Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pantig" poems
The State of My Tagalog: Stuttering. Guess that's what you can call it. The insecure prose that curls downward On my notebook. It reeks of bit And piece And syllable. Singular Because language After language After language Enter my mind And slip it Just as quickly, Leaving only Fragments. Oh, the frustration As I ask For loose change From My sister cashier. I can't even ask for The right amount In Tagalog nowadays. "Singkwenta." "Bente." That adds up to 75, I think. Passing score on my Report card too. My self-graded Filipino class. Don't even know How I managed To spell "Ibarra," "Tanikala," "himagsikan," "Liwayway..." I'd sing and not spell, If they never caught At the bottom of my throat. ------------------------------------------- Ang Kalagayan ng Aking Tagalog: Nauutal. 'Yan ang pwede **** sabihin sa ‘kin. Walang tiwala sa sariling gawa, Patunong pababa ang mga salita Sa aking kwaderno. Ito’y sumisingaw ng piraso At bahagi At pantig. Nag-iisa Dahil wika Bawa’t wika Bawa’t wika Ay pumapasok sa aking kalooban At umaalis Ganun ding kabilis, Naiiwan ang mga Kaputol lamang nito. O, kay inip Habang ako’y humihingi Ng barya Kay Ateng Kahera. ‘Di ko nga kayang Humingi ng tamang halaga Sa wikang Pilipino ngayon. “Singkwenta.” “Bente.” Ito ay pitompu’t lima, ata. Pasang awa rin Sa aking report kard Sariling pagmamarka sa Filipino. ‘Di ko nga alam Kung paano 'kong Naisusulat ang “Ibarra.” "Tanikala," "himagsikan," "Liwayway…" Nais kong kantahin at huwag lang sulatin, Kung ‘di lang man silang sumasabit Sa ilalim ng aking lalamunan.
0
Sep 22, 2014
Sep 22, 2014 at 10:31 AM UTC
The State of My Tagalog (Dual Language)

Continue reading...
79
Bago ka umalis, Sana pakinggan mo muna ako, Pakinggan mo ang mga bulong sa isip ko tuwing nakikita ka Sana hindi ito maging isang alaalang makakalimutan Mga salitang papasok at lalabas din naman At sana dalhin mo 'to sa pag-gising at pag-tulog mo At alalahanin na para sa'yo to. Hindi na kita mahal Hindi na kita mahal Makinig ka sa'kin. Hindi. Kita. Minahal. Hindi. Kita. Minahal Ilang beses ko man ulit-ulitin sa sarili ko Na minsan nawawalan na ng saysay ang salitang mahal ang salitang ikaw, ang pangalan mo sa isip ko Pero hindi pa din nawawalan nang saysay ang mga alaalang naiwan mga alaalang nakalimutan, at 'di ko alam kung tama bang binabalikbalikan ko Ang gabing napagtanto ko na nahuhulog na pala ako sa'yo Hindi na kita mahal Na kahit lahat na siguro ng tulang sinulat ko ay para sa'yo kahit lahat na siguro ng metaporang alam ko ay na inahalintulad ko sa'yo Isa kang bulalakaw, isa kang bituin, ikaw ang buwan Ikaw ang bumubuo sa ganda ng gabi, Ikaw ang araw, ikaw ang mga ulap, ikaw ang langit, Ikaw ang buong kalawakan na hindi ko kailanman pagsasawaan Ikaw ang karagatan, mahiwaga at kapanga-pangambang sisirin, Ikaw ang apoy, na nagpapaliwanag at nagpapainit ng gabing malamig Ikaw ang librong 'di ko kinakailangan ng pahinga Para intindihin ang bawat salitang nakalimbag sa bawat pahina Ikaw ang sining ko Ikaw ang tulang ito. Para sa'yo at tungkol sa'yo. Hindi kita minahal, Kahit na lagi kong inaabangan ang mga storyang kwinekwento mo Na para bang hinahatak mo ako pabalik kung kailan nangyari ang mga 'to at sinamahan ako para panuorin natin Kung sino ba ang nandito at nandoon Kung nasaan ang mga silya, lamesa, pintuan, at bintana Ang mga pangalan ng mga minahal mo at nagmahal sa'yo na dapat mo na sigurong kalimutan Kung saan kayo nagkakilala, Kung anong naramdaman mo nung nahuli mo