Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
mac azanes Feb 2016
Sa mga panahon na ito ay unti unti na ako nakakaramdam ng pangungulila.
Ngunit mapapalitan naman ito galak sa tuwing maalala natin ang mga araw na tayo ay magkasama.
Alam ko din na kaya natin, kaya ko at kaya mo.
Alam ko na darating ang araw na tayo ay malulumbay  at hahanapin ang bawat isa.
Subalit Ang papel na ito ay magsisilbing bangka at ang tinta ng aking pluma ay syang dagat na maghahatid sa bawat tibok ng aking puso na nalulumbay patungo sa sansinukob kung san ang mga talanyo ang magsisilbing nating gabay.
Kaya wag kanang malungkot kasi isang bus lang at pwede na kita makapiling at mayakap habang ang ating mga mata ay nangungusap na sa wakas ay muli tayong pinagbigyan ng panahon upang namnamin ang bawat sandali na tayo ay nangulila. Magkaiba man ang lugar o ang panahon sa araw araw na lumilipas ay maisisiguro ko na ang bawat pintig ng ating mga puso ay magkasabay.
Nag sasabing ikay aking mahal at akoy iyong mahal.
Kaya sa mga panahon na ako ay nag iisa sa harap ng palayan at nakatanaw sa kanluran kasabay ng paglubog ng bawat araw o huling patak ng ulan ay hinding hindi lilipas ang araw na ang mga ngiti mo ay di dumaan sa aking isipan.
At kung sa mga oras na akoy nasa ilalim ng kalungkutan ito ang nagsisilbi kong sandata upang lumaban.
Na alam ko may bukas na dadating at malalagpasan ko din ang bawat lungkot sa aking damdamin.
Mahal kita mula nung araw na una kita makita at lalo pa kitang minamahal sa bawat araw na lumilipas tayo man ay magkahawak kamay at kahit sa panahon na tayo ay magkahiwalay.
Mahal kita kahit di kita nakikita sapat na ang mga alala upang masabi kong di ako nagiisa.
Mahal kita ou mahal,na mahal kita kahit na nasa malayo ka at ako ay nag iisa iniisip ka.
Sana sapat na ang mga katagang mahal kita upang malaban ko ang lungkot sa aking mga mata at magpanggap na di ako nangungulila sa isang dalaga na nasa bayan ng Marikina.
Reign Feb 2016
Nagsimula ang lahat sa mga tingin na abot kaluluwa
Nung ako'y ligaw at kusang hinahanap ka ng aking mga mata
Sa bawat lihim na sulyap ay isang 'mahal kita' na hindi mo nakuha
Di pa rin tanggap ang nakaguhit na linya

Nakakatawang isipin,
Na walang kaalam alam na sya ang pinaka importante sa buhay ko
Ang inosente sa ngalan ng pag ibig,
Na sya'y salarin sa pagbihag ng puso ko

Sa bawat kainan na ating napuntahan
Hindi ako nagsawa na ang istorya mo'y pakinggan
Sa mga sinehan na ating pinanuoran
Na mas gusto kong ikaw ang aking titigan

Ikaw ang bituin sa gabi na lagi kong pinagmamasdan,
Ang aking hiling sa bawat tingin sa langit,
Panaginip na sa pag dilat ko sana'y totoo
At ang buong sistema ng mga tula ko

Pero hindi ako naniniwala na hanggang dito nalang
Umaasa pa na sana'y pwedeng humakbang
Nasa likod ko ang pader at wala nakong iaatras pa
Dahil ako'y tao lang at ang pag abante ang natitira kong galaw

Gusto kong humakbang,
kung anong meron tayo
Gusto kong higitan,
ang mga nagawa ko para sayo
Sana ako yung taong pinagbigyan **** magpapasaya sayo

Binigay ko ang lahat na akala ko'y sapat
Ngunit hinarangan mo ang daan para maging tunay ang lahat
Konting lapit ay luwas ng mabilis
Bulong sa hangin ang damdaming nais iparating

Ilang luha ang iniyak mo na hindi kailanman mang gagaling sa akin
At sa mga ngiti na sana'y ako ang sanhi..

Hindi mo na pansin na ako'y nasaktan
Na habang buhay mag hihintay sa bakuran
At umaasa na sana pwede pang humakbang..
El Mar 2019
isa
sa loob ng isang bilyong magkakaibang sansinukob
kung saan nasa kalagitnaan pa rin natin ang poot ng langit
hahanapin ko ang kaisa-isang sansinukob
na tayo'y magkalapit
kahit na sa nalalabing mga mundo
ang aking pagsinta'y mananatili sa dilim

at kapag sa dinatnang sansinukob
ay tila hindi pa rin pinagtagpo
kakapit na lamang sa paniniwala na
may pinagbigyan ang langit na isang mundo
(kung saan ang puso mo ay kaya kong abutin)
at ipauubaya na lamang
ang aking mataimtim na panalangin
sa bulalakaw na darating
Ceryn Sep 2019
Pag-ibig ang naging sanhi
Ng mga luhang dala ng sakit
At pagkawasak ng pusong
Matagal na iningatan,
Sa isang iglap ay muling nasaktan.

