Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pukawin" poems
Mayro'ng patingin-tingin Sa mahabang usapin Sa lumipas na araw Sya ay nagbalik tanaw Ayan sya't walang malay Ngiti sa labi'y taglay Nauubos ang oras Kala mo walang bukas Tila ba nalilibang Habang sya'y nag-aabang Sa mensaheng padala Ng kanyang kakilala Kahit sa isang saglit Isang iglap, kapalit Habang sya'y nag-iisip Nahulog na't na-idlip Sa pagbalik ng diwa Tama nga bang ginawa? Tinignan kung may tugon Dinampot, kanyang selpon "Ako ba'y isang hibang? Bakit parang may kulang?" 'Pag di na naka-usap Tila ba naghahanap Isip ay wag lunurin Damdami'y wag pukawin Atensyo'y wag ibaling Sa tulad **** malambing Pigilan **** umasa Kung ayaw **** magdusa Sarili ay gisingin Puso ay wag susundin Babala sa sarili Ika'y wag papahuli Kung ayaw **** magbago Kanyang pakikitungo Maluwag **** tanggapin At lagi **** tiyakin Sarili'y sasabihang: "AKO AY KAIBIGAN LANG." © LMLB
0
Sep 15, 2018
Sep 15, 2018 at 10:15 AM UTC
Paalala
Aking binibini Nagaantay na ang probinsya sa iyong yakap at halili Pukawin mo ang himbing lupang sabik sa iyong pagkalinga at serbisyong mapitik Ngunit kung ikaw man ay hirap na Nandito lang ako Ang iyong magiging kwarto Pupunasan ang stress at anxiety mo Matulog kana ng mahimbing Pagkat bukas sa liwayway ay syang pagsibol ng hangin Unahin mo muna ang iyong nasasakupan Bukas makalawa ay ako naman.
0
Jul 12, 2020
Jul 12, 2020 at 11:37 AM UTC
to the governor
Saglit lang nakatulog nang naulinigan ang malakas na hilik Isa, dalawa, tatlo hanggang treinta na segundo na tahimik pagkatapos ay humagok Isa, dalawa, tatlo hanggang lampas sa isang minuto muli'y nadingig Gustong bumangon mula sa pagka-kalahating gising at tulog Ngunit parang may pumipigil Mga braso't binti ay pinapatungan ng sampung presyon at hulugbigat Dalawang minuto na mahigit Mapayapa na sa abang-aba na sandali Nang tuluyan na nagising ay humagibis para pukawin Walang hangin na sa ilong at bunganga niya'y lumalabas Hinanapan ng pulso habang tumatangis Kulay ube ang mga kuko, maputla ang kutis Ang birang na nalaglag sa loob ay isang papel Hindi na ikinaumagahan, pintakasi ng lagim ay nagpahudyat Kukunin ang laluluwa bago ang bukas Nag-aagaw buhay na ama'y kailangan ng adya at di nagawa Ulo'y nalungayngay Sarili'y sinisisi Buntunan ng sala ang kilos at gawa Kumukudlit-kudlit na ipinaparatang Kumakati-kati na ala-ala ay bumabagabag sa malabong konsensiya
0
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 7:23 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #51
Ipagpatuloy mo ang pag-kapa sa gitara kahit na iyong mga kamay ay itinatali nilang pilit. Ituloy mo ang pag-sulat, pag-awit ng mga liriko ng kanta kahit maraming mapanghusgang mga mata. Wag-kang manahimik-- ang kailangan mo ay umimik. Ipabatid sa kanila na ito ang landas na piniling itahak, at kahit man minsa'y ika'y napapahamak, 'di mo parin isususko iyong pangarap. Kayat tumugtog ka at iparinig sa kanila ang minamahal mo na obra. Pukawin mo ang bawat natutulog na damdamin, gisingin mo ang kanilang mga puso, ipabatid ang mahika ng sariling musika. Tandaan mo malaya kang piliin kung sino ka mismo. Ikaw ang may hawak ng buhay mo, kaya't h'wag sanang hayaan na sila ang mag-dikta ng pangarap. Oras na para ibuka mga pakpak at lumipad. Hindi ka isang talunan, bagkus idolo na dapat hangaan, sapagkat kay raming dahilan upang isuko ang laban, subalit hindi mo tinuloy sa halip ika'y nagpatuloy-- pinili mo na ipanalo kaysa ipatalo.
0
Dec 26, 2020
Dec 26, 2020 at 7:28 AM UTC
"Malaya Ka"