Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
cosmos Feb 2017
Hindi ko kasi alam
kung saan ako lulugar
Ako na ba talaga
Siya pa rin yata

Sabi mo kasi wala na
Pero sa iyong bawat salita
Nakikita ko siya
Nandiyan pa siya

Natatakot kasi ako
Na mahulog para sayo
Mahulog at hindi masalo
Dahil yakap yakap mo pa siya

Sabi mo kasi napapasaya kita
Ngunit laging may lungkot
Sa iyong mga mata
Namimiss mo lang yata siya

Tama ba'ng ituloy pa ito?
Baka sa dulo'y wala ring tayo?
Baka sa dulo'y ako na lang?
Ayoko nang masaktan

Hangad ko lang naman
Ang iyong kasiyahan
Sinusugal ang aking kabuuan
Laging nagtatapang-tapangan
Pinapairal ang katangahan

Sigurado ka ba sa iyong nararamdaman?
Kasi hindi ko na alam
Kung saan ako lulugar
Baka isang araw
Sa aking pagmulat
Wala ka na at sabay na ulit kayong naglalakbay

Ingatan ko daw ang aking puso
Pero bakit tila
Mas mahalaga sa aking
Buuin ang sa iyo
Habang unti-unting gumuguho
Ang puso ko
Faye Feb 2020
Andito na naman ako
Magsusulat na naman para matandaan
Mga pangako na minsan mo binitawan
Nagtatampo at nasasaktan
Nasaan ka? Bakit hindi kita maramdaman?

Natatandaan mo pa ba yung pangako mo?
Pangako mo na mananatili ka sa tabi ko?
Sinabi ko sayo na aalis na ako
Na ayoko na at sumuko na tayo
Pero nanatili parin sa piling ng pareho.

Mahal, alam natin saan tayo lulugar pareho
Kung hanggang saan lang ang meron "tayo"
Pero ang pangako mo na hindi mo ako pababayaan nasaan?
Naglaho na ba at tuluyang nakalimutan?
Nakalimutan o hindi mo mapanindigan?

Hindi mapakali't nanghihinayang
Mga binitawang salita at nararamdaman
Pilit binubura lahat ng ugnayan
Ugnayan na nabuo sa pag-iibigan
Hanggang umabot sa desisyon na wakasan.

Mga pangako natin sa isa't isa
Napako at nawala na
Tila ba kay bilis lang uli mapag-isa
Yung sakit na hindi ko maramdaman noon
Ay unti unti ng yumayakap sa akin ngayon.

Mahal, salamat sa masasayang araw natin
Mga araw na nabuo ng masarap na salita sa atin
Larawan mo na hindi makakalimutan
Haplos at yakap mo na hindi mapantayan
At sa mga pangako na iyong binitawan.

Salamat sa masasayang kwento
Na itatago ko hanggang dulo
Salamat dahil naging parte ka ng buhay ko
Masayang alaala ng babaunin ko
Ito na ang dulo na kayang tanggapin ng puso ko.
Ang bawat salitang bibitawa’y
Mistulang mga butil ng ulan.
Dahan-dahang tutuksuhin ang damdaming
Hindi mawari kung saan nga ba lulugar.

At unti-unting magtatago at maglalaho,
Gaya ng mga imahe sa panaginip
Na minsa’y nagigising na lamang --
Kupas na ang mga alaala.

Naglaho at nagbago,
Tulad ng gabing mapanlinlang.
Tulad ng pag-aalinlangan
Kung bubuhos na ba ang unang patak ng ulan
O mananatili’t makapaghihintay
Kung sino ang taya; kung sino ang handa na.

Hindi ko lubos maisip
Na ang tadhana pala ay may katapusan,
At ito’y matagal nang dumaong
Sa kawalan ng tiwala.

At gaya ng mapanuksong dahong
Sumasalo sa luha ng langit,
Siya rin pala'y bibigay at mapapagod --
Mapapagod at lilihis hanggang pangako'y mapako.

