Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nobelang" poems
Ikaw ang takbuhan sa mga oras na walang wala.. Ang ibig kong sabihin sa walang wala ay yun bang walang wala na kong maibuhos na luha, Walang wala na kong malapitan, Walang wala na kong makapitan, Wala nang gustong makinig, Wala nang interesado, naubos na kasi ultimo ang para sa sarili. Ikaw lang ang natatangi. Ang lakas pala ng loob kong magalit sa mga mang-iiwan, naisip kong wala rin pala akong karapatan. Ganoon din ako.. Binitawan kita kapalit ng kasiyahan. Nakangiti ka sa akin habang hinahatid ako sa napakagandang hantungan. Baligtad na ang mesa. Nandito na ko.... muli. Lalakad patungo sa iyo na may dala dalang pluma at papel Iguguhit ang pait, ngingiti dahil ito na naman tayo sa puntong ito at hindi ko mahanap ang mga tamang salita Nalimot ko na ata ang tamang pakikipagtalastasan. Alam kong mauuwi na naman sa tipikal na kamustahan. Hindi ko inakalang babalik tayo sa nakaraan habang umuusad ang mga kamay ng orasan Mapagbiro. Hindi ako handa sa pagsalubong ng taon Bakit ko nakikita ang mga aninong matagal nang nilamon ng liwanag Bakit muling nagdurugo ang mga sugat na matagal nang naghilom Hindi ako naniniwala sa swerte. Walang swerte. Walang sumugal na hindi natalo. Buti na lang mayroon akong babalikan. Ikaw yung kaibigan na hindi lumilisan. Matagal ang isang taon, Sumulat ako ng mga tulang kawangis mo Binuo ko sila na parang mga bahagi ko Akala ko ay tapos na... Kung ang pagsulat ay paglaya, hindi ba dapat ay nakakalag na sa akin ang tanikala? O mali.. baka wala talagang paglaya Paano kung nililibot ko lamang ang malawak na hawla nang may huwad na pag-asa? Minasdan ko ang obrang nilikha ng dekada, Makulay, sa unang tingin ay puno ng pangarap Parang nobelang nagsasalaysay, at kapag naroon ka na sa kasukdulan ng tunggalian, Nanaisin **** isara ang pahina.. Makikiusap ang nobela sa isang pagkakataong sana'y siya ay tapusin hanggang huling kabanata... Napaluha ako ng matindi dahil isa pa lang trahedya ang nobela. Teka.. teka.. Buburahin ang ilang metapora. Masyadong madrama. Malayo sa imaheng gusto kong makita at ipakita Ngunit tila hindi hawak ng aking kamay ang panulat, Hinablot nang marahas ng pusong gustong kumawala Ganon ata talaga sa muling pagkikita pagkatapos ng matagal na pagkakawalay... Puno ng emosyon. Magugulo ang burador, wala nang patutunguhan ang tula. Hindi bale. Hindi naman dapat na maging maganda ang porma ng tula, Hindi importante ang sukat at tugma, Sa susunod na babasa ka ng tula, Nagbibigay ka ng tunay na pag-asa sa may akda. Kasinungalingan ang bigkasing masaya ako, ngunit aaminin kong may tuwa, may katiting na pagsigla sa muli nating pagkikita, Maraming salamat, Sining ng Malayang Pagsulat.
0
Jan 5, 2020
Jan 5, 2020 at 6:20 AM UTC
Malaya

Continue reading...
55
0118 Hindi Ka lumipas — Naalala ko noong nakaraang taon Ilang araw buhat sa ngayong pagbibilang ko Bago pa sumulyap ang mga pampakulay sa kalangitan Para magtagisan sa pagbungad sa paunang ngayon. Hindi Ka lumipas — Halos itim na lamang ang kulay sa kalangitan Na para bang ang pag-asa ay kinitil na ng sanlibutan Na para bang ito’y nobelang pawang paghihintay na lamang At nang subukang gapangin ng putik ang pangarap ngunit hindi — Hindi Ka pa rin lumipas At muli **** binigkas na Ikaw ang dahilan ng lahat Na ang lahat ay walang kabuluhan Kung ang Ikaw ay ibabaon sa limot at tatalikuran. Hindi Ka lumipas — Gaya ng mga butil ng luha sa aking mga mata Na ang pagsusumamo ay tila araw-araw na pag-aakyat ng ligaw Sayo Na maging ang umaga ay tila Simbang Gabi. Hindi Ka lumipas — Nang dungisan ng mundo ang mensaheng laan Mo Ngunit sabi Mo’y tapos na ang lahat Malambot pa sa bulak ang sumalo sa bawat pagkabagsak Walang katulad ang Iyong mga yakap, At heto ako — mas natutong sumandal sa nag-iisang Ikaw. ——— Hindi Ka lumipas — Ilang beses **** hinayaang masaksihan ko ang pagsagwan nila sa agos Ang paglipad sa ere na tanging Ikaw lamang  ang sumalo Na para bang ito na ang huling mga katagang bibitiwan ko — Ayoko na Pero hindi — Pagkat nagkakamali ang dilim sa paghasik ng kanyang sarili Pagkat ang Liwanag ay panghabambuhay At hindi tayo kakapusin sa oras At hindi ito isang “sandali lang.” Hindi Ka lumipas — At ayokong palipasin ang kahit isang pintig ng sinasabi nilang “sandali lang naman” Pagkat sa oras na ito’y hindi Ka lilipas — At tanging ang pangalan Mo ang mangingibabaw Sa susunod pang hihiranging mga araw Kahit pa sabihin nilang nagbago na ang lahat. Hindi Ka lilipas — Kahit pa tabunan ng pangungutya ang Iyong kasulatan, Tanging Ikaw ang magiging bukambibig. Kahit pa hindi makakita ang mga bulag Ay ipagdidiinan pa ring Ikaw ang magbubukas ng bawat paningin At walang dilim na kayang sakupin ang Bayan Mo, Ama. Hindi Ka lilipas — At sa bawat pagtaas ng Bandila Ay Ikaw ang mananatiling may tiyak na katuturan Na ang mensahe Mo’y ipangangalandakan Saanmang dako at sulok ng mga Islang hinati ngunit Iyong ipinag-isa. Hindi Ka lilipas — Tulad ng mga ulap tuwing ang ulan ay titila Tulad ng tubig tuwing huhupa ang baha Tulad ng ilaw at init ng kandilang inapula. Hindi Ka lumilipas — Gaya noon, hanggang sa huling hampas ng segundo sa huling pagyukod ng araw. Maghari Ka — Hanggang sa huling pagkurap na kasama Ka.
0
Jan 6, 2018
Jan 6, 2018 at 6:39 AM UTC
Hindi Ka Lumipas

