkakaroon ng pagkakataong lumigaya
Dahil sa pinalagpas kong sandali, ay hindi na mauulit pa
Dahil wala akong kwentang lalaki. Narinig mo? Wala akong kwenta.

Sobrang baba na ng pagtingin ko sa sarili ko.
Ang tanikalang gamit sana para makipagugnayan sa mga kakilala ay tila naging isang angkla na humihila sa mga paa ko
pailalim sa karagatang puno ng mga pusong natalo
Nabigo sa pag-ibig, sa buhay, at sa kahit na ano.

Kaya lalayo na ako sa mga dingding ninyo.
Hindi na ako papayag na manatiling tumatanggap na lang ng kahit na anong ipapaskil mo.
Tatakas ako sa mga rehas na nilikha ng mga masasaya ninyong minuto
Magtatayo ako ng sarili kong dingding. Bubuuin ko ang aking pagkatao mula sa pagkakapira-piraso.
JOJO C PINCA Nov 2017
“Study everything, join nothing”
- The Maverick Philosopher

Hindi naman masamang siyasatin ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa ating buhay-buhay. Ayos lang na basahin ang lahat ng aklat na gusto mo’ng basahin basta’t makakatulong ito para makamtan mo ang iyong mga hangarin. Ayos lang na sumabay sa hangin o kaya naman ay tumakbo sa buhangin siguraduhin mo lang na hindi ka mahuhulog sa bangin.

Minsan ka lang mabubuhay at hindi na muling babalik ang kabataan, karapatan mo na pag-aralan ang lahat ng gusto mo’ng mapag-aralan. Hindi mo kailangan na pumasok sa paaralan at magbayad ng pagkamahal-mahal na tuition fee, hindi mo kailangan maki-tropa sa mga bolakbol o kaya naman ay makipag-plastikan sa mga pantas na kung tawagin ay propesor.

Magbasa ka at huwag umasa, hawak mo ang iyong buhay kaya’t hindi mo ito dapat na iasa. Kumasa ka kung kinakailangan upang hindi maging alipin ng sinoman. ‘Hwag mo’ng antayin na turuan ka ng iba, turuan mo ang iyong sarili. Ok lang na maging makasarili basta’t kaya **** dalhin ang iyong sarili. Kumbaga wala naman masama na magsarili gamit ang iyong daliri.

Basta ito lang ang payo ko: ‘wag **** sayangin ang ngayon. Wala sa organisasyon ang tunay na pundasyon. Ang karunungan ay hindi isang donasyon, pinaghihirapan ito tsong. At wag mo’ng sabihin na masyado ka pang bata o di kaya naman ay matanda na’t huli na ang lahat. Walang malambot at walang makunat sa coconut na handang matuto.

Panghuli gusto ko tandaan mo ito. Ang buhay ay hindi isang magandang panaginip hindi rin ito isang masamang bangungot. Ang buhay ay buhay, ganon lang kasimple, ‘wag mo’ng gawing kumplikado. Kung may gusto ka gawin mo, kung ayaw mo naman edi ‘wag. Ika nga walang sapilitan kasi wala ka naman kapalitan ang importante ay matuto ka saiyong bawat ngayon.
Paano kaya?

Mahal ko ang pilipinas. Sobra.
Mahal ko ang bansang aking kinalakhan.
Mahal ko ang aking pinanggalingan. Kung saan ako nag aral, san tumira, saan nagsisimba. Kung saan naliligo, umiihi, tumatae, Mahal ko!

Pero paano ko kaya matatanggap ang nangyayari sa aking bansa?
Paano ko kaya tatanggapin ang mga basura sa daan.
Ang mga binebentang damit na sinuot muna nila.
Ang mga piniritong fish ball na kahapon pa ang mantika.

Paano kaya?