Pag-ibig ang naging dahilan
Ng labis na pangamba ng pusong luhaan
Kung kaya't inakalang 'di na magmamahal
Ngunit muli ay aking napatunayan
Pag-ibig muli ang nagbigay-daan.

Pag-ibig, hinanap ko kahit saan
Tiwala, ibinigay ngunit hindi man lang nasuklian
Hindi mawari kung bakit lagi na lang
Ang sabi nila'y pag-ibig ang sagot sa pusong nalulumbay
Pero bakit di masumpungan, ano ba ang aking taglay?

Pag-ibig na hindi ko naisip na darating pa
Isang araw ng ika'y aking makilala
Pinilit kong ipinid ang pusong takot na
Nagmatigas man ang puso, pero sa hindi inaakala
Isip na ang nagpasya na pagbigyan pa
Pag-ibig, hindi ko alam na nariyan ka na pala.

Alam kong mahirap hulihin ang puso
Lalo pa't ito'y nababalot na ng galit at takot
Ngunit hindi mo pinansin ang lahat ng ito
Ipinagpatuloy pa rin dahil mukhang alam na alam mo
Na ikaw ay para sa'kin, at ako'y para sa'yo.

Natakot akong mahalin ka dahil ilang beses nang lumuha
At nangako sa sarili na hindi na ito mauulit pa
Ang muli pang masaktan ay 'di na makakaya
Ngunit ang sabi mo nga ay ibang iba ka
Kung kaya't pinagbigyan ang iyong pusong umaasa.

Tinanggap ko ang pag-ibig na iyong inialay
Hinayaan kong ang ating mga damdami'y magkapalagay
Binuksang muli ang puso kahit alam kong may takot pa
Pinili kong papasukin ka dahil aking nakita
Sa iyong mga mata ay may pagtingin na kakaiba.

Pag-ibig, hindi ko alam kung kailan ako naging handa
Pero para sa iyo, nagpasya akong muling maging malaya
Mula sa mapait na nakaraan na siyang bumalakid
Ngayo'y natagpuan ka, at muli kong nabatid
Kung paanong maging masaya sa piling ng isang tunay na umiibig.

Salamat, dahil nariyan ka na.
Salamat, dahil sinagip mo ang pusong wasak na wasak na.
Salamat, dahil muli kong nadama ang tunay na pagmamahal.
Salamat, dahil naramdaman kong ako'y mahalaga pa.
Salamat, dahil natuklasan kong maaari pa akong lumigaya.

Pag-ibig, kaya na kitang ibigay muli
Sa isang espesyal na tao na sa aki'y muling nagpangiti
Pag-ibig na buo, tapat, wagas at dalisay
Isusukli sa pusong nagmamahal sa akin ng tunay
Hindi magdadalawang-isip na ibigay ang buong puso
Sa taong minahal at tinanggap kung sino ako.

Pag-ibig, kaysarap **** madama
Lalo pa't ramdam kong ayaw ko nang umibig pa sa iba
Natagpuan na ang taong nais kong makasama
Hanggang sa pinakahuli kong hininga
Na hiram sa Diyos na sa atin ay  lumikha.

Tayo ang laman ng kwento ng Maykapal
Pinagtagpo upang maging patunay na may totoong pagmamahal
Pinaranas man sa atin noon ang sakit na dulot ng pag-ibig
Ang nakaraan ay hindi na muling manunumbalik
Dahil sa isa't isa, pag-ibig lang ang mamumutawi.

Pag-ibig, ikaw, ako at ang Diyos
Sa atin iikot ang kwento hanggang matapos
Sa piling ng Maykapal, kamay ko'y hawakan lang
Hindi ako bibitaw hanggang sa dulo ng walang hanggan
Sa'yo lang ang pag-ibig ko, sa'yo lang, aking mahal.
Altitude Apr 2020
Nakapagtataka,
sa dinamidaming pagkakataon.
Kung saan ako'y nagbunga,
Ang bukod isip ay di naaayon.

Sa tuwing bagkas
ng mga labi mo'y pagkaralita.
Bukod tanging
Ako'y naalipusta.

Hinanap ang pangangatwiran
Kung bakit ika'y ganyan.
Nasugatan,
ngunit pinagbigyan
ng tadhana'y biyaya.

Pangangatwirang kusang loob,
Kusang loob na pinagtatanggol
Ng bulong
ng aking kutob.

Ako
Ikaw
Sino ba tayo
sa mundong ito?
Isip sana'y di pumanaw.
Glenda Lee Jul 2020
Batid nating dalawang totoo yun.
Di lang tayo pinagbigyan ng panahon.

— The End —