Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"natangay" poems
012817 Iguhit sa buhangin ang iyong nasirang pangarap Natangay man ng hanging habagat Ito'y iyong ulitin Pagkat sa kamay mo nakasalalay Ang imahe na magsisilbing litrato Ng iyong mapaglarong isip. Kumpas ng kamay Na tila nagpapagalaw ng mga butil Ng buhangin kasabay ng nanghihileng tugtugin At ang bumbilyang nagsisilbing ilaw Sa madilim na kwarto Na sya ring nagbibigay kulay At naiisakatuparan ang mga munting nilikha Sa ibat iba nitong linya. Ngayon, ikaw ay dumating Wag **** sasabihing huli na ang lahat Dahil ang isang pangarap na minsang binuo mo, Ay siya ring muling magdidikta ng iyong ginintuang pag-iisip. Kamay ay gamitin sa malikhaing gawa Dahil Diyos ang nagbigay ng talento Na iyong gagamitin sa pagbuo ng natibag na pangarap. Magdiwang dahil kagaya ko, Siya ang magbubuo ng iyong pangarap. Alamin ang adhikain sa mundong ibabaw Dahil dito mo ipakikita na ika'y matatag At makapagpapasya na magbago nang naaayon sa Kanya. Ang iyong AMA ang Siyang gagabay at magpapakita Ng iyong maliwanag na pangarap at buhay.
0
Jan 29, 2017
Jan 29, 2017 at 3:32 AM UTC
Buhanging Mga Kamay
Maraming salamat Sa mala alamat Na kwento ng ating pagmamahalan Na dati ay walang hangganan Nauwi sa hiwalayan Nauwi sa mahabang gabi ng iyakan Nasaktan tayo pareho Pero hindi ako sumuko Tatlong buwan nag-isip Ngunit ika'y nainip Hindi ko na nasagip Natangay na ng hangin na malakas ang ihip Maraming salamat Sa lahat lahat Sa kahinaan at kalakasan ko Tinulungan mo akong magbuhat Tinuruan mo akong tumayo Pinangako sayo ang hindi paglayo Binago ako ng ating pagmamahalan Mga pangarap nati'y nagkakaroon ng katuparan Ngunit pagmamahalan natin nagkaroon ng katapusan Hindi na din natin nagawan ng paraan Na ayusin at bigyan ng pagkakataon Nagkulang na ata sa oras at panahon Ikakahon ko na ang lahat ng ating alaala Itatago sa isang parte ng puso ko kung saan wala ka na
0
Oct 8, 2015
Oct 8, 2015 at 9:23 PM UTC
Salamat
Kumalat ang silahis Aranya sa kublihan ng mga nasaktan nang labis Sa liblib na bukirin nakatira ang anak-pawis Ang tikap sa kapilya ay ang espasyo sa karimlan Maringal ang alab sa dagat Animo'y mga hiyas sa pananaw Bermillong agwa ay nangingibabaw nang isinaboy ang mga pilak sa Pasipiko Anupat may respirasyon nauudlot naman ang siklo Sa pagbabalik-tanaw ay sumiyok humahangos nang dumating sa koro Tugtugin ng patibulo Sa wakas, ilalagyan ng balsamo Epidemya ng hapis kahit inosente ay pintasan Lumaylay nang mahilo Natangay ng takot at dumapa nang napasuko Lumaho ang pagkakataon na sana'y makakapagpasya Kung alin ang dapat at tama Sa sulok ay nanahimik Umaasang mabawi ang panahon yaon Ngayon saan pupunta
0
Dec 21, 2018
Dec 21, 2018 at 5:13 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #21
Tayo'y muling inabot ng bukang-liwayway, lumbay at pighati sa hangin natangay. Ikaw ang tanging balakid ng kalungkutan, kaharutan ng iba'y huwag pamarisan. Sa musika ng buhay ay iindak, sa langit dadalhin habang ika'y kahamagan. Lahat ng walang kasiguraduhan, sayo magiging tiyak, ikaw ang nag-iisang liwanag sa dagim na kalangitan.
0
Nov 6, 2021
Nov 6, 2021 at 10:59 PM UTC
Silakbo
• • • Sabi ko hindi ako bibigay Ngunit nauwi nanaman sa hanggang sabi lang Anong magagawa ko? Eh kinukulit mo isipan ko Pero ayun na nga Wala na akong nagawa Hindi mapakali't hindi malaman ang gagawin Pumikit nalang ako't sabay hinga nang malalim Eto na, Naisend ko na Wala nang balikan pa Nabasa mo na Alam mo na Wala ka namang kasalanan Wala ka din namang ginawa Hindi ko rin alam bakit humantong sa ganito Sabi ko usap lang pero natangay ako T a n g i n a, bakit? Anong meron sayo? Tignan mo pati ako nagtatanong Kasi kahit sayo "hindi ko alam" ang sagot Sa sandaling panahon, Napasulat ako nang ganito Aba, mukhang kakaiba ka nga talaga, ano? Ano kaya talagang meron? Baka sakaling tugmang Susi O dala lang siguro nang mga Kathang Isip? Pero kahit Masyado Pang Maaga, (Salamat) Dahil kahit sandali, napili pala ako Araw-Araw Kahit hindi pang-Lifetime Hiling ko lang, Sana nga'y Pagtingin mo'y di magbago • • •
0
Oct 4, 2020
Oct 4, 2020 at 5:58 PM UTC
"Oo, Na(ki)kinig Ako"