Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nasasayang" poems
Pag-asa, tayo daw ang pag-asa Kabataan ang pag-asa ng bayan sabi nila Pag-asa, pag-asa sa pagbabago Pero nasaan ang pag-asa, Kung mismo tayo'y nababalisa Nababalisa sa paikot-ikot na problema. Droga,patayan,droga,patayan droga Paikot-ikot nalang nakakapagod na. Laman ng balita'y paulit-ulit nalang At ang mga buhay, mga inosenteng buhay Ay nasasayang, paulit-ulit nalang. Pag-asa, nasaan na ang pag-asa Kung mismo ang ugali natin ay nagbago na. Ang respeto sa lahat ay nababalewala, Ang pagpapahalaga sa damdamin ng iba' nawawala na. Pag-asa, nasaan ang pag-asa kung Ang ating lipunan ay nagdudusa na? Nasaan ang pangako ng pagbabago, Eto ba ay nawala, naglaho o napako? Mistulang lasing ang mga tao Nagbubulagbulagan sa sinasabing pagbabago. Pero nasaan ang pagbabago kung mismo tayo'y di natututo? Na parang alak ang ating lipunan, Sa una'y walang epekto, walang pakiramdam Pero habang tumatagal ika'y mababaliw, Matutuwa, malulungkot, samu't-saring emosyon. Pero habang tumatagal ikaw ay mapapaisip Kung para saan nga ba ito. Itong paglaklak ng napapakong pangako. Nasaan na angand nasabing pag-asa at pangako, Kung tayo ay uhaw sa alak na walang pagbabago?
0
Aug 27, 2017
Aug 27, 2017 at 7:22 AM UTC
Alak
Naulit na naman ang paalam (poetman_24) Ayaw ko mang sabihang hugot sa tulang ito ngunit pagkatao ko'y laging ganito, namutawi na naman ang paalam sa aking puso bakit pag-ibig kayhirap **** matamo? Muli na namang nagtitipon ang ulap sa taas nagbabadya nang pagpatak na walang wakas, wala akong magawa-gawa't hindi rin makatakas napiit na naman ako sa lungkot nang ulit ulit na landas. Bakit naman ganyan ang pagsubok mga tinta'y naghihimutok, ano ba ako sa pintig nang pagtibok ako ba'y sawi sa bawat paglunok? Hindi pala sapat ang likha kong tula kaya lulukutin ko na lamang ang talata, mauuwi na naman ang aking bigong diwa sa 'di matatawarang luha. Pag-aalay ko pala'y naiipon sa buhangin nasasayang lamang ang taglay na damdamin, nais kong isuko ang pagkatha sa hangin sana masagot pa ang aking panalangin. Makatang walang taglay na panulat mga tinta'y mantsa sa'king balat, nasasawi ako nang hindi ko alam isa ba akong tampalasan? Kung masasaktan ka sa aking piling layuan mo na lamang ako giliw, itanim mo na sa akin ang pasakit tatanggapin ko kahit anong pait. Isilid mo na lamang ang sandaling ala-ala at alalahanin na ikaw ay may halaga, kalimutan mo na lamang ako sinta kung 'yan ang palagay **** tama. Babalik na muna ako sa sa karimlan itatago sa dilim ang katotohanan na ako ay luhaan, ililibing ko na lamang sa diwang hagap na ako ay sawi at talunang makatang hindi katanggap-tanggap.