Sa jeep, na para na kayong sardinas na pinagkasya sa isang lata.
Sa lrt, natumaas man ang bayad. Dama mo parin ang mga pagong na kumikilos at mga amoy na gugustuhin mo na lang amuyin.
Sa paaralan, titiisin ang sira sirang mga silid aralan para sa pangarap na mahirap abutin.

Paano kaya?
Sa pilipiling lugar, na kapag nakakita ng umiilaw na iphone ay parang hokage na mabilis na mang aagaw.
Sa ilalim ng tulay, kapag napadaan kay makikita ang pamilyang walang makain na nakahiga sa kamang matigas at ngunit hindi mabigat dalhin kung saan saan.

Paano kaya?
Ang mga kalsadang pinipilit tapusin kahit mas una pang tinapos ang perang inilaan ng sang katauhan.

Paano kaya?
Ang mga taong halos mamatay sa pagod na tila butas ang bulsa at hindi malagyan ng laman.

Paano kaya?
Sinubukan kong alamin kung saan ito nagsimula. Kung sino ang gumawa? Kung kailan? Kung paano? Kung bakit nandito?
Hanggang napatunayan ko, na kahit ganito ang tinuturi kong bansa.
Alam kong katangi tangi parin ito.

Hindi man kami tulad ng iniisip nyong bansa.
Ang bansang ito ang pinaka mapagmahal ra lahat.

Kayang makipag kaibigan sa kahit sinong tao. Kayang umintindi ng kapwa. marunong makisama. Mapagbigay.

Higit sa lahat sa kabila ng mga nangyayari sa amin, kahit wala nang kakainin, kahit nag aaway na kayo, kahit madami ng problema at  kahit may taning na ang buhay.

MASAYA pa rin. Ang mga ngiti, galak, at tuwang ito ang hindi nila matutumbasan ng iba.
kingjay Dec 2018
Kunin ang litrato sa sulok na nag-iisa
Pakinggan ang himutok
sa kwadradong kahoy nakapatong
ng bangkay na  nangangapa pa

Buuin ang palaisipan
Kung may itsura ay hugutin
ang kasagutan sa bugtong
Tulungan mabatid ito, iwasan ang pagkalito
Nababalisa ang gabi at di makatulog

Munting daliri ay igalaw
Ngunit nanatiling tamad ang mga braso
Sa pagkabog ng dibdib
Ang halinghing ay maririnig
Sa kalaunan ay parang di na humihinga

Kinakalawang sa silid
Nakahandusay sa silyang rektanggulo
Tiisin ang katahimikan
Magdurusa sa kaawa-awang mga oras na di pa umaga
Malayo ang araw at mga bituin ay pinagkait pa

Tagpi-tagping tela ang lulan ay hinala
Magbuntong-hininga ito makipag-usap
Isinalaysay ang pagdaralita
Nakatikom ang bibig
Maghihilom din bagkus di makatawa

