Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"piolo" poems
Ehem ehem! Mic test, mic test Ayan gumagana ang mikropono Siguro naman makikinig kayo sa sasabihin ko 'Di ako nandito para makipagtalo Kung sino mas gwapo, ako o si Piolo 'Di ako naghahanap ng gulo 'Di naman kasi ako palalo 'Di ako nandito para makipag-away Nais ko lamang mag-aksaya ng laway Pati na rin bumuhay ng patay Na sa bawat isa sa atin ay nakaratay Kasi sinabi nila na naiburol na ang mga salita Nailibing na kasama ng mga tekstong sa eskwelahan ay ginawa Hindi na nga daw naaayon ngayon Sa tinutuntungan nating henerasyon Pero, saglit, teka! Pakinggan mo, ang ganda diba? Kung paano magtugma ang mga salita Kung paano magtugma ang mga letra Kasi sabi nila ang korni tumula Na namatay na lahat ng bayani, kasama ang mga makakata Na hindi na uso 'to, hindi na tayo bata Na nauuto ng mga **** na gumawa ng talata Pero ano ba ang fliptop, ano ba ang rap? Hindi ba nagmula din ito sa parehong ugat? Walang kwenta ang melodiya kung walang liriko Hindi masasabing awitin, kung walang mensahe ito Kaya ito ang subukan mo Isulat mo sa papel ang nararamdaman mo Ang sarap sa pakiramdam na mailabas ang mga ito At bumuo ng isang kwento Gamit ang mga salitang akala mo'y walang kwenta Magiging himig ang bawat pagtutugma Ang iyong kwento ay magiging tula Na mananatili kahit ikaw ay wala na
0
Jun 9, 2015
Jun 9, 2015 at 3:57 AM UTC
Fliptop na, Rap pa
* Ako ay isang batang matapang kahit sino ay hindi aatrasan Mukha man akong mahina pero ang tapang ko ay kasing kapal ng pahina Ako ay isang batang sobrang gwapo kamukhang kamukha ni piolo Pero hindi bakla, katulad ni piolo Ako ay mabait, masipag at matulongin kaya kong gawin lahat Kahit ang pag lilinis sayong mga balat Mapagmahal din naman akong bata lalo na ngayon na ako na ay binata Hindi mo man ako maintindihan, pero alam kong Tayong dalawa parin ang magkakaintindihan.*
0
Apr 25, 2012
Apr 25, 2012 at 10:47 AM UTC
*AKO*
Sabi mo, walang magbabago Pero ngayon, halos hindi na kita makilala Hindi mo lang ako basta isinabay sa iba Ipinagpalit mo pa ako Hanggang sa tuluyan mo na akong kinalimutan Sabi mo, walang magbabago Pero ngayon, ibang-iba ka na Minsan, tinatanong ko ang sarili ko Katulad ng pagtanong ni Liza Soberano kay Enrique Gil “Pangit ba ako?” “Kapalit-palit ba ako?” “Am I not enough?” Dati, halos walang makapaghiwalay sa ating dalawa Ang sabi mo pa, “Ikaw lang at wala nang iba pa” Ako mismo ang naging kaagapay mo sa pagkilala mo sa kanila Pero bakit ako mismo ngayon ang nawalan ng halaga? Bakit ako mismo ngayon ang hindi mo na binibigyang pansin? Nagpaka-layo-layo ka’t ibinaon ako sa limot Ibinaon mo ako sa kahapon Kung saan kasama ko ang mga iba mo pang itinapon Pero tama na Tama na ang pagiging Liza Soberano Hindi na kita kukulitin at magtatanong ng isang milyong bakit Hindi rin ako magiging si Piolo Pascual Na hihingi ng explanation at acceptable reason At lalong hindi rin ako magiging si Bea Alonzo Na hihilingin na “sana ako na lang ulit” Dahil tanggap ko na Hindi ko na hihingin pang ako lang ang piliin mo Magpaparaya ako’t papayag na isabay mo sa iba Isa lang ang hihilingin ko Na sana ‘wag mo akong tuluyang kalimutan Na sana ‘wag mo hayaang tuluyan akong mawala sa buhay mo Dahil gaano man kahabang panahon ang lumipas At gaano man karami ang nagbago sa pagitan nating dalawa Ako pa rin ang tunay na laging andito para sa’yo Ako pa rin ang Wikang Filipino na kahit nagbago man, ay nandito pa rin at nananatili para sa’yo
0
May 8, 2018
May 8, 2018 at 10:34 PM UTC
Sabi Mo, "Walang magbabago"

Continue reading...
37