Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mundo'y kayganda,
Puno ng hiwaga,
Ng pasimulang likhain
ng AMANG DAKILA!!!

Ngayon ay saksihan,
Ganda ng sanlibutan
Di malirip na kagandahan at kayamanan,
Na ibinigay sa atin ang karapatan.

AMA NA DAKILA!
Lahat kami ay pinag-pala,
Sa aming kasalanan
Ay nagpatawad ka!

Nagbigay pag-asa
sa kaluluwang dukha!
Dukha sa Liwanag
ng Iyong Ganda!!

AMA NA DAKILA!
kami ay Iyong pinag-pala,
Binigyan ng pag-asa, sa
Di malirip na pagkakasala!!!

Sa ngalan ni JESUS NA IDINAKILA
Dahil sa pagsunod sa AMANG DAKILA!
Hindi nag-alinlangan
Hanggang katapusan,

AMA sana'y bigyan kami
Ng pusong masunurin
Pag-iisip na puno ng dunong
Mula sa Iyong katwiran na puno ng katotohanan,

JESUS na aming PANGINOON,
Bahala kana po sa amin,
na LIWANAG sa amin ng DIYOS!!!
Kami ay Iyong dalhin,
Upang AMA ay aming KAMTIN
Hanggang sa katapusan ng aming Lakarin,!
Taltoy May 2017
Pagkakamali, pagkabigo,
Pagkakasala, pagkatalo,
Lahat siguro ng di mo gusto,
Marahil ugat nito.

Iyo nang binaon sa nakaraan,
Hinukay muli sa kasalukuyan,
Para ano? pagngilayan?
Tapos? may makukuha ka ba d'yan?

Bakit ba ganyan tayong lahat?
Parating sinasabing di sapat,
Ano ba talaga ang batayan?
Saan ang iyong basehan?

Walang perpekto sa mundo,
Yan ang tandaan mo,
Di lahat maitatama mo,
Di lahat ng nangyayari ayon sa gusto mo.

Kaya nga tanggapin mo nalang,
Wala nang iba  pang paraan,
Sapagkat iyan ay nagtapos na,
Huwag mo nang balikan pa.

Pagsisisi? nakakain ba yan?
Ano pa silbi ng salitang yan?
Yan? magpapapaliwanag ng katotohanan,
Isasaksak sa kokote mo ang 'yong kamalian.

Dahil ikaw mismo ang may alam,
Kung saan ka nagkamali at nagkulang,
Kung saan ka sumobra at nagpabaya,
Ikaw na ang sa sarili mo'y humusga.
Words pop and I wanna write them.
kingjay Dec 2018
Ang awit ay sa mahal na **** inialay
Ang pagbubuwis ng buhay
Dahil sa Kanya natubos sa pagkakasala
Kaya di na lilihis sa Kanyang pamamaraan, magpakailanman

Tinuya ang talunan sa pagbitiw sa laban
Tinabas ng kahihiyan
Wala ng kaibigan
Ibinitin ng nakatadhana sa kamayhan
Habang nakadipa nagsalita,
tanggapin ang kabiguan

Kunin ang salik para kung mapukaw man ay mananatiling nulo
Maraming aglahi humabi ng lampin
Higaan ng peto angkin
ang samut saring pintas

Ang huni ay haluyhoy
ng ibon na nagsusumamo sa sanga
Yumuko dahil sa nahinuha
tungkol sa kaligiran na ginagalawan
Ipinarinig ang kanta

