Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Stephanie Jan 2020
Ikaw ang takbuhan sa mga oras na walang wala..

Ang ibig kong sabihin sa walang wala ay yun bang walang wala na kong maibuhos na luha,

Walang wala na kong malapitan,

Walang wala na kong makapitan,

Wala nang gustong makinig,

Wala nang interesado, naubos na kasi ultimo ang para sa sarili.

Ikaw lang ang natatangi.

Ang lakas pala ng loob kong magalit sa mga mang-iiwan, naisip kong wala rin pala akong karapatan.

Ganoon din ako..

Binitawan kita kapalit ng kasiyahan.

Nakangiti ka sa akin habang hinahatid ako sa napakagandang hantungan.

Baligtad na ang mesa.

Nandito na ko.... muli.

Lalakad patungo sa iyo na may dala dalang pluma at papel

Iguguhit ang pait, ngingiti dahil ito na naman tayo sa puntong ito at hindi ko mahanap ang mga tamang salita

Nalimot ko na ata ang tamang pakikipagtalastasan.

Alam kong mauuwi na naman sa tipikal na kamustahan.

Hindi ko inakalang babalik tayo sa nakaraan habang umuusad ang mga kamay ng orasan

Mapagbiro.

Hindi ako handa sa pagsalubong ng taon

Bakit ko nakikita ang mga aninong matagal nang nilamon ng liwanag

Bakit muling nagdurugo ang mga sugat na matagal nang naghilom

Hindi ako naniniwala sa swerte.

Walang swerte. Walang sumugal na hindi natalo.

Buti na lang mayroon akong babalikan.

Ikaw yung kaibigan na hindi lumilisan.

Matagal ang isang taon,

Sumulat ako ng mga tulang kawangis mo

Binuo ko sila na parang mga bahagi ko

Akala ko ay tapos na...

Kung ang pagsulat ay paglaya, hindi ba dapat ay nakakalag na sa akin ang tanikala?

O mali.. baka wala talagang paglaya

Paano kung nililibot ko lamang ang malawak na hawla nang may huwad na pag-asa?

Minasdan ko ang obrang nilikha ng dekada,

Makulay, sa unang tingin ay puno ng pangarap

Parang nobelang nagsasalaysay, at kapag naroon ka na sa kasukdulan ng tunggalian,

Nanaisin **** isara ang pahina..

Makikiusap ang nobela sa isang pagkakataong sana'y siya ay tapusin hanggang huling kabanata...

Napaluha ako ng matindi dahil isa pa lang trahedya ang nobela.

Teka.. teka..

Buburahin ang ilang metapora.

Masyadong madrama.

Malayo sa imaheng gusto kong makita at ipakita

Ngunit tila hindi hawak ng aking kamay ang panulat,

Hinablot nang marahas ng pusong gustong kumawala

Ganon ata talaga sa muling pagkikita pagkatapos ng matagal na pagkakawalay...

Puno ng emosyon.

Magugulo ang burador, wala nang patutunguhan ang tula.

Hindi bale.

Hindi naman dapat na maging maganda ang porma ng tula,

Hindi importante ang sukat at tugma,

Sa susunod na babasa ka ng tula,

Nagbibigay ka ng tunay na pag-asa sa may akda.

Kasinungalingan ang bigkasing masaya ako, ngunit aaminin kong may tuwa, may katiting na pagsigla sa muli nating pagkikita,

Maraming salamat, Sining ng Malayang Pagsulat.
This is my another piece which is written in Filipino. And, it is a free verse poem.
Bruce Gil Sep 2015
bawat segundoy ako'y pinagmamasdan
para bang ayaw muna kong lubayan
bawat minuto ika'y takam na takam
sa lamang kong napakalinamnam

bakit ba ang tigas ng yong ulo
ang nakalagay ay tatlong minuto
ilang beses ka ba inere ng nanay mo
para matikmaan ang nasa loob ko

pagkaraan ng tatlong minuto
ako'y iyong binuksan
nilagay sa platitong pinatong sa pinggan
at dahan dahang hinihigup ang laman

sa bawat lunok na ginagawa
ika'y biglang napaluha
nakangiti at napatulala
binuhay ko ang katawang **** lupa

sa ating sandaling pagsasama
ika'y aking pinaligaya
at ngayo'y ika'y tapos na
hiling ko'y itapon mo ako ng tama
Meruem Dec 2019
May isang munting alupihan,
Na naligaw sa aming tahanan.
Lingid sa kaalaman ng iilan,
Siya ay may dalang kalungkutan.

At nang lumaon nga siya ay napaluha,
At siya ay napapunas ng kanyang luha,
At napapunas, at napapunas,
At napanunas, at napanunas....................
December 17, 2019 - 05:55

Abot nga ba ng ibang kamay niya yung mukha?
JulYa04 Feb 2019
Miss ko na mging masaya
Di ko na alam simula ng nawala ka
Miss ko na ikaw mismo
pero “Majal” wala kana


Miss ko na tumawa
lalo na pag my joke ka
Miss ko na ngumiti
pag nakita kita sa umaga

Miss ko na yung tingin mo
Sabay banggit ng iloveu na pabulong
Miss ko na pagtawag mo
Para lang makita yung magandang smile ko

Miss ko na yung kape mo
Lalo na yung luto mo
Miss ko na yung late night calls mo
Sabay sagot ko ng “yes po”

Miss ko na yung feeling
Feeling na inlove ka sa akin
Miss ko na yung love mo
Lalo na yung promise mo na ako lng sa puso mo

Miss ko na lahat ng sa atin
Pero bakit ang sakit, napaluha ako
Miss ko na yung self ko
Na nalimot ko dahil lamang sayo

— The End —