Naubusan ang bawat katauhan
Ng sandatang  mas masakit pa sa ligaw na bala.
Hindi na rin nila naggawang humanap ng paraan
Para likumin ang minsang mga butil
Na ngayo'y karagatan na.

Naubusan na rin ng mga salitang maibibigkas
Pero minsan din naman nilang sinambit,
Na “ako’y handa na."
Nagtuturuan at nagtutulakan,
Kung sino ba ang may sala.
Ang rosas na alaala, ngayo'y tinik na sinusuka.

Humahampas ang agos ng nakaraan
Sa mga pusong nanamlay habang naghihintay.
Marahil, napagod nga sila
O talagang naubos na ang alas
Sa kani-kanilang mga baraha.

Naulit nga lang ba ang nakaraan?
O ito ang katapusan ng kanilang sumpaan?
Pagkat minsan na ring nalumbay
Buhat sa distansyang pumagitan sa kanila
Ngunit sa pagitan ng “oo” at “hindi,”
Hindi na nila nagawang sumabay.

Ang bigat na kargo ng isa’y
Hindi na kinayang pasanin ng isa pa.
At sa sabay na pagtalikod
Ay namutawi ang poot at tampo.

Hanggang sa dulo ng sinasabi nilang “simula”
Ay naging hangganan na.
At naputol ang pulang lasong itinali nang sabay.
Sabay nga silang nangarap,
Ngunit sabay din silang naubos.
madi Apr 2018
Sa mga nagdaang araw.
Nagtataka ako,
Masaya naman ako, masigla
At higit sa lahat hindi ko ramdam na mag-isa ko

Pero bakit tila ito nanaman siya
Yung dilim kinukuha nanaman ako
Bumubulong sa tenga ko
Na "mag-isa ka nanaman"

Ito nanaman sila
Yung mga luhang bigla nalang tutulo
Kasi hindi mo na kaya
Kasi nararamdaman **** may humahadlang sa kasiyahan mo

Tama pa ba ito?
Sa tingin ko hindi na,
Wala nang nangyayari
Puro kamalasan nalang

Alam ko masyado na akong sobra,
Para hilingin na sana mamatay nalang ako
Na sana hanggang dito nalang ako
Pero hindi ko mapigilan kasi hindi ko na rin alam

Nagdadasal ako na sana
Sana lang naman maging maayos na lahat
Pero bumubulong nanaman sila
Na "Saktan mo ang sarili mo"

Hindi ko na alam
Hindi ko na alam kung saan lulugar
Nakakapagod,
Nakakalungkot.

Ayoko na maramdaman to
Sobrang bigat sa pakiramdam
Na parang laging may tumutusok
Sinasaksak na ako ng sarili ko patalikod

Wala na kong kasama
Mag-isa nalang ako
Sino bang kakapitan ko?
Kundi sarili ko.
Yhinyhin Tan Aug 2022
Kung hindi mo naman pala balak mahalin siya?
Eh bakit ginulo mo pa buhay niya?

Mga tanong na hanggang ngayon tuloy pilit niyang hinahanapan ng sagot.

Mahirap pala talaga kung wala naman talagang pagkakakilanlan ang relasyon n'yong dalawa—nakakalungkot.

Kung saan siya lulugar hindi na rin  niya alam.
Kung may karapatan ba siyang magselos at magdamdam

Kung kailangan  pa ba niyang maghintay o sumuko na lang
O hingin ang oras mo, tanong niya'y siya ba'y may karapatan?

Kaya sana kung bubulabugin mo lang din naman ang kaniyang damdamin at wala kang balak na siya'y mahalin—

Pwede ba? Huwag na lang, huwag mo siyang ikulong sa isang sitwasyong kulang na lang siya ay mapraning.

Salita | Ate Yhin
08172022648am
Label #MU

— The End —