Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Lanox Aug 2016
Ang mutually exclusive ay tumutukoy sa dalawang pangyayaring hindi maaaring maging parehong totoo.

Di ito nalalayo sa kasabihang nasa Bibliyang “Hindi maaaring pagsilbihan ng isang alipin ang dalawang panginoon nang sabay.” Ngunit habang ang nasabing nagmula sa banal na aklat ay may mga binanggit din patungkol sa Diyos at sa pera, ang mutually exclusive ay mas malawak ang saklaw kaya’t maaaring gamitin para ihalintulad o paghambingin ang kahit anong dalawang konsepto sa matematika, pangyayari, pakiramdam.

Sa programming, may tinatawag na Boolean data type. Ang data type na ito ay maaaring “tama” o “mali.” Ang itinatalagang halaga kung tama ay 1 at 0 naman para sa mali. Kung may dalawa tayong konsepto, pangyayari, o pakiramdam, at ituring natin silang mga data types, ang mga posibleng values na makukuha natin ay 00, 10, 01, at 11. Kung ang mga nasabing dalawang konsepto, pangyayari, o pakiramdam ay mutually exclusive, maaaring makuha ang 00, 10, at 01 ngunit hindi ang 11.

Gumamit tayo ng mga halimbawang mas madaling maunawaan.

Data type number 1: ang pag-inom ng iced coffee, decafeinated, served in a mason jar with a paper straw, and with extra whipped cream, at pagpost nito sa Instagram, #stressreliever #compromise #freewifi.

Data type number 2: ang pagtulong sa mga kawawang bata sa lansangan na walang tsinelas, marumi ang kasuotan, at pinagpatung-patong lamang na mga karton ang natutulugan.

Madaling magpatuksong pumalakat gamit ang Facebook status at sabihing, “Ang daming mga batang nangangailangan tapos yung iba dyan pakape-kape lang, #pasoshalpamore.” Ngunit kung susuriing maigi, hindi mutually exclusive ang dalawang data types. Pwedeng si ateng nagkape ay pagkalabas ng coffee shop, binigay yung extra croissant nya dun sa batang nanghihingi ng limampiso. Habang si ateng nag-rant sa FB, na nasa bahay lang, kaya nga bitter dahil di makagala, malamang di rin naman nag-effort lumabas at mag-ikot sa mga kalsada para maghanap ng mga paslit na matutulungan. Ang dalawa pang maaaring posibilidad ay may isang ateng mahilig magkape at allergic sa mga bata at may isa pang ateng tumutulong sa mga bata at nagkaka-anxiety pag umiinom ng kape. Pwedeng magkaibigan sila, pero di sila nangingi-alam sa isa’t isa.

Naaalala ko tuloy nang minsa’y tumambay akong mag-isa sa isang kapehan malapit sa bahay.

Gaya ng inaasahan, may mga batang nag-aabang sa mga lumalabas na mamimili upang magbakasaling mabigyan ng mga barya o tirang pagkain—katakam-takam tingnan ang mga pastelerya roon.

Tiningnan ko ang makukulay na tinapay sa platito sa harapan ko.

Napagdesisyunan ko nang ipabalot ito at ibigay sa isa sa mga batang ngayo’y naglalaro na habang wala pang dumaraang kustomer.

Tapos ko rin naman itong kunan ng larawan upang ipost sa Instagram.

Kelangan kasi updated ang account ko.

Baka kasi isipin **** nawalan na ko ng sigla at nagmumukmok na lamang sa bahay simula nang tumigil na tayong mag-usap.

Baka tuloy magmistulang ang kalungkutan ko at ikaw ay mutually exclusive.

Na dumarating lamang ang kalungkutan sa tuwing ika’y lumilisan,

O na iniisip ko pa lamang na maaari kang bumalik, ito’y napapalitan agad ng kaligayahan.
ramon cayangyang Nov 2016
Bago ako magsimula , Gusto kulang sabihin sayong “kamusta?”
Parang kay tagal na simula nang huling tayo ay magkita
Hanggang ngayon hindi ko masabe kayat dadaanin kita sa
Maikli kong tula ….