siyang nakatingin din sa'yo at nagkasalubong ang inyong mga mata At sa lahat ng storya mo, Napagtanto ko na ayoko maging parte ng mga storya **** nakalipas. Na sana ako ang storyang hindi mo kailanman iisipin na bibigyan ng wakas. At ikwento mo din sana ang gabing ito Ikwento mo ang bawat paghinga ko sa bawat puwang ng mga salita Ang pagbuka ng bibig ko para sambitin ng tama ang bawat pantig, ang pag nginig ng mga kamay at tuhod ko, At kung maririnig mo man, ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Ikwento mo. Ibulong mo sa pinakamalapit **** kaibigan, para manatiling sikreto. Ang tinatagong nararamdaman na 'di mo na siguro kailangan malaman. Tama lang siguro na magkaibigan tayo, Kasi Hindi na kita mahal. Hindi kita minahal. Pinilit ko lang ang sarili kong mahulog sa'yo Pinilit lang kitang mahalin Para makalimot, para iwanan ang dating naramdaman. Gustohin ko man ulit-ulitin sabihin sa'yo, Magsasawa ka sa bawat pantig, sa bawat letra. Kaya ibubulong ko na lang sa sarili ko, para manatiling sikreto Ang dating nararamdaman na hindi mo na kailanman malalaman. Kaya bago ka umalis, Sana pakinggan mo muna ako, Sa huling pagkakataon pakinggan mo ang katotohanan Isantabi mo ang mga bulong sa isip ko na napakinggan mo. At sana tandaan mo na Dati, at dati lang Minahal kita.
0
Apr 11, 2016
Apr 11, 2016 at 1:15 PM UTC
Dati at Dati Lang

67
Sabayan mo ako sa pagbigkas nito, Nakakapagpabagabag, Pitumput-pitong puting pating, Minikaniko ni Monico ang makina ni Monica, Ang relo ni Leroy ay Rolex Bumili ako ng bituka ng butiki sa butika. Eto ang mga pampilipit dila na naalala at kinalakihan ko Ang saya bigkasin, Kasi alam ko na ang bawat pantig, ang tamang pagsambit At tuwang-tuwa ako bigkasin sa harap ng mga kaibigan ko Ipinagmamalaki kasi kaya kong sabihin ng diretso, at hindi nauutal Siyempre, noong una, pumilipit ang aking dila Ilang beses pinaulit-ulit, hanggang sa masabi nang tama At ayun, kinaya kong sabihin Pero sa lahat ng narinig at nabasa kong pampilipit dila Tila bang 'di ko pa rin kayang sabihin sa sa'yo ang mga salitang Mahal, kita. Gusto, kita. Na para bang sila ang mga salitang pinakamahirap bigkasin, Kahit siguro ilang beses ko ulit-ulitin hanggang sa masabi ko nang tama Parang hindi ko pa din kakayanin. Siguro mas kaya ko pang sabihin sa sa'yo ang mga pampilipit dila na naaalala ko, Nakakapagpabagabag Nakakapagpabagabag ka sa pagtulog ko Kakaisip kung anong mangyayari kung sinabi ko sa'yong gusto kita. Kung anong mangyayari, pag nanligaw ako o pag naging tayo na. Handa akong protektahan ka sa pitumput-pitong puting pating. Alam mo ba ang relo ni Leroy ay Rolex? Sana alam din niya ang oras ng uwi mo, para maihatid kita, Sana alam din niya na tumitigil ang oras tuwing nagkakasalubong ang ating mga mata Sana alam niya ang tamang oras kung kailan ko ba dapat sabihin sa'yo na mahal kita Nauutal sa apat na pantig, Na hindi ko naman alam kung gusto mo bang marinig Mahal kita, mahal kita, mahal kita. Ilang beses inulit-ulit bigkasin habang papunta sa'yo Baka sakaling masabi ko pagdating ko sa harap mo Pero nang nakita ka na, Para bang nabura mo ang lahat ng bokabularyo na alam ko, Nakalimutan ang tamang balarila, Nakalimutan kung paano mag-salita At nang lumampas ka, Nanghinayang. Sayang. Tatanggapin ko na lang na Siguro hindi lahat ng pampilipit dila ay kaya kong bigkasin Mas-mabuti na lang siguro na, Hindi sumubok, hanggang sa makalimutan ko nang sabihin sa'yo At mag-aantay na lang muli ng isang taong hindi pipilipit ang aking dila Kapag sinabi kong, Mahal na mahal kita.
