Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
jerely Aug 2015
Ukitin ang namumuong salita ng iyong pag-ibig
Wari'y ipikit ang iyong mga mata
Kung tadhana'y nakalaan,
Sa tamang oras at panahon.

Pagkat ang buwan at ang araw;
Ay namumukod tangi sa ulap
At hangga't maaaring tanaw ay abutin.

Silipin sa aking palad;
ang kapalarang mapaglaro.
Sa ihip ng hanging amihan
Ito'y dumaan man hanggang tanaw mo'y maabot sa kalagitnaan ng daigdig.
Yung tipong aanurin ka na ng karagatan.
Kahit umulan man o umaraw
Yung tipong paghihiwalayin kayo ng landas.
Pero sa kabila ng lahat,
ito'y babalik sa tamang panahon.


(English Translation)

Court The Heart

**Carve the coagulating words of your love.
As eyes closed,
Whether, destiny reserve the heart,
that fall in love at the right time.
Whereas the moon and the sun;
the only exceptional top of the skies &
As long as I could reach the scenery.

Glanced at my palm hands;
That playful act of fate.
As the breeze of the cooling air
Whisper the touching soul of yours,
Reaching as much as it could.
Between the World we knew it'll still hold you back from time to time.
&
Even if the ocean will drown us apart
Even if the sun shines nor we soak at the rain
&
Even if the path would break us apart,
Still we could turn back at the right time.
It took me to translate it into english though there are words that I need to change/adding it in my own way of translating the tagalog/filipino language.
Well one of my works that I enjoyed writing on :)

"Court" means way of getting his/her heart wins. It also means pursuing the person that you like.

Jerelii
August 17, 2015
Copyright
1.
Noong unang panahon, pulos patag ang lupa
Maliban sa bundok na dalawa
Bundok Kalawitan sa Kanluran
At Bundok Amuyaw sa Silangan!
(Once upn a time, all of the earth were plains
Except for two mountains
Mt. Kalawitan on the West
And Mt. Amuyaw on the East!)

2.
Ang kalikasan ay sagana
Ang mga tao ay payapa
(Nature was then bountiful
People were then peaceful)

3.
Ngunit dumating ang isang delubyo
Nagkandamatay ang lahat ng mga tao
(But a deluge arrived
All people died)

4.
Maliban sa magkapatid na dalawa
Sa bundok napadpad ang bawat isa
(Except for two siblings
Each of them landed on the mountains)

5.
Sa Amuyaw na kabundukan
Ang lalaki na si Wigan
(On Amuyaw mount
There was the man named Wigan)

6.
Sa Kalawitan na kabundukan
Ang babae na si Bugan
(On Kalawitan mount
There was the woman named Bugan)

7.
Nang humupa ang baha
Nagtagpo silang dalawa
(When the flood subsided
The two of them united)

8.
Subalit isang araw, nakadama si Bugan
Na may buhay sa kanyang sinapupunan
(Yet one day, Bugan felt something
In her womb, someone was living)

9.
Siya’y nagimbal sa natuklasan
Nagtangkang magpakamatay si Inang Bugan
(Upon her discovery, she was horrified
Mother Bugan tried to commit suicide)

10.
Sa dali-dali’y biglang nagpakita
Si Makanungan na bathala
(Soon, there suddenly appeared someone
He is a god named Makanungan)

11.
Kanyang pinigilan si Bugan
Dahil ganap niya itong nauunawaan
(He tried to stop Bugan
Because he could fully understand)

12.
Sila ay pinayagan ng diyos na magsama
Sapagkat sa mundo’y wala nang taong iba
(They were allowed to become a couple
Because in the world, there were no more people)

13.
Ang magkapatid na mag-asawa
Marami ang naging bunga
(The couple siblings
Got many offsprings)

14.
Apat na babae
(Four females)
At lima ay lalaki
(And five males)

15.
Sa kahuli-hulihan
Sila-sila rin ang nag-asawahan
(And soon after
They married one another)

16.
Subalit may natatangi sa kanila
Ang lalaking si Igon na walang asawa
(But there’s someone unique among them
He’s the man, Igon, who got no tandem)

17.
Isang araw, dumating ang ayaw ng lahat
Ito ang panahon ng tagsalat
(One day, there arrived something everyone didn’t like
The season of famine did strike)

18.
Kaya upang suyuin ang mga diyos
Ritwal ng pag-aalay kanilang idinaos
(So in order that the gods could be pleased
They rendered a ritual burnt offering of beasts)

19.
Nang sa alay kinapos na sila
Kanilang inihandog maliit na daga
(And when of sacrificial beasts they were out
They only offered just a small rat)

20.
Sa kabila ng lahat, walang paring tugon
Kaya isang krimen ang naging opsyon
(After all, there answered no voice
So it was crime that became the choice)

21.
Walang pakundangang kinitilan ng buhay
Kapatid na si Igon ang ipinang-alay
(They dared to **** their brother
It was Igon whom they did offer)

22.
At biglang nagpakita
Si Makanungan na bathala
(And suddenly, there appeared someone
It was the god, Makanungan)

23.
Lahat sila ay isinumpa
Iyon ang simula ng digmaan sa lupa!
He cursed everyone
That was the beginning of war in the land!)

