Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagsisid" poems
060624 Hindi ako nangangambang Tabunan ng dilim ang liwanag ng araw Na sa kanyang pagsilang ay manlalabo rin Ang aking pananaw. Pagkat mananatili ang Langit Hanggang sa aking huling Lupang Hinirang. At wala akong ibang nais na gawin Kundi pagmasdan ito At tingalain ang yaman nitong kagandahan. Sa aking paggayak sa tabing dagat Ay tatawagin din ako ng Kanyang mga alon. At ang tanong ko’y Kanyang aakuin. “Gaano nga ba kalawak ang Iyong pag-ibig?” Wari ko’y ilang dipa pa ba Hanggang sa marating ko Siya. Ngunit ako’y aakapin ng sumisipol na hangin. At ‘yan na marahil ang tugon Niya. Sa aking pagsuyod Maabot lamang ang Kalangitan, At sa aking pagsisid Matiyak lamang ang lalim ng Karagatan — Walang ibang kasagutan Kundi ang natatangi **** Ngalan.
0
Jun 6, 2024
Jun 6, 2024 at 7:40 AM UTC
Intersection
At oo naman, oo nga naman; dapat ay dahan-dahan... kung hindi ay mabibigla. Dapat ay hindi binibigla, kung hindi ay madarama ang puwersa. Dapat ay hindi pinupuwersa, kung hindi ay hindi makakababa. Dapat ay dahan-dahan... kung hindi ay masasaktan. sa pag-baba, sa pagtalon, sa paglangoy, dahan-dahan... sa pag-ibig, sa pagsisid, sa paghalik, dahan-dahan lamang...
0
Feb 19, 2024
Feb 19, 2024 at 9:40 AM UTC
Equalization
Lahat tayo ay pantay-pantay sa isang kamay ngunit sa mundong ginagalawan tayo ay nag-aaway away para sa isang tagumpay kahit ang ibang tulad mo ay matapakan wala ka ng pakialam makamit lang ang inaasam-asam, pagtakbo ng matulin pagsisid ng malalim paglipad ng mataas mas mataas pa sa lipad ng mga ungas nag-uunahan sa isang pwesto isang pwesto na walang trono, na kung saan ang mga tao ay wala ng modo, lahat ng nasa baba ay inaapakan parang tuyong dahon tuyong dahon na handang ibaon sa lupa, handang sigaan hanggang maging abo na lang, kamusta ka? isang malaking tanong masaya ka pa ba sa karangyaan na mayroon ka ngayon? nakalimutan mo na atang maging tao? maging tao o kahit man lang magpakatao? o tumuring ng isang tao. sa iyong pagtakbo ika'y madadapa sa iyong pagsisid ika'y malulunod, at sa iyong paglipad ika'y babagsak kung gaano ka katulin mas masakit ang pagkadapa, kung gaano ka kalalim mas mahirap maka-ahon pa at kung gaano ka kataas mas masakit ang pagkabagsak lahat ng bagay ay may kabaligtaran baligtarin mo na ang mga bagay na dapat baligtarin dahil mas mahirap ang iyong sasapitin kapag di mo naagapan ang iyong tatahakin.
0
Feb 26, 2018
Feb 26, 2018 at 11:19 PM UTC
Accept mo