0
Apr 23, 2016
Apr 23, 2016 at 11:41 PM UTC
Pampilipit Dila

50
Hay naloko na Nasira ang cellphone Ubos na rin ang ipon Pano na ang FB, IG at ang ibon Sumaglit sa kanto Internet ang dinayo Nang may kaba sa puso Sa pagbasa ng iyong komento "Musta? Tara kita tayo!" Walong pantig Na sa aki'y nagpanginig Ngunit saglit lang ang kilig Bumalik kasi ang kahapong kay pait Na muling nagpasikip sa aking dibdib At sa wakas, tama na Naunawaan ko na si tadhana Sa nasirang cellphone At ubos na ipon.
0
Jun 19, 2020
Jun 19, 2020 at 11:22 PM UTC
Nakatadhana (TAGALOG)
Ikinulong mo na sa'yong sarili Ang patinig sa'yong pangalan Kung paanong itinatago ng 'yong mata Ang katotohanan sa mga katanungan Napangunahan ba kita ng sigaw sa'king puso, Kaya nasambit **** di lahat ay totoo? Nasukol ka ba ng 'king binubuntunghininga Kaya tila naumid sa tugon yaring dila? Giliw, di yata nalimot **** ang salita'y di pulos patinig lamang Kaya binabalewala mo ang tunog sa mga pahiwatig Giliw iyong alalahanin na ang lahat ng bagay may sariling tinig Sa musika ng 'ting buhay, lahat nauunawaan sa kahit iilang pantig
0
Jul 14, 2015
Jul 14, 2015 at 9:03 AM UTC
ang babaeng kinain ang patinig sa kanyang pangalan
Ilang paglalarawan pa sa takipsilim para ikintal na nakayuko nang namimighati Bigyan sana nang malawak na karunungan para makapagpasya sa huling hapon at hapunan Paano isalaysay ang naganap kung ang sinta ay laging hanap Bihira kumain-nangangayayat Nauutal sa una at panapos na  pantig ng pangalan ng liyag Sa hindi inaasahan ang kamay niya'y hiningi ng binata na kakilala't nanligaw Ipinangalandakan ang kasikatan Lahat ng kayamanan ng Antigo ay kuyom ng kamay Hindi tubo sa lugar-isang dayo Magaling sa panunuyo, sanay makipagsalamuha sa kapwa-tao Batbat ng salapi ang anino Mabulaklak ang dila at minsan ay palabiro Ilang buwan pa ang inalis sa kalendaryo at nangyari nang biglaan Unang pagkakataon na nasilayan na nakabelo Saan ba tutungo?
0
Jan 1, 2019
Jan 1, 2019 at 7:41 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #39
041020 Malalalim ang gabi At tinatanong ko ang langit Kung kagaya ba nito ang Iyong mga mata. Kung sa aking pagtulog ba'y Ilang umaga pa ang bubungad At aalayan ko ng pagsinta. Sa bawat araw na lumilipas, Ay walang kurap ang aking pagsamba Sa ngalan **** Hindi sa anumang papel ko lang nabasa, Ang kaluwalhatian **** siyang himig Sa bawat silakbo ng oras At pintig ng segundong Lumalamon sa aking pagkatao. Tangay Mo ang aking pagsusumamo, Ang bawat pantig Ng mga sinasambit kong mga salita, Ang bawat kuwit sa puso kong Nalulunod sa Iyong presensya. Ikaw ay nag-iisa — Walang katulad ang Iyong Ngalan. Walang ibang pupurihin, Walang ibang sasambahin, O Diyos, Ikaw ay sapat.
