Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pumalakpak" poems
Kayraming lubak, alon ay malakas Tatagaan ang loob, sa daa'y maraming ahas Maraming kasama ngnit ikaw ay mag-isa Pagtaas ng tubig sa sapa, sa'yo ay walang kakarga Natural lang ang umiyak at magpapadayak Pag-abot sa tuktok ay hindi basta at payak Minsan pa nga sa'yo ay maraming tatapak Pero ang payo ko sa'yo, sumayaw at pumalakpak Hindi ka baliw sa iyong gagawin Ipakita ang galing at taas ng mithiin Daan naman talaga minsa'y mahirap tahiin Ngunit kapag umayaw, ika'y palpak na tatawagin Matapos ang hirap, asahan mo ang sarap Damhin ang lasap ng natupad na pangarap Bawat pawis at dugo, kapalit ay karanasan at kamalayan Na sa iyo ngayon ay magsisilbing kayamanan
0
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 4:15 PM UTC
Patungo sa Tuktok
limampung pulgada ang pagitan ng ating upuan limampung pulgada na tila parang isang kilometro ang distansyang kinakailangang tahakin upang maipatong ang braso sa pahirabang nakaumbok sa gitna ng ating luklukan, kung saan ang iyong braso'y nakapatong rin. apatnapung pulgada nang sumara ang ilaw kasabay ng aking mga mata kung saan sinakop tayo ng karimlang mas madilim pa sa kalagitnaan ng takipsilim ngunit ako'y nakatayo, naglalakad na patungo sa'yo – mga kamay na kinakapkap ang malalambot na pulang ulo sakaling ako'y mahulog dahil ang ninanais kong sumalo sa akin ay apatnapung pulgada pa ang layo. (tatlumpu, dalawampu, sampu) bawat tapak na nanatiling tahimik, maingat. (siyam, walo, pito) natatanaw kita sa halip ng dilim kung saan wala talagang makita, makilala. (anim, lima, apat) para bang lahat ng puso sa silid ay nagsabayan sa pagsigaw. (tatlo, dalawa, isa) nasa tabi na ki– bumukas ang mga ilaw, kasabay ng aking mga mata; pumalakpak ang lahat. Limampung pulgada pa rin ang pagitan ng ating upuan.
0
Aug 24, 2017
Aug 24, 2017 at 8:31 AM UTC
limampung pulgada