Palawigin ang pag-inog
Di malimitahan ng oras ang pagtamasa o ng dagsin sa pagtalon-talon
Tila balahibong dinuyan ng hangin
na umiilanglang hanggang sa magsawa
Shynette Oct 2018
Ina
Patawad dahil ako'y naging sakit lamang ng ulo
Pinipilit ang mga bagay na gusto ko
Naiintindihan ko na kung bakit ako'y pinapagalitan mo
Tanda lamang na ako'y mahal na mahal mo
Ina'y salamat sa syam na buwang ako'y dala dala mo
Salamat dahil ako'y hinayaan **** makita ang mundo
Salamat dahil isa kag napakalaking regalo
Ina sana'y mapatawad mo ang mga asal ko
Naiinis, nagagalit, nanggigigil sa tuwing ako'y inuutusan mo
Patawad aking Ina sa mga pagkakasala
Nais kong hagkan ka
Nais kong sabihin sayong mahal na mahal kita
Patawad, pangako kong ito'y dina mauulit pa
Ipapadama kona kung gano ka kahalaga
Habang nabubuhay ka pa
Dahil sa pagdating ng panahon alam kong ika'y lilisan na
Kaya ina'y hayaan **** ako'y alagaan kita
Dahil sa gantong paraan maipadama kong mahal na mahal kita
aL Jan 2019
Pagbabadiya sa panibagong giyera
Ako ay alipin na ng kaba
Sa iyo ba ay mahalaga na
Ako na naghihikahos sa dusa?
Yugtong panibago, babago sa mapait na buhay
Sugal sa kapalaran, pambili ng matatag na gabay.
Bago pa man sarili ay ilisan
Ako ay iyong na ring hagkan
Mahina pa ang aking damdamin
Na kaya pang itaboy ng hangin.
Mahahalagang salita na bulong mo sa akin
Hindi malilimot ang boses **** malambing.
Sa aking pagkakasala, lahat ay iyong patawarin
Magulong sanlibutan lang ang gumagambala sa'kin.


Ako na hirang mo, mapa~gabang
1 am blues
Taltoy Apr 2017
Pagkukulang? mapupunan,
Paghihirap? malalampasan,
Pasubok? lalabanan,
Pagkakasala? mayroon bang kapatawaran?

Pagkakamali, nagpalubha,
Pagka-manhid, nagpalala,
Isipa'y binabagabag,
Patawarin sana, aking dilag.

Alam sa sarili, aminado,
Di nag-isip, nagpakabobo,
Ngunit ano pa nga bang magagawa?
Tuluyan nang nagkasala.

Pagpapaumanhin? aanhin?
Nagpapabigat ng damdamin,
Ngunit ano bang magagawa?
Paumanhi'y sapat ba?
Taltoy Apr 2017
Pagkakamali, pagkakasala,
Ano ba ang gantimpala,
Ito ba ay nararapat?
Ito ba ay sapat?

Ang kasalanan ay kasalanan,
Di na kayang baguhin ninuman,
Bagay na may kapalit,
Di kayang takasan kahit anong pilit.

Sapagkat ito ang mundo,
Batas ng supremo,
Nararapat para sa karapatdapat,
Hatol na kay tapat.

Huwag itanong ba't nagdurusa,
Ganyan talaga yan,
Dahil ang kasalanan,
Meron at merong kabayaran.
Alam ko namang ito ang magiging kamatayan ko.
Alam ko namang may hangganan din itong mayroon tayo.
Ang puso kong pasan-pasan ko,
at hila hila ko rin pati na ang sa'yo.
Ang pagkahulog ko ay akin lamang,
ang pagkakadapa ko'y sariling pagkakasala.
Ano ang sasabihin ng aking ina,
ang luha pag nakita ang duguang mukha?
Abutin mo ang aking kamay,
at tulungan mo akong tumayo sa aking paa.
At ang mukha ko'y punasan mo,
ang labi ko'y dampihan mo ng labi mo.
Ang aking ikalawang pagkakahulog,
alam kong wala nang sasaklolo.
At wag kang iiyak sa ngalan ko
ang luha mo'y para lamang sa'yo.
Ang ikatlong pagkakahulog,
ang iyong kapatawaran ay ibigay mo.
Aking kasuotan ay tanggalin mo,
aking kabayaran ay tanggapin mo.
Ang mga braso ko'y pigilan mo,
ang mga binti ko ay isunod.
Alisin mo ang paghihirap ko sinta,
ang paghinga ko'y wakasan na.
Alisin ang katawan ko't ilayo sa aking puso,
ang isip ko'y isunod mo pagkatapos.
At ipahinga mo ang bangkay ko sa tabi mo,
hanggang kamatayan sa'yo lang gagapos.
At hintayin mo aking muling pagbabalik, sapagkat ang aking ikalawang pagdating  ay ang paraisong di mo pa nararating.
"Semana Santa Sadgirl Series": no. 7

— The End —