Sa tulang halos buhay ko ang nilalaman , buong buhay na aking
Minahal at pinaglaban ng hindi man lang niya nalalaman . ..
Kahit na alam ko na sayo ay may nagmamahal at kayong dalawa
Ay nagmamahalan patuloy pa rin ako sa aking pakikipaglaban

Nakikipaglaban sa aking nararamdamang hindi ko alam kung bakit
Kinakailangan , bakit kailangan kong pagdaanan kasi hindi ko kayang
Iwaksi sa aking isipan at sa tuwing tatalikod ako sayo hindi ko
Mapigilang ilabas ang tunay kong nararamdaman …

Nararamdamang kalungkutan ngunit napapalitan ng kasiyahan sa
Tuwing ikay aking masisilayan , masilayan ang nagiisang dahilan ng
Tuwa at pasakit na aking nararamdaman

Pero kahit punong puno ng pasakit at pagdurusa ang dulot mo sa
Akin wala akong pakielam …
Kahit na sabihin ng iba na “TANGA KA BA ? MAHAL MO PERO MAHAL
KABA ?

Wala akong pakielam sa sabihin ng kahit na sino man , isa lang naman
Ang laman ng aking isipan

Ang oo at pero , OO ngat alam ko na sa puso niya ay hindi ako bagkus
Iba ang siyang nanahan ,
Pero sa puso ko , ikaw ang siyang nagturong magmahal ng totoo kahit
Na alam na walang dapat asahan

Na ang salitang “TAYO” sa panaginip kulang makakamtam

Pero kahit ganon paman ang kinalabasan , Masaya parin ako sa nagging resulta nang aking ginawa na tinatawag ng karamihan na “KATANGAHAN”

Kase hindi kuman nagawang makamtan ang taong laman ng aking isipan ,at kahit Alam Kong sa panaginip kalang mahahagkan

Atleast natutunan ko at nagawa kong lumaban at ipaglaban siya
Kahit na hindi man lang niya nalalaman
#hugot#filipino#tagalog
Sydney Nov 2020
Ang 'yong tinig ang taga pag pakalma sa tuwing puso't isip ay gulong gulo

Ikaw ang kapayapaan sa magulo kong mundo

Ikaw ang araw na sumisikat sa maulan kong mundo

Mga salita **** "nandito lang ako, hindi kita bibitawan"

Ang sarap sarap sa pakiramdam na may isang ikaw sa buhay ko

Sa'yong piling, luha'y napapalitan ng ngiti

Hindi man magawang hagkan dahil tayo'y malayo sa isa't isa

Dama ko pa rin ang mga yakap **** pumapawi sa aking lumbay

Ngunit ngayo'y nasaan?

Tila ba lahat ay nag bago na

Muli ko pa bang maririnig ang 'yong tinig?

Matutupad ba ang pangakong hanggang dulo?

Ang tayo ba'y maibabalik pa sa dati?

Ano man ang sagot ng tadhana

Tatanggapin

Masaktan man o maging masaya

Tanging hiling ko lang sa'yo

Ako sana'y huwag kakalimutan

Lagi mo sanang tandaan na merong ako

Na mahal ka at patuloy kang mamahalin

Hanggang dulo
Aphrodite Jun 2020
Bawat segundo, minuto, buwan at taon,
Lahat ng ito ay  lumilipas at nagbabago,
Lahat ay napapalitan ng 'di inaasahan,
Walang permanente sa mundo kaya oras pahalagahan ng husto.

Hanggang buhay ka pa, mahalin mo ang mga magulang mo,
Habang nakakangiti ka pa, ngumiti ka at tumawa,
Habang nakakalakad ka pa, tumakbo ka't gumala,
Habang nakakarinig ka pa, pakinggan mo ang huni ng ibo't likha ng Diyos.

Habang malakas ka pa, tumulong ka sa kapwa mo,
Habang bata ka pa, magsaya ka kasama ang tropa mo,
Habang kaya mo pa, gawin mo ang lahat ng gusto mo,
Kasi maaaring isang-araw, wala na ang mga ito.

Pahalagahan mo at mahalin mo ang nasayo,
Huwag lumimo't bagkus magpasalamat sa Maykapal,
Ang buhay natin ay hiram lamang,
Kung kaya't bawat oras 'wag sayangin bagkus pahalagahan.

— The End —