0
Nov 24, 2022
Nov 24, 2022 at 2:55 AM UTC
Sapat
Hayaan **** alayan kita ng taludtod, Ngunit di ko na pag iisipan ang tugma, Pagod na din ako magbilang ng pantig At di na ako susunod sa nais **** sukat Sapagkat isa na tayong "tulang malaya"
0
Feb 27, 2018
Feb 27, 2018 at 10:17 AM UTC
Tulang Malaya
Isang lukot na papel ang natutulog sa harap ng lampara Nagparamdam at hinila ako patayo sa aking kama Sa aking pagbuklat, nakita ko kung gaano nagkalasug-lasog ang mga letra Kung gaano nasaktan ang bawat linya Sa pagaakalang dito matatapos ang buong kabanata Sa pagaakalang naghihikahos na ang mga salita Kaya akin ng sisimulan ang huling talata Mahal nandito na ko sa likuran ng pahina Kung saan iginuguhit ko ang maganda **** pigura Kung saan hindi na kailangan ng matinding pagbubura Sa mga linyang lagpas-lagpas na Sa mga kurbang di perpekto ang pagkakagawa Ngunit pasensya na Pasensya na dahil gumagabi na At wala ng espasyo ang boses ko sa loob ng kartera Pasensya na dahil tuluyan ng napaos ang mga pantig sa huling kabanata Nagsawa na sa bawat pigurang ginuguhit Sa bawat salitang inuukit Kaya mahal patawad Hindi ko sinasadiyang mahalin ka gamit ang itim na tinta
0
Apr 18, 2020
Apr 18, 2020 at 4:30 AM UTC
ITIM NA TINTA
Paano na ba mag sulat? Mga salitang nilimot na ang kahulugan Binibilang ang mga pantig At pilit dinudugsong-dugsong. Nandiyan ka pa ba? O pag-ibig na akyat panaog Sa hagdan na walang tipan. Mga panaginip na walang hantungan At biglang mag wawakas. Next time na lang. Inaantok na ako. Goodnight.
0
Jan 2, 2020
Jan 2, 2020 at 9:44 AM UTC
Hagdan
Sa dinami rami ng tulang naisulat ko, ito ang aking paborito, ito ang ayaw kong lagyan ng tuldok; at gusto ko sanang samahan ng ritmo, hindi ko alam kung anong napansin ko sa'yo, o kung ano mang mahika ang ginamit mo para mapaibig ako, oo, inaamin ko, ikaw ang tulang ayaw kong matapos, gusto kong sulitin at ubusin ang pantig, hanggang sa maghikaos; hanggang sa mabuos ang tinta ng ginagamit kong panulat, ikaw ang bituin na aking tititigan hanggang sa lumubog ang buwan, ikaw ang aking nanaising mahawakan- habang natatakot, habang iniisip na ang bukas ay baka sakaling hindi na ikaw ang katabi, na baka bukas ay nasa ibang bisig- o sa iba na nakalapat ang 'yong labi. ayokong matapos ng umaga ng walang pasintabi, ayokong mawala ka sa'kin nang hindi kita nayayakap, at kapag nakagapos na'ko; asahan **** hindi ako bibitaw, aantayin ko ang muling pagsikat ng araw, para mapanatag ang aking isip, na sa aking paggising, ay hindi ka pa nakabitaw.
0
Apr 29, 2021
Apr 29, 2021 at 12:09 PM UTC
Untitled
PAANO BA GUMAWA NG TULA PAANO ba gumawa ng magandang TULA TULA na may tamang sukat at TUGMA TUGMAng pantig mabulaklak na SALITA SALITAng dapat umayon sa SIMULA SIMULA ng tula dapat may tamang BAYBAY BAYBAY ng panitik dapat saktong BILANG BILANG ng patinig minsan pa ay KULANG KULANG sa diwa tula pa’y walang BUHAY BUHAY na dapat laman ng iyong KWENTO KWENTOng aakit sa bumabasang TAO TAO na minsa’y paghuhugutan ng LAKAS LAKAS upang sa tula’y MAIBULALAS MAIBULALAS katagang HAHANAPIN HAHANAPIN sa balong ubod ng LALIM LALIM ng salita’y dapat PAKASURIIN PAKASURIIN salitang BIBIGKASIN BIBIGKASIN mga kataga ay SAPAT SAPAT na mauunawaan ng LAHAT LAHAT na babaybaying pantig may SUKAT SUKATan ang lalim ng ilog at DAGAT
0
Mar 26, 2025
Mar 26, 2025 at 1:38 AM UTC
Paano Gumawa Ng Tula
wala akong tula walang maisip na gawa sapagkat walang maitugma ang aking mga salita. walang naiisip na mga pantig na sa iyo'y magpapakilig walang maisip na salaysay na sa iyo'y iaaalay.
0
Jan 27, 2020
Jan 27, 2020 at 9:45 AM UTC
walang tula