Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"titingnan" poems
Ang bansang pilipinas sadyang magtatagumpay Kung nanunungkulan dito,mahinaho't malumanay, Matalino't masipag,may prinsipyo sa buhay, Kayang mamuno ng bansa,masigasig na tunay. Ngunit sa kasamaang palad, di natin ito nakamit, Kaya mga mamamayan,para bang nakapiit Mistulang preso nang kahirapan humagupit, Walang kasama sa dusa, walang karamay sa sakit Nasaan na ang pinunong inyong iniluklok? Bakit hinayaan niyang pilipinas ay malugmok Sa kahirapan ng buhay at magmistulang lamok? Palipad - lipad o kaya naman ay nasa isang sulok. Kung minsan ay talagang napapaisip ako Ano ba talaga ang silbi ng gobyerno? Para ba mangurakot at magbalatkayo? At hayaang maghirap ang sariling bansa ko? Kung titingnan kasi nating mabuti sa mata, Pilipinas,ilan nalang ang tanawing magaganda Hirap na mamamayan ang iyong makikita, At mga batang lansangang kumakalam ang sikmura Nasaan na ang pondo ng ating bayan? Bakit naghihirap ang mamamayan? Katwira'y marami daw pinaggagastusan Ang mga departamento ng pamahalaan Isa daw dito ang 4p's kung tawagin Na tumutulong daw sa mga kababayan natin, Pero ang nakikinabang,mayayaman lang din, Sa halip na yung pamilyang walang makain. Bakit katarungan ay hindi makita Sa gobyerno ng bayan kong kawawa? Nasaan na ang mga taong may pusong dalisay, Na sa bayan ay handang maglingkod na tunay? Kung ako ang tatanungin,ang akin lang masasabi, Mga kurap ay laganap at plastic ang marami Tapat na tao'y kanilang hinuhuli At pamamalakad nila ang nais mamalagi Kaya sana sa halalang papalapit, Yung matitino naman ang ating ipalit Mga tapat at di manggagamit At kaunlaran ng pilipinas ang nais makamit..
0
Mar 2, 2017
Mar 2, 2017 at 1:41 AM UTC
Untittled

Continue reading...
40
#101915 Alam kong sayo ang sakay Medyo nainip ako buhat sa pagkabigo Nang minsang inabanga'y Nakaligtaang arkelado pala. Nag-abang ako, Pumara ng iba Pati ruta pala'y ibang ibayo ang salta. Ibang kalsada, Naglakad akong muli Oo, mas napagod May paltos at kalyo ang mga paa Sana'y naghintay na lang ako sayo Kahit walang kasiguraduhang Magbabalik para paangkasin. Bukas makalawa, Sa panahong hindi mala-Cinderella, Daraan kang muli Hihinto kahit di parahin, Aalukin akong sumakay Pagkat naihatid mo na ang iba. Ako marahil ang huling pasahero Bagkus alam kong may bakanteng silya Silyang inilaan at palaging pinapagpagan Nang hindi maalikabuka't Maihanda sa oras na nakalaan. Sasakay ako nang dahan-dahan, Hindi gaya ng dating may pagmamadali, Titingnan kong maigi ang hagdanan Nang hindi ako matalisod At may mahawakan. Sasakay akong may panibagong pag-asa Walang pag-aalinlangan sa pait ng nakaraan Marahil hihintong muli ang sasakyan Bagkus totoo nga't Makabababa na sa tamang hantungan.