-03/10/2012
(Dumarao)
*for Lit. Day 2012
My Poem No. 101
kingjay Oct 2019
Unti-unting naghahari ang dilim
Sa sulok ng lumang kamalig
Isang papel at lapis
na hinahawakan nang mahigpit

At ang buwan ay sumisilong
Sa anino ng mundo
Batbat ng bituin ang langit
Sa bulag na panganoorin

May galak na maiguguhit
Sa kapintasan ng tinta
Ang saysay ng buhay malilirip
Sa kumukutitap na lampara

Lahat ay nakapiring
Habang sa luklukan ang gabi
Nalilingid ang katotohanan
Ngunit maaaring isulat ng pipi

Luluha ang birhen
Sa awit ng mga pipit
Ang pagsasalaysay sa buhay
Ay kapana kapanabik
Kung may hirap at pasakit

Ngunit hanggang kailan ang pagtitiis
sa lumulubog na kapalaran
Umaaninag sa pawid at
Sa mukhang nagugululumihanan

Lumilipas ang sandali nang marahan
Mahirap suyuin ang hangin
Hindi madali ang mabuhay
Magpatangay sana upang makalaya
gaya ng lumulutang na saranggola
sa habag ng gabi't tala
LalaineGumiran Sep 2019
Parang isang babasagin
napakarupok ko sa iyong mga mata
at sa iyong mga ngiti na bilang sa daliri.
Marupok ako sa mga pasimpleng lambing
na dumudurog sa malamig na puso.
Sa balikat **** sinasandalan,
sa yakap at amoy ng iyong anit kahit maghapong pawisan,
napakahina ko.

Natutuwa sa simpleng kwentuhan
at kahit di mo pa subukan,
dalang dala ako sa agos mo.
Kahit wala ka pang gawin para ako'y suyuin
nanlalambot ang Marupok na ako sa Marupok na ikaw

Marupok pati ang isip ko
na laging lumalakbay papunta sayo,
lumilipad sa kalawakan mo,
ramdam ang grabidad na lalong humihila
sa pusong tila nalalaglag na.

Kaya ba?
Kaya bang saluhin ng marupok na ikaw
ang marupok na ako?
faranight Jun 2020
Tila bampira ako na nalulusaw sa liwanag mo,
ang dilim na minsang nagtugma sa pintig ng dibdib
ay tila lumisan na para sa bagong umaga
at sa bagong pagiikutan nito.
Ang rurok ng kastupiduhang ito ay nag udyok na tumakas sa upang suyuin ang mga sinag mo.
at gaya ng mapangahas na gamo gamo,
ay pinilit kong mapalapit sayo..
na nagsanhi ng pagkasunog ng aking mga pakpak..
Lumagpak at hindi na muling nakapalipad.
At gaya ng mga bampira sa kwento ni tatay,
ay tuluyan ng napaso
at nawala sa landas ng mga sinag mo.
di ko alam kung ano ba ang mga salitang gagamitin
para lamang maniwala ka sa akin
di ko alam kung paano ka kukumbinsihin
na ako na ay patawarin
paano ko ba sisimulan na suyuin ka
kung ikaw mismo ayaw ng magpakita
di kita masisisi
sapagkat ako naman ang nagkamali
nagkamali ako na di ka naipaglaban
dahil sa aking kaduwagan
ang pag-iwan ko sayo ay wala nang mas sasakit pa
dahil mahal
ang hirap para sa akin na lisanin ka
kung iniisip mo na masaya ako
nagkakamali ka mahal ko
hindi lang ikaw ang lumuluha
hindi lang ikaw ang nasaktan
dahil triple pa nang nararamdaman mo ang sakit na nararamdaman ko
dahil hindi na sapat yung pagmamahal ko
para samahan kang labanan ang mga pagsubok sa relasyong ito
di mo kailangan ng duwag na gaya ko
ang kailangan mo ay yung taong kaya kang ipaglaban hanggang sa dulo
KAYA MAHAL PATAWARIN MO AKO
MALAYA KA NA
ITO ANG MASASABI KO
MAHAL KITA PERO DI AKO ANG KARAPAT-DAPAT PARA SAYO

— The End —