Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"natakpan" poems
Nagsimulang mangarap ang karamihan Ngunit bigo ang iilan marami ang naghangad ng pagpapala ngunit ang iba ay halos walang napala ang sabi "Ilabas mo ang nararamdaman mo!" pero ang pagkakaintdi nila "Sige lang tago mo!" natakpan ng pagkatakot ang tainga ng bawat Pilipino binulag ng maling galaw ang lahat ng papanaw ng tao. Ika ni Gat Jose Rizal, "mahalin ang sariling wika" ngunit panay ibang lenguwahe ang gusto ng iba. Simpleng paalala, nais ng karamihan ang pagkakaisa pero sa sariling pagtangkilik ng atin, ayaw rin ng iba. "Lipstick na pula", "Damit na may hati sa gitna" "kantang di maintindihan ng bata", at mas masakit sa pandinig ang tanong na ngayon ng mga bata, "Ano po ang ABAKADA?" at ang nakakainis, ang pinagtanungan hilig rin ang wikang banyaga. Pader ng pagiging malaya? Oo, may kalayaan ang bawat isa kung ano ang pipiliin nila, pero tandaan na sa bawat kilos at galaw, mayroon itong kapalit pagdating ng araw. Pader ng pagiging malaya? Oo, may nais ang lahat, may pangarap ang lahat pero isaisip di lamang sariling kagustuhan, Maaaring makuha ang tagumpay pero maaari ring mayroong ibang taong madamay. Pilipino ka, panindigan mo ang nais ng lahat ng kapwa mo. di mo piniling maging Pilipino, pero ito ang biyayang binigay sayo kung ang isda nahuhuli sa bungaga ang bawat tao nahuhuli naman sa bawat salita. Pader ng pagiging malaya, ilista mo rito lahat ng gusto mo, lahat ng ninanais mo, at lahat ng pangarap mo. Pader ng pagiging malaya, di man ito ang huhusga ng kung anong pagkatao mo pero makakatulong to. Pader ng pagiging malaya, sabihin mo lahat ng nilalaman ng puso mo Pader ng pagiging malaya, ilantad mo dito ang ginagawa mo Pangako bilang pilipino mababago dito ang pananaw mo. at Pangako bilang Pilipino, ingatan mo rin lahat ng malalaman mo. Pader ng pagiging malaya. FreedomWall ika-nga. Hayaan **** itong Pader ng pagiging malaya ang maging sandigan mo at gabay patungong pagkakaisa.
0
Sep 2, 2017
Sep 2, 2017 at 10:31 AM UTC
Pader ng pagiging malaya

Continue reading...
33
Maganda ka oo maganda ka Ang ganda mo parang bituin sa madilim na langit , Na natakpan ng ulap na tila ba’y hindi Mahagip Ngunit kapag ang ulap ay unti unting umalis, Para kang bituin sa sobrang ganda ikay’ nagniningning. Maganda ka.. katulad ng isang bituin sa langit Wag kang maignggit sa iba dahil ang ganda mo Hindi tulad ng iba ,Dahil para sakin ikaw ay kakaiba. Hindi ka man kaputian hindi man makinis tulad nila. Wag kang mainggit sakanila… Ang puso mo’y Puno ng Hiya takot sa sasabihin ng iba Laging humaharap sa salamin tila sinasabi sana ako nalang sya Wag **** padudahan ang sariling **** kagandahan. Mahalin mo ang iyong sarili dahil iyon walang katumbas sa tunay na kagandahan. Dahil meron kang mabuting kalooban Alagaan mo ang iyong sarili Ngumiti ka dahil deserve **** maging masaya ipakita mo ang ang maganda **** ngiti at mala siopao **** pisngi. Ngayon haharap ka sa salamin at sasabihing MAGANDA KA OO MAGANDA KA DAHIL GAWA NG DIYOS AT WAG KANANG MAINGGIT SA IBA. Isang malayang tula..  -CLN
0
May 31, 2017
May 31, 2017 at 6:45 AM UTC
Maganda Ka
*Hiling ko sana'y isa akong maong na pantalon sa buhay mo Kahit kupas at luma na ay ako pa din ang paborito Pero para kang bata na ang gusto lagi ay bago Mahirap ba maging kuntento? Ganun naman talaga sa isang relasyon diba Dumadating din sa punto na wala ng kasasabikan Kaya lang madalas nauunahan tayo ng mahinang damdamin Kaya nauuwi na lang sa sakitan at hiwalayan Yung isa patuloy na pinaglalaban ang pagmamahal Kasi yung tao ang mahal nya Hindi yung mga bagong bagay na makakapagpasaya o magpapakilig Dahil presensya pa lang ng mahal nya ay sapat na Yung isa ay patuloy na naghahanap ng bago Kaya natakpan ang mga mata ng kanyang puso Hindi na makita ang mga ginagawa para sa kanya Tuluyang nabulag sa ideya na pag bago masaya*
0
Nov 25, 2015
Nov 25, 2015 at 1:42 AM UTC
Pantalon na Maong
Kahit isang sulyap lang sa langit ay di na matanaw, Daan-daang matatayog na konkretong kahon, pati anino nito'y ako'y napapaligiran. Tinatakpan ang malagintong sinag ng araw, maging ang hanging sana'y magpapaypay sa nagiinit na siyudad ay natakpan na. Nagbago na ang mundo. Bago na naga ang mundo. Pero nasaan na ang mundong kinalakihan at pinapangarap ko? Nanabik sa malawak na langit na noo'y tinitingala-tingala lang, na kunwaring inaangkin ko ito, na akin ito. Pero bago nga ngayon ang nakikita ko, matatayog na konkretong kahon, na humaharang sa tunay na paraiso.