Magmumukmok sa loob
ang walang saysay na uwak
Idagit ang kabuluhan
Ang pakikipagsapalaran ay sakuna
rufus Feb 2017
ngayon ko lang napansin. sobrang dami ko palang isinulat para sa'yo. ngayon ko lang napansin na lahat sila galing sa mga katabi kong diksyonaryo at tesauro. malay ko ba kung ano ang ibig sabihin ng mga isinulat ko. lumalaki pa lamang ako. ngayon pa lang natututong makipagtalastasan, makipagbalagtasan, makipagsagutan, makipag-away. ngayon pa lang akong natututong maghintay at ngayon pa lang nasusugatan. ngayon ko lang nalaman ang tunay na ibig sabihin ng paniniwala. paniniwala sa pagkahulog, paniniwala sa kung anumang gusto kong paniwalaan. paniniwala na meron ka pang mapapaniwalaan dito sa mundo. kapit ka, subukan mo. ngayon pa lang akong nagtitiwalang muli. ngayon pa lang nagpapatawad. ngayon pa lang nakakapagsabi ng 'mahal kita', nang walang pagdududa at walang pagsisisi. mahal ko talaga sila. ngayon ko pa lang nararamdaman ang tunay na pag-ibig. ngayon ko pa lang nakikita kung paano magmahal ang isang taong nasasaktan. ngayon pa lang ako nakakita ng taong durog at winasak ng panahon — marahil dati puro sa teleserye ko lang ito napapanood. noong pumunta kami sa isang museo, napakaraming uri ng sining na maaari **** makita. may mga head busts, paintings, sculptures, pati mga ginamit ng mga pintador na brushes at pati na rin mga natuyong pintura nila. tinignan ko lahat iyon. umabot ng halos labindalawang oras ang pag-iikot ko. walang kain-kain. kinailangan kong makita lahat. ngunit ngayon ko lang napagtanto na iisa lang naman 'yung gusto ko talagang makita. ('yung spolarium.) ngayon lang ako nakarinig ng mga taong wala talagang kamuang-muang sa mundo. 'yung tipo ng taong nakaupo sa ginto ngunit talagang lumaking tanga. nakakaawa sila. ngayon ko pa lang pinapangaralan 'yung sarili ko. kanina nga lang ako nagsabi sa sarili na hindi na ako kakain ng fast food at processed food. (seryoso. nakakamatay talaga sila.) sa pagkamatay ng nakaraan, noon ko lang nasabi sa sarili ko na gusto ko pa talagang mabuhay. gusto ko pang makakita. gusto ko pang makaramdam.

ngayon pa lang ako natututong magsulat.
J De Belen Mar 2021
Espesyal ang tula na ito kasi para 'to sa taong gusto ko,pero 'di ko alam kung tulad ko rin ba'y gusto niya ko.
Para 'to sa mga taong minsan nang umasa sa taong mahal nila, minsan na naging tanga at minsan na naging hibang sa kanya.

Noong una ka pa lang nakita
'Dii pa sumagi sa isip ko na isipin na gustohin ka
Hanggang isang araw,nagulat ako dahil lumapit at kinausap mo.
Bigla-bigla ka nalang nagkwento at sobrang nanibago ako sayo.
Ang daldal mo rin pala!
Sigurado magiging magkasundo tayong dalawa
Hanggang sa mga sumunod na araw at buwan
Dun ko lang na pagtanto na magiging kuntento na pala ako
Magiging kuntento na pala ako sayo.

Ang dami nating gusto
Pero ang pinaka paborito talaga natin ay ang sabay mag-timpla sa anumang oras ng "Kape"
Wala tayong iniintindi basta may ikaw at ako at ang mainit nating kape na pilit nating itinatanong
Kung bakit nga natin ito naging paborito?
Kung bakit nga ba kita gusto?
Sabay mag kape at nag-kukwentuhan ng kung ano-ano lang para humaba lang ang ating usapan habang nakatingin sa kalangitan.

Hanggang isang araw nagbago nalang ang ihip ng hangin at mayroong 'di maipaliwanag na kadahilan at bigla nalang ako sayo'y tumabang
Bigla-biglaan na may dumating na iba at gumambala sa anumang mayroon sa ating dalawa.
Yung dating ikaw at ako lang,napalitan ng siya at ikaw nalang
Kaya ako nalang ang nagparaya at dumistansiya
Para maging masaya ka na.
Kahit ang totoo,mas masaya ka naman sa akin talaga.
Pero 'diko na pipilitin pa
Na mapasa akin ka pa
Diko na iisipin pa kung sa paanong paraan kita mababawi sa kanya
At kung paano ka babalik sa piling ko habang nasa piling ka pa niya.
Diko alam kung pa'no?