61
021824 Ikaw ang Buhay, ang aking Hininga Ang nagdudulot sa bawat pintig Na noo’y nais nang mamahinga. Ikaw ang Pangakong aking panghahawakan, Ilalaan Sa’yo ang lahat Nang walang hinihinging kapalit. Ikaw ang Pagsinta Sa gitna ng mga mapapait na nobela — Nobelang akala ko’y syang bubuo sa’king pagkatao. Ikaw ang Lunas sa bawat sakit, Sa bawat hapding walang ibang makapagpapagaling… Ikaw ang aking Kagalingan. Sa libis at parang Ako’y kusang hahakbang. Na kahit ang dilim ay walang kapangyarihan. Ikaw ang Aking Liwanag — Akayin Mo ako hanggang sa huling hininga’t Salubungin ako ng pag-ibig **** walang kapantay.
0
Feb 18, 2024
Feb 18, 2024 at 9:35 AM UTC
Ikaw Hanggang Dulo
Ang buhay ay parang isang nobela, May mga karakter na papasok sa kwento mo, Meron silang layunin na gagampanan Pero hindi magtatagal, sila'y lilisan rin. Unang kabanata, nandyan na ba sila? Anong klaseng karakter kaya ang isinulat ng manunulat? Maisasama ko kaya sila sa kwento kong maulap? Pangalawang kabanata, meron pa pala. Anong klaseng aral kaya ang hatid nila? Hanggang dulo na ba sila? Pangatlong kabanata, ay dinagdagan pa pala niya. Hindi ka ba nauubusan ng iisipin, aking manunulat? Kailan ka kaya mapapagod? Pang-apat na kabanata, may bago ng pahina. Anong usapan kaya ang magbibigay kulay sa pahinang ito? Ikaw at ako, siguro. Pang-limang kabanata, dagdagan mo pa. Anong suliranin naman kaya ang maisusulat mo manunulat? Sana, wag mo akong pahirapan. Pang-anim na kabanata, kamusta ka na kaya? Maitutuloy mo pa kaya ang pahina? Tinatamad ka na bang magsulat? O naubusan ka na ng tinta? Pang-pitong kabanata, ang saya. Salamat manunulat sa pahinang ito, Patuloy mo pa kaya akong bibigyan ng biyaya? Para matuloy ang ligaya? Pang-walong kabanata, kay saya naman sa isang nobela Ang manunulat na ang bahala, Bahalang mag plano kung anong mangyayari sa kabanata. Pang-siyam na kabanata, nasa gitna na ba? Nasa simula pa ba tayo, manunulat? Kailangan ka kaya mapapagod sa pag-uulat? Pang-sampung kabanata, bakit naman ganon manunulat? Ang dami mo namang binigay na problema, Simple lang naman ang hiniling ko, Na wag mo akong pahirapan. Ikalabing-isang kabanata, may tutulong kaya? "Sino kaya ang tutulong sakin?" Napaisip ang karakter Manunulat, bibigyan mo pa ba siya ng ligaya? Ikalabing-dalawang kabanata, saan pa ba patungo ang nobelang ito? Lahat ng karakter ay lumilisan na, At nag-iisa na ang pangunahing karakter Maawa ka naman, aking manunulat. Ikalabing-tatlong kabanata, may katapusan pa ba ang nobelang ito? Napapagod na ako, aking manunulat Bigyan mo naman ako ng pahinga. Tama na, manunulat. Nagsusulat pa ba tayo dito ng nobela? Bakit lahat sila'y lumisan na? Akala ko ba, hanggang dulo na sila? Teka, nasa loob ba ako ng nobela? O sinasalamin ko lang ang sarili ko sa isang nobelang nabasa ko Tama nga ako, ang buhay ay parang isang nobela, May sarili itong simula, gitna at wakas Na akala natin ito'y patuloy na mag-uulat Naalala ko nga pala, Ako nga pala ang sarili kong manunulat Ako ang mag-uulat sa buhay kong maulap Naalala ko, tayo nga pala ang gumagawa sa sarili nating kahulugan. Hindi mo naman makikita ang kahulugan mo, Kung hindi mo bubuksan ang isip mo At kung hindi mo dadamdamin ang puso mo. Oh sige na aking manunulat, Ituloy mo na ang iyong pag ulat Sa karakter na nais **** bigyan ng kahulugan, Sa karakter na nais **** maulat. Sa iyong sariling nobela.
0
Dec 27, 2023
Dec 27, 2023 at 11:11 AM UTC
Nobela

67