Tumutugtog sa iisang saliw
Buhay na gustong ipabatid
Imbis na magbigay ng saya at aliw
Kalungkutan at pighati ang siya nitong hatid
Mga tonong nagbibigay buhay
Sa kanta ng ating buhay
Na sabi nila, isang uri ng tagulaylay
Ngunit parang hindi ito tunay.
Sabi nila ang tono ng isang kanta ay iba-iba,
May mataas at mayroong mababa
Ngunit para bang ang kanta ko ay iba
Lagi na lamang nasa mababa
Nasa mababa nga ba talaga
O sadyang ang boses ko’y sintunado lang talaga
Baka naman kailangan ko lang talaga
Itono ang boses kong tunog lata
Para maramdaman ko ang tunay na ganda
Ng kantang iyong nilikha
Binuo mo kasama ng tuwa at ng luha
Para maramdaman ko ang iyong mga salitang:
“Anak, Mahal na Mahal kita”.
Kaya nais ko sanang iparating sa iyo, aking Sinta
Salamat sa Iyo, o aking Ama