Hirap maki-pag sabayan at makipag unahan sa taong sa iba nakalaan
Hirap maki-pag agawan ng oras at atensiyon mo habang may nagmamay-ari na sayo.
Siguro nga natakot lang akong sabihin sayo ang totoo
Na gusto kita!
Kahit alam ko may gusto kang  iba!
Na alam ko iba ang hanap mo at hindi 'yun ako
Hindi mo ko makita kasi kahit kailan 'di mo ko magugustuhan
Kahit kailan 'di mo ko papahalagahan
Kahit kailan 'di mo ko kayang mahalin kasi ako'y kaibigan lang
At kahit kailan 'di mo kayang mahalin ako tulad ng pagmamahal  na napapadama ko sayo
Pero ok lang.

Sumusuko na nga rin ako sa kakahintay
Pero itong puso pilit paring umaasa na baka pag nalaman mo ang totoo baka magustuhan mo rin ako
Baka bumalik ang oras na para bang may "Tayo"
Kahit ang totoo ang turing mo lang naman sa akin ay kaibigan mo
Kaibigan mo na patago na umiibig sayo
Na hanggang ngayon wala ka parin ka alam-alam na ito'y seryoso.
Walang biro.
Kaibigan mo na laging nandyan sa tabi mo,
Pero iba ang hinahanap mo.
Iba ang gusto mo.

Sana ako nalang!
Sana tayo nalang!
Sana magkaroon ako ng pagkakataong maging tayo
Nang sa ganun ay 'di na mahirapan pa na umasa pa sayo
Umasa na mamahalin mo
Umasa na magiging ikaw at ako
Pero salamat nalang dahil naging parte ka ng masayang ala-ala ko
Salamat kasi naging maganda kang inspirasyon ko
Dahil kung wala ka at kundi dahil sayo
Di ko mabubuo ang ako sa pagkawala mo
Sa piling ko.
Itsyellabeau Jul 2019
Hindi ba ko karapat dapat  ipaglaban— daing ng pusong nahihirapan.
Iniisip ang nakaraan, na ang nilaanan mo ng pagmamahal hindi kayang makipag sapalaran, ni hindi ka kayang ipaglaban. Sa ungos ng gyera laban sa pag iibigan, sumuko ka’t iniwan akong sugatan. Sumama sa iba na walang pag aalinlangan, “hindi mo ba ko kayang balikan?” Sambit ng pusong naguguluhan. Iniisip na ang ating relasyon ay isang malaking kasinungalingan lamang.
Sa tagal tagal ng ating pagsasamahan, unti unti na kong nalilinawan.
Na hindi mo ko minahal, ginamit mo lang ako sa tuwing kailangan **** maibsan ang init sa iyong katawan, tenga na mapagbubuntungan sa tuwing ika’y  nasasaktan.
Nabulag ako sa katotohanan, kalayaan unti unti kong naasam.
Pero bakit mo ko ginamit— ang patuloy na gumugulo sa aking isip.
Dahil ba madali akong magpatawad, na sa isang halik mo lang maayos na ang lahat. Sana ang nararamdaman ko na gusto kong balikan ka, ay kasing dali rin sa gusto kong kalimutan ka.
Gusto kong mahalin ka, pero mas gusto kong kalimutan ka.
Hindi madali, pero kakayanin, uungusin, kakailanganin. Hindi para sa iba kung hindi para sa akin. Siguro panahon na, para ako naman ang piliin hindi ‘mo’.
Kung hindi ng aking sarili.
From A Heart Nov 2015
Pasensya na kung akala mo ayaw kong makipag sayaw kasama ka.
Sadyang hindi lang ako karapatdapat na ma-pares sayo.
ugh.
Taltoy Jun 2019
Hi, happy graduation, orayt. Unang una sa lahat, nagbalik na si ma long kag pro gyapon sya pero fzd pa rin ang sa rankings haha. Joke lang, seryoso na, gusto ko mag apologize kasi yeah, insensitive ko. Hindi ko man madeny na ganun talaga ako most of the time. At the same time gusto ko rin mag apologize kasi di kita natulungan sa times na may problema ka. Tbh. Di ko alam na may usapin pala kayo sa twitter kasi di na ako masyado naga twitter lately at di ko rin talaga alam kung paano ka tulungan kasi naniniwala ako na every relationship has its own unique language kumbaga, kayo lang nag-iintindihan dalawa  may times talaga na yung mga things na sinasabi ng ibang tao, di talaga ma-apply sa situation nyo kaya may times na ginatry ko nalang na makipag-kumpitensya sayo lalo na sa pingpong. Makita ko bi meg na once nakabakol ka na, makakadlaw ka man, may moment gid na daw makalimtan mo problema mo sooooo sorry if di nakahelp ang gi try ko na way kay daw di man ako ganun ka challenging na opponent. Tbh, gina envy ta ka kay dasig ka makalearn sang mga bagay, lalo na sa sports. At the same time athletic ka pagid so ez **** lang para sa imo na. Maka-inggit na all-around ka, kay ako mabudlayan gid na maabot nang mga makaya mo.
Salamat sa pag hambal sang reason bai. Mga pila na man gidDkami ka bulan ga hunahuna sina. Wala na ko iba pa na mahimo kundi mangayo sorry. Tapos, gusto ko ihambal sa imo na tani makita ta pa ka, hindi sa uste, hindi sa manila, kundi sa mga ospital na. Di ta man makalimtan, kay ngaa man abi diba? By the way, salamat sa pag tiis sa akon na kapartner sa doubles, wala gyapon ta pildi biskan wala ta ga sturya that time. Oh yih.
Lastly, gusto magpasalamat sa memories especially this high school kay isa ka sa 51 ko na mga manghod kag magulang. Then isa ka sa mga special ko na friend kay may side ko na ikaw lang makagets. So salamat gid kag gusto ko ni i-end nga daw


