Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Euphrosyne Mar 2020
Mga sulat kong tula
Mga sukat at tugma
Hindi ba tumatak sayo sinta
Mga gawa kong tula?
Na sa iyo lamang ilalathala

Mga maririkit na salita
Mga nagtutugmang salita
Hindi ka ba kinilig aking sinta?
Hindi ba tumatak saiyong isipan mahal kong dalaga?

Mga nakaka kilig na banat
Bakit parang walang tama
Sa iyong isipan at puso na dun naman patungo ng mga salitang pinagisipan ng tamang sukat at tugma

Nakukulangan ka ba
Kailangan bang deretsuhin ko na?
Okaya isigaw ko pa?
Na mahal kita sinta?

Walang halong biro
Dahil nahulog na sayo
Kaya nung iniwasan mo na ako
Parang nasa burol, napakatahimik ko
Para bang nagluluksa ang sarili ko
Nawalan ng ngiti ang labi ko

Umaasa parin na tumatak sayo
Sinta ikaw lamang gagawan ng obrang ganito
Dahil nakakaiba ka sa
ibang mga dalaga mahal ko
Kaya lahat ng itong sukat at tugma
Mga obrang pinagisipan ng mahaba
Kahit ayaw mo na, sayo parin ilalathala.
Nagbabaka sakaling tumatak man lang kahit konti sa iyong isipan at puso mga likha kong para saiyo lamang.
hindi naman talaga ako marunong magsulat
pero nang dahil sa'yo
nasimulan ko

hindi ko din alam kung paano ito tatapusin
pero nang dahil sa'yo
nagawa ko

paano nga ba magsulat?
unang letra, pangalawa, pangatlo
hindi ko namalayan na sa unang pagtingin ko
sa unang paglapat ko ng papel sa lamesa
sa unang paggalaw ng panulat ko

...dumaloy na ang mga salitang
hindi ko akalaing manggagaling
sa mismong mga kamay ko

"isang araw..."
diyan din naman tayo nagsimula
diyan tayo unang nagkita, nagkausap at nagkatinginan
lahat naman nagsisimula sa isang araw hindi ba?

at magtatapos din sa "wakas"
ang wakas kung saan magiging masaya na ang lahat
ang wakas na hindi na pwedeng madugtungan pa
ng kahit anong problemang magbibigay kalungkutan

pero bakit?

kahit alam kong wakas na
kahit alam kong tapos na, tigil na, hinto na
bakit hindi ko pa din mapigilan
ang paggalaw ng kamay ko sa itaas ng papel?
ang pagagos ng mga letra sa utak ko
na para bang ako'y lalamunin na?

"nasasaktan ka na"
bulong ng utak ko sa puso ko
"kaya ko pa"
sagot naman ng puso ko pabalik
"di ka pa ba pagod?"

mga huling salita na nagsasabi sa'king tumigil na
mga salitang matagal ko ng hinihintay
mga salitang dapat matagal ko nang napagtanto
at hudyat na dapat itigil ko na

akala ko ba, nang dahil sa'yo, magiging madali na lang?
akala ko ba, nang dahil sa'yo, mahihinto ko agad?
bakit parang bumaliktad?
bakit parang, nang dahil sa'yo mas humirap

nang dahil sa'yo
humirap magsimulang muli
humirap maghanap ng panibagong papel
na pagsusulatan ko ng bagong kabanata
humirap ihinto ang mga pangungusap
na aking nasusulat nang ako'y nagsimula

kailan ba 'ko hihinto?
pati ba naman itong tula ay hindi ko matapos
dahil hanggang dito, ikaw pa din ang dahilan
ikaw ang dahilan kung bakit ko ito sinimulan sinulat, dinama, pinagisipan

alam ko...

alam ko darating ang araw na mararating ko din ang wakas
ang wakas kung saan wala ng "dahil sa'yo"
ang dulo kung saan mahihinto ko na ang pagsusulat ng kabanatang ito
ang kabanatang nagbigay sa akin ng ligaya, ngunit masakit na karanasan
ang kabanatang hanggang nakaraan na lang

at pag dumating ang araw na iyon
muli ko nang mararamdaman ang saya sa pagkuha ng bagong papel
ang saya sa paglinis ng aking panulat
at

ang saya kung saan mababanggit ko na ang katagang, "sawakas"