0
Oct 3, 2017
Oct 3, 2017 at 1:13 AM UTC
Naulit na naman ang paalam
Bilang mga pilipino Nakaugalian na nating Bumili ng bagay bagay ng Pa tingi-tingi, Tulad ng Sigarilyo, Kendi, Shampoo And marami pang iba. Bakit nga ba natin ginagawa ito? Ito ba'y dahil Tayo'y nag titipid, kaya tayo'y dumudukot lang ng pa-pirapiraso, O baka naman, Ayaw lang natin Na may mga bagay na nasasayang Pero kahit ano pang Aspeto ito, Nadala na natin ito Hanggang sa paglaki. Nasanay na tayong Umasta ng patingi-tingi Pati sa pakiki-salamuha Natin sa kapwa Tingi-tingi na din, Tingi-tinging mga ngiti, tingi-tinging mga halik, Tingi-tinging mga kwento, Pero ang pinaka masaklap Sa lahat ng ito ay, Tingi-tinging debosyon Sa panginoon. Na dinudukot lang natin ang mga pirasong, Tugma sa Sa ating mga problema Ang mga piraso, Na nagpapasarap Sa atin piling, Hindi natin ito kailanman Hinahayaang turuan tayo, At itama sa ating mga Pagkakamali. Tulad ng mga bersiculo Ng biblia Tinabas-tabas natin ang mga Kasuluksulukan Na banal sa libro. Binulsa lang Natin ang pagmamahal ni Cristo, Dudukutin lang Pag kailangan. Kapag tayoy nalulumbay, Sabik na sabik Sa mga bisig Ng iba. Si ay ating Kinakalimutan Sa panahon Ng kaligayahan. Tinatawag Lang siya Kapag tayo'y may Kailangan. Na sa oras ng kagipitan, Sinisigaw ang kaniyang Ngalan. Sana matandaan natin Na tayo'y Binili ng buo, Gamit ang buhay Na hindi binigay ng Tingi-tingi Pero binigay ng buong buo. Hindi lang isang Patak ng dugo, Pero buong pagkatao, Ibinuhos para lang sayo. Kaya, Tigilan na Nating ang patingi-tinging asal, Tigilan nalang Natin ang pagpapakipot Sa taong Nagmamayari satin. Tayo'y hindi tingi, tayo'y buo.
0
Nov 17, 2015
Nov 17, 2015 at 12:47 PM UTC
Ngiting Tingi

Continue reading...
87
Mahirap gawin. Wala kang oras. Hindi mo na matatapos. Bakit? Dahil hindi mo na kaya? Pagod ka na? Inaantok ka na? O tinatamad ka lang? Marami ka ba talagang ginagawa. Marami ba talaga ang mga pinapapasa kaya natambakam ka na? Tumingin ka sa oras. Ang bilis ng takbo katulad ng pag higa mo sa kama sa inaakalang magigising ka ng umaga para mka gawa. Parang kapag nag babasa ka at naka tatlong sanaysay ka na. huminto, nagpahinga at sinubukang mag basa ulit. Naka anim ka na, umupo, nagbasa, nagpahinga malapit sa kama, nahiga habang nagbabasa at unti unting pumikit ang mga mata. Bangon! sabi ng orasan na nagpapahiwatig sayo na gawin mo ang bagay na ito. Na kaya mo naman talagang tapusin. Bangon! sa pag iilusyon mo na pagod ka na sa isang damakmak na gawain. Bangon! para sa mag papel na nasasayang. Sa mga mamamayang nawawalan ng laman ang bulsa. Bumangon ka! Wag kang magpahinga lang! Hindi ka tamad! Masipag ka! Hindi sa pagpapahinga, kundi sa pag kilos! Kumilos ka para sa kinabukasan ng ating bansa, sa ika uunlad ng taong mga tumulong at sa pawis na tumulo sa sahig. Wag **** hayang punasan lang nila ang pawis na iyon. Tanggalin mo! Kasi minsan nasa isip mo lang na hindi mo kaya pero alam ko at alam mo na magagawa mo ang bagay na iyan. Gawin mo sana!
0
Feb 12, 2016
Feb 12, 2016 at 9:28 AM UTC
Task
Kasi kahit anong gusto kong lagpasan ka, kailangan pa rin kita daanan. Ang hirap kasi, andami kong oras na nasasayang. Pero kung wala ka, bakit pa ko gigising ng maaga? lagi kitang pinaghahandaan, ikaw lang ang nandyan sa 'twing mahuhuli ako ng lakad. Isa kang paalala na kailangan kong maghintay, kailangan kong magtiyaga. Di ako lilihis ng daan, para iwasan ka lang. Kasi mas nakita ko yung mga lugar na dinadaanan ko pala araw araw. Kesa noon, ang nakikita ko lang yung patutunguhan. Ngayon, parang ayaw ko na makarating sa paroroonan. Pero sana wala ka nalang. Para di ako laging kinakabahan na, "Huli na ko".
0
Dec 30, 2016
Dec 30, 2016 at 9:06 PM UTC
Traffic ka ba?
Isa tayong di perpektong nilalang Kaya nadadala tayo sa mga bagay na mapaglinlang Akala tuloy natin sa buhay laging kulang Pagkat maraming oportunidad ang nasasayang Maraming desisyon sa buhay ang ating ginagawa Desisyon na kung saan may mali at tama Mali dahil sa tayo'y nasaktan sa resulta Tama dahil sa tayo'y naging maligaya
0
Aug 21, 2017
Aug 21, 2017 at 5:51 AM UTC
WASTED