Manjo

Isa sa bumuo ng limamput-isa,
Ang carry ng batch kung sports fest na,
Nagkaroon man ng sigalot nitong hulihan,
Ang turing ko pa rin sa iyo'y kaibigan.

Alam kong magiging matagumpay ka,
Alam kong maaabot mo ang mga tala,
Alam kong patuloy kang magniningning,
Di sana sumuko, yan ang aking hiling.

At kung sakaling may problema ka,
Huminga nang malalim, ipikit ang mata,
Dahan-dahang imulat, tingnan muli ang problema,
Subuking lutasin nang mahinahon at handa.

Hindi lahat nagtatapos sa magandang ending,
May mga panahon talagang **** sa feeling,
Pero lahat nang ito'y mga kabanata lang,
Di pa tapos ang storya, magpatuloy ka lang.

Parating maging positibo,
Di ka nag-iisa sa laban mo,
Nandyan ang pamilya mo,
Na hinding hindi ka iiwan, andyan lang sa likuran mo.
May times gid na kaya ta kita lang isa mag atubang sang mga problema, bal-an ko na bal-an mo gid na. Pero may mga times gid na di kaya na solo nalang pirme, mag abot gid ang time na mangita ka gid bulig, lalo na sa family mo or mga close na tao sa kabuhi mo or tung mga tao na maka-intindi sa imo kay sila  “ ang number one fan mo”. Meg, tani sa sunod di mo na isolo tanan, di man sa ga doubt ko sa kaya mo, wala tana question about that, pero tani madumduman mo man di ka solo, you are never alone.
Gusto niyong matuto kami mag-isip pero sarado naman kayo sa mungkahe namin. Para sa inyo lahat ng salita na lumalabas sa aming labi ay isang uri ng paghihimagsik.

Yan ba ang ehemplo na gusto niyo namin sundin? Na isara ang inyong tenga at ipilit ang inyong paraan, hangang sa punto na bantaan mo pa kami na palayasin sa inyong bahay?

Yan ba ang gusto niyong ibakat sa aming pagiisip, na walang kwenta makipag-usap sa inyo dahil walang kwenta ang aming opinyon?