0
Nov 24, 2015
Nov 24, 2015 at 12:42 AM UTC
Magbabalik sa Abangan
titingnan ko kung may natira pa rin ba sa latak ng tinta ng 'yong alaala o ipinipilit ko lang na palabasin ang iyong anino sa lahat ng aking nakikita o nadarama. sana makalimutan na kita, kahit pa mahal kita. sa totoo lang nagtapos ang lahat sa isang pagkakamali: ang iwan ka matapos makahanap ng iba. akala ko masyado na kitang mahal at pagkakataon namang ilaan ko ang pagal kong puso para sa iba, pero hindi 'yon nangyari. bumabalik lamang ako sa'yo sa tuwing nakikita ko ang ngiti nila mula sa'yo, o ang mahahaba **** pilikmata kung nakapikit ang mga mata at tangan ang iyong ulo sa balikat ko. nagniningning ka kahit madaling araw. ang pagkaway ng buwan sa tuwing titingala ako ang nagkakanlong sa ating mga gunita. ikaw ang nakikita ko sa lahat ng aking mga inibig at susubukang ibigin. ikaw lang ang kaya kong balikan matapos layuan. ikaw lang. ikaw lang ang hindi ko kayang hagkan o halikan kahit gusto ko man. nais kong hawakan ang 'yong kamay o hawiin ang mga buhok sa mukha at tuluyan nang halikan sa noo. ikaw lang ang kaya kong lubusang mahalin na hindi ko puwedeng gawin, dahil takot ako. lumipas na ang maraming taon ngunit nasasakin pa rin ang takot kong 'to. ang sabi nila matatakutin daw ako, oo pero hindi sa multo o engkanto, kung hindi sa pagmamahal na hindi totoo at mabilis maglaho. hindi ganoon ang pag-ibig ko, marahil ang pag-ibig mo, pero natakot din ako sa'yo. dahil gusto mo pang maglaro at malaki na ako para diyan. ayaw kong maglaro pa ng habulan o mataya-taya. hindi na ako bata. tanggalin mo na ang piring sa mata dahil sa hanapan daga, ako lang ang tanging sasalubong sa'yo at magsasabing, "simula't simula pa lang, ako na ang talo, ako na ang taya."
0
Jun 24, 2017
Jun 24, 2017 at 2:21 AM UTC
Untitled

11
Di pipigilan ang puso na tumangis Ang luha sa pagpatak nang dahan-dahan Ilalakad pa rin ang mga nanginging na paa kahit masakit Imumulat ang mga mata habang lumuluha at tinitingnan ka papalayo Bubuksan ang kamay lalo na't hindi na hawak ang iyong palad Hahagkan ang hangin sa pagbabakasakaling ika'y babalik Titingnan ka na lang sa malayo at ngingiti Sa pagkakataong iyon alam kong ika'y masaya sa kanyang piling Hindi na pipilitin at alam kong ika'y di para sakin At lalaging sasabihin na kung hindi lang din ikaw ay huwag na lang Sa muling pagtatagpo sa huling pagkikita sa huling hininga ikaw...
0
Feb 14, 2020
Feb 14, 2020 at 7:45 AM UTC
Kung di lang din ikaw
Kung titingnan tayo sa malayo ay tila dalawang estranghero. Magkalapit na nakatayo, ngunit kalooban ay magkalayo. Sa bawat buntong hiningang pinapakawalan, ay ang patagong pagpahid ng luhang pinipilit wag masdan. Sa bawat patak ng ulan sa iyong mykha, ay ilang beses kong pagpigil ng sariling luha. Gustohin ko mang ikaw ay pigilan, wala akong magagawa kundi ikaw ay pakawalan. Kung kagustohan ko lang din naman ang masusunod, Maari ba? Maari  bang sabihin, mga salitang pilit pinipigil bigkasin? Maari bang kahit ngayon lang, ay mawala saglit ang pagkailang? Maari ba? Kahit ngayon lang? Kahit saglit lang? Maari bang ikaw?
0
Jul 1, 2020
Jul 1, 2020 at 9:12 PM UTC
"Estranghero"
Hindi ko lubos malaman kung saan na nga ba ang daan tungo sa walang hanggang kasiyahan Tila ako'y nabalot na ng walang katapusang kalungkutan Pakisabi naman sa akin ang araw kung kailan ito mawawakasan Patuloy na naghihinagpis Mga mata ay laging nananangis Kung iyong titingnan sa aking pisikal na kaanyuan malalaman mo ang pinagkaiba ng isang taong masaya at isang taong pilit nagpapakasaya. Oo, hindi ako ang taong kilala ninyo. Sa likod ng wangis na anyo, Sa kabila ng 'di mawaring agam-agam, Nananatili ang isang kabuuan ng pagkatao na kahit kailan, hindi ko ninais maramdaman. Oo, isa akong halimuyak ng bulaklak sa inyong paningin pero, Ni minsan hindi nagawang pitasin at nanatiling nakasulyap sa katimyasan. Isa lamang akong atraksyon na pinipiling lapitan. Isang anino sa pisikal na anyo.
0
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 10:00 AM UTC
Sino... ako?