0
May 22, 2015
May 22, 2015 at 4:14 AM UTC
BAGO
Kinain ng kadiliman ang buong daigdig Saksi ang mga kabundukan at karagatan Sa kung paanong natakpan ang araw na siya noong naghahari sa langit Nagkalat sa buong lupain ang pait Ang sakit Dahil ang gabi dulot lang lagi ay kasawian Ang gabi'y hindi isang kaibigan Ang gabi'y hindi titigil hanggang ang kaisa isang tala na hawak mo ay kumupas na nang tuluyan Nilamon ng kadiliman ang buo kong pagkatao At oo Sirang sira na ang taong sumulat ng binabasa mo Sumasabog ang ulo na tila pagputok ng bulkan Pumapatak ang luha na tila pagbuhos ng ulan Ngunit lahat ng ito ay nakatago Gaya ng kayamanan na nakadeposito sa bangko Na kayang kaya ilabas ngunit mas piniling ipunin ng husto Ipunin ang mga delubyo Delubyo na animo'y itinanim sa dibdib ng isang demonyo Nilamon ng kadiliman ang buo kong pagkatao At walang sinuman ang makakasaksi nito Dahil ang dilim ay inipon ko At ang buhay ay kikitilin Ang hininga ay lalagutin Ang sarili ay papatayin At lalong walang makakasaksi na sinuman Dahil walang pakialam sa aking gabi ang sambayanan Lahat ay nahihimbing sa kanilang kinaroroonan At sa wakas Nandito na ang wakas
0
Dec 28, 2017
Dec 28, 2017 at 8:57 AM UTC
Gabi
Madaming taon ay nakalipas. Madaming litrato natakpan. Bakit hindi mo pa nakakalimutan?
0
Apr 18, 2017
Apr 18, 2017 at 8:58 AM UTC
P a a n o?
Balang araw Hindi na lungkot ang dulot ng umaga, Tatahan na ang umiiyak na matang namamaga Matutuyo na ang mga kumo't unan na basa Ika'y tatayo na mula sa pag-kakaupo sa gilid Paa'y ihahakbang na palabas ng silid Handa kanang harapin ang mundong pasakit 'Di ka na nito tatablahan ng pait. Mga sugat mo'y tuluyan ng nag-hilom Wala na ni isang marka ang mababakas Tuluyan mo nang naaninag ang liwanag, Sa'yong yungib na natakpan ng dilim Natagpuan mo na ang matagal na nawawala Pagmamahal sa sarili na sa'yo'y tumakas Kaya ngayon buo na ang piyesa ng pag-katao Lalaban kana hindi na muling mag-papatalo Kaya mo na ulit Mas kaayanin mo pa ngayon Lagpasan hamon sa harap Dahil buo kana
0
Dec 26, 2020
Dec 26, 2020 at 7:26 AM UTC
"Buo kana"
Ilang dekada na ba ang lumipas mula nang huling namúti ng mga labong sa kawayanan sa dulo ng kapirasong lupang minana sa kanunuan ng angkan? May bakas pa sa daanan ang dug-out na tinabunan na ng mga naputol na sanga at mga winalis na dahon, naputol na sanga at bubot na bunga ng mga chico, caimito at mangga, na palaging inaakyat ng mga kuya at nang-iinggit pa kunwari tuwina at pagkababa’y mamimigay rin pala - dug-out na tagapagligtas, taguan noong panahong tila baga’y kani-kanina lamang, sa mga mababangis na kempeitai, sa malupit na pandaigdigang giyera. Halos nalipol ang angkang bansag ay bisero, umangat sa buhay dulot ng mga alagang kabayo pagkatapos ng Liberation naging kaminero mga kabayo’y kinatay ng mga bakero na sila ring nambayoneta ng maraming tao pagsaksak patulák sa balong igiban ng baryo pati mga musmos at mga inang nagpapasuso kulóng sa kamalig, sinunog nang buhay, at naabó. Tila nakalimutan na ang madilim na nakaraan at walang napulot na aral sa kasaysayan ngunit natakpan man ng ningning ng mga ilaw-neon at malawak na highway ang dating batalan at tuklong Ang lansa ng dugong namuo sa balon sa sinturisan, palaging nagpapaala-ala ng damdaming kinukuyom. At ngayon, wala nang mananakop na Hapon. pero may pumapasok na bagong panginoon - Handa nang himurin ang puwit ng mga Tsinong maton.
0
Aug 30, 2020
Aug 30, 2020 at 7:28 AM UTC
Kapeng Barako XI