Tapos nagtataka kayo kung bakit gustong gusto namin magsarili at talikuran ang inyong paraan ng pamumuhay? Hindi ito resulta ng katamaran o pagiging rebelde, resulta to ng inyong di-makatuwirang ugali
Mahal Nang ikaw ay mapagmasdan,mata’y nais ka laging masilayan.
Araw-araw kang laging inaabangan,para Lamang  makipag kwentuhan.
Mahal,puso’y hindi nakonteNto na ikaw lang ay makakulitan.
Puso’y nag iisip Ng paraan kung paano ba ang puso mo ay makamtan.
Lumipas pa ang mga araw at Tila-baga ang puso mo’y napapaamo ko na.
Hindi nag tagal matamis na Oo sa mensahe mo nakita ko na.
Oh anong sayang nadarama sa puso ay nagpasigla.
Pinapangarap na pagmamahal sayo lang nakamtam.
Marami ng dumating at lumisan pero sayo’y ayaw kang mamaalam.
Tila Mahal ikaw na ang Pinakahihintay para Puso’y tuluyan ng lumigaya.
Mga araw na nagdaan lalo ka pang minamahal.
Ang isang tulad mo itinuturing kong  Kristal.
Kristal na laging iingatan para puso mo’y hindi masaktan.
Lahat ay iaalay sa abot ng makakaya.
Puso ko’y walang ibang pakay kundi ikaw ay mapaglingkuran.
Dahil para sa Puso ko ang kaligayahan mo ay kaligayahan din nito.
Mahal sana’y hindi magsawang ang Puso ko rin ay Pagsilbihan.
Pagsilbihan ng tinawag nating Pagmamahal.
I dedicate my art  to my Girlfriend
Baby i love you so much
Eugene Nov 2018
Ayoko nang makipag-chat, wala namang nag-me-message.
Ayoko nang tumawag, wala namang nagsasalita.
Ayoko nang mag-text, wala namang nag-re-reply.
Ayoko nang mag-email, wala naman akong natatanggap na sagot.

At alam mo ang pinaka-ayaw ko sa lahat?

Ayoko nang magmahal, lagi na lang akong nasasaktan.
Random Guy Oct 2019
Hindi ko rin alam.
Kung bakit naguguluhan,
kung bakit mas gusto ang pinaghihirapan.
O mas gusto lang talaga mahirapan.
Bawat tinginan na hindi ko alam
kung ako lang ba ang nakaka alam,
nakakapansin,
na meron talagang namamagitan sa atin.
Isang napaka weirdong koneksyon
na nagdudugtong sa mga isipan,
iniisip
pati ang pinaka malalim
at ang pinaka sulok ng imahinasyon,
kuha mo ako.
At agad ay nakuha rin kita,
hindi ko naman alam na pati pala ang puso ko nakuha mo na.
O ako lang pala ang nakakaramdam,
nakakaisip,
nakakapansin,
na ako lang pala ang nakakakita,
nakakarinig,
amoy ang bango ng iyong buhok sa t'wing bebeso
o yayakap
o lalapit upang tumabi,
makipag-usap,
oh sinta.
Ganda ng iyong mga mata,
chinita,
halos hindi na ako makita kapag napapatawa,
o hindi mo naman pala talaga ako nakikita
sa paraan kung paano ko gustong makita mo ako?
Oh sana, habang napapatawa kita,
habang lumiliit ang iyong mata
ay mas lumakas ang pandinig mo,
na ikaw lang sinisigaw nito.
Nitong puso ko.
Maaring hindi mangamusta,
Maaring hindi na magparamdam,
Maaring hindi na makipag usap,
Maaring hindi na makita,
Maaring hindi na mainit,
Maaring hindi na malapit,
Maaring hindi na maaari,
Ngunit hindi kailanman sumuko.
Maaaring napagod na ngunit naghihintay pa rin.

— The End —