masasabi ko na din ang pasasalamat ko sa iyo,
na nagbigay sa akin ng papel at
matitingnan ko na din ng maayos
ang panulat na ikaw mismo ang nagbigay.
MarieDee Nov 2019
Sa simpleng sulyap nagsimula ang lahat
sa pagdaan ko'y ako'y hinanap
numero ko'y iyong pinagtanong tanong
nakuha mo ito at ako ngayo'y puro tanong
kung paano at kanino mo ito nakuha
ngunit ikaw'y puro kaila
sa umpisa pa lang ay may hinala
na sa kaibigan natin mo ito nakuha
pero heto ka at puro tanggi
hanggang sa huli ito  rin ay nasabi

sa pangungulit ko'y ikaw'y napaamin
na sa akin daw ikaw'y may pagtingin
noong una'y di makapaniwala
para sa akin lahat ay bigla-bigla

mga mensahe mo ang bumubungad sa umaga
di ko namamalayan, ako'y napapangiti mo tuwi-tuwina
maya't maya'y nangungulit
pagkikita natin ay iyong ipinipilit

sa iyo ako'y nakipagkilala at nakipagkamayan
pakiramdam ko ikaw'y tila kinakabahan
sa pagkikita natin ikaw'y biglang nahuhulog
tuwang tuwa at pintig ng puso'y kumakabog

bigla-bigla ikaw'y nagpaparamdam
sagot ko'y gusto **** malaman
katanungan mo'y pinagisipan
pakiramdam ko'y ang gaan-gaan

ikaw'y sinagot at nagkatuluyan
ang araw na ito'y di malimutan
nakipagkita ka upang sa sagot ko'y makasigurado
dahil sa ang akala mo ako ay nagbibiro

pagdampi ng iyong mga labi sa aking kamay
ang sa pagmamahalan nati'y naging patunay
walang araw ang di mo ako napapasaya
sa aki'y ikaw ang nagbibigay sigla
halos araw-araw gusto natin makita ang isa't isa
pero hindi maari, pagkat  mainit tayo sa mata ng madla

walang kasingsarap mga nakaw **** sulyap
hindi man natin maikukubli
o kay saya ng mga nakaw na sandali
mahirap man ito sa atin
pero lahat ay gagawin at kakayanin
pag-iibigan nati'y di sasayangin
raquezha Jul 2020
BakĂŽ **** kasalan
na padĂĄngat ka niya
Bigla ka nalang nag-abĂłt
Bigla nalang nagbutwá’
Bigla nalang nagkusĂłg
An saiyang buot.
Pirmi siyang nawawaran
ning hinangos
Hinahapot an sadĂ­ri
kun mapadĂĄgos o dai
BakĂŽ **** kasalan
na pinili ka niya
Pirang aldaw niyang pinagisipan
Pirang patak kan urĂĄn an nabilang
Sigurado na siya sa saiyang namamatian

Garo Ășlod
Bigla nalang nag-abĂłt
Bigla nalang nagbutwĂĄ
Basta nalang nagkamang sa irĂĄrom
Kan saiyang kublĂ­t
Pirit niya mang halion
Naging parte na kan hawak
Pirit niya mang halion
Sa saiyang kublĂ­t
Dai na niya magibo sa sobrang rĂĄrom
Bigla nalang nagbutwĂĄ
Bigla nalang nag-abĂłt
Garo Ășlod
Natuod na gayod
Sa katuninongan na hinatod
Kan saimong pag-abot
Kadakol lugar an gustong istarĂĄn
Pero saro lang an nasunoan

Aram mo kun sĂĄin
an pinakatunĂ­nong
na saiyang nadumanan?

Duman sa lugĂĄr kun sĂĄin
pĂ­rme niyang nahihiling
an pagpikĂ­t asin pagbuklĂĄt
kan saimong mga matĂĄ.

â€”đ”đ„đšđ, a Bikol poetry.
Like a worm, love can be a little terrifying sometimes.
1. Úlod is a worm.
2. Instagram: https://www.instagram.com/p/CDHGfyinna9/
markybiz Feb 19
Siguro'y dapat ko ngang sisihin ang aking pagkabatang isip
Dahil ito ay sanhi ng aking pagkahangal
Mapapansin din ang aking pagkakulit at inip
Na masilayan at makasama ka aking mahal

Nung simula, sa tingin ko'y walang saysay
Na sayo ay maghintay
Ngunit dulot nito'y higit pa sa aking akalain
Sapagkat lumawak ang aking pagiging maunawain

Ngunit noong aking pinagisipan, aking ding naunawaan
Na ako lamang naman ang umiibig
At sa tuwing ito'y naalala, halong saya't lungkot ang naramdaman
Halong pagiging bilanggo't pagiging malaya, na para bang ako'y walang panig

— The End —