Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
reyftamayo Aug 2020
Pabulusok na ang ginintuang hari
sa dulong kanluran.
rumuronda na ang mga paniki,
nakadapo na ang mga ibon.
tumitili ang mga kuliglig
kasabay ng walang patid na
sagutan ng mga palaka.
ang mga butiki naman ay
humahalik na sa lupa.
malamig na hangin
ang madaramang sumisipol sa pandinig
at pumupukol ng mumunting alikabok
upang ipaalam
ang malambing nitong dampi.
maya-maya lang ay sisibol na
ang nagkikintabang kurap
ng mga mumunting kulisap
sa kalangitan
upang ito'y ilawan hanggang umaga.
reyftamayo Jul 2020
naglalaro ang maliliit na alon
sa batuhan
kasabay ay paulit-ulit na pagtalbog
sa kalagitnaan
tinatangay ng mapagbirong hangin
hanggang sa ulap
lumilikha ng kislap at palakpak
naroon lang
ang unos
ang kinatatakutang delubyo
sigwa
pinagsamang ingay at katahimikan
magkatipan
bawat isa ay nagkakaisa
paikot
pabulusok
ang mababangis na luha
kanyang dinadala
kasunod ay payapang umaga
Blessed Regalia Jul 2017
Sakim ako ee,
Ayoko masyadong mag isip,
Ngayong malapit na ako,
Sa tuktok ng aking mga panaginip.

Mas malakas ka pa kasi sa nescafe
Magpa-gising. . .
Mas matindi ka pa sa kopiko,
Magpakabog ng dibdib. . .

Delikado. . . . .
Baka kung kelan malapit na ko sa tuktok
Tsaka pa madulas pabulusok
At ang masakit?
Hindi yung pagbagsak e,
Yung katotohanan na
Hindi ka man lang mag iintay
Kahit  k a u n t i ,
Para ako'y saluhin.

Ang masaklap?
Hindi yung mawala yung mga taong pinaghirapan ko,
Pero, yung malaman ko na:
Kahit ano pa man
Ang mapabayaan ko,
Walang magiging tayo.

Kaya eto ako, masaya.. .
Masaya pala, na mag isa,
Pero mas masaya kung may,
Makakasama ako sa twina,
Yung kahit hindi ikaw,
Basta handa siyang maging ikaw,
Sa pwesto ng puso kong,
Dati, ikaw ang sigaw.
Super late post from 2015

— The End —