Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"napakasarap" poems
Lagitik. Isang malutong na tunog na nagtatagal lamang ng wala pang isang segundo. Lagitik. At nahulog na ako sayo. Subalit ako lamang ay isang tahimik na babae. Nakaupo sa sulok ng ating silid-aralan. Hindi kita hinanap. Nakita mo lang ako at ginulo ang buhay ko. Lagitik. At napaibig mo ako. Tama sila, napakasarap magmahal. Ang mga araw na kasama ka'y tumatagal lamang ng isang lagutok sa sarap **** kasama. Lagitik. At nabago mo ang buhay ko. Lumipas ang mga taon at mahal parin kita. Walang pagbabago ngunit ikaw'y nagbago. Nalaman ko nalang na pinagpalit mo na'ko. Lagitik. At iniwan mo ako.
0
Aug 30, 2015
Aug 30, 2015 at 3:26 AM UTC
Lagitik
Lumipas na ang mga araw Kasabay nito ang ating alaala Ngunit hindi pa rin mawala wala Ang iyong imahen sa aking isipan Matang nakakaakit, Labing mapula, Magagandang ngiti, At boses na napakasarap pakinggan Lahat ng ito'y gustong makita't maranasan muli Ngunit ako'y naguguluhan, Tama bang naisin ko lahat ng ito Kung ako naman ang lumayo.
0
Mar 31, 2016
Mar 31, 2016 at 5:23 AM UTC
Tama ba
alas otso ng gabi. nakatayo't naghihintay sa tabi. mga letterang pilit inaaninag, na ilaw ng poste ang tanging liwanag. isa, dalawa, limang minuto, hanggang umabot sa alas otso imedya Nang sa wakas sa harap ko'y huminto. nagmadaling sumakay kaya't ikay nabungo ng di sadya. ako'y komportable sa pagkakaupo, habang ika'y ngalay sa pagsabit. nang ika'y nakaupo ako'y iyong kinalabit. ngumiti ng kay tamis sabay sabing "bayad po". natulala't nabighani sa iyong ngiti, kaya't sinadyang madampian ang iyong palad. puso'y di mapakali tila ba kinikiliti napakasarap sa pakiramdam, walang katulad! sa sumunod na araw, di nag atubiling magmadali, pigil hininga sa pag aakalang ika'y makikita muli pagdating ko'y hinanap ka ngunit wala ka na tila ba sinasabing hindi tayo tinadhana.
0
Apr 30, 2019
Apr 30, 2019 at 3:32 AM UTC
Jeepney Lovestory
Sa bawat takbo ng aking isipan, Ikaw ang lagi kong nasisilayan. Alaala **** napakasarap balik-balikan, Na tila parang kahapon lang ang mga masasayang araw na iyon.
0
Dec 6, 2014
Dec 6, 2014 at 7:01 AM UTC
Kahapon
Oh napakasarap, langhap na langhap, Amoy **** ubod ng sarap, Na tila animo'y lasap na lasap Ang mala-Rosas **** humahalimuyak.
0
Dec 6, 2014
Dec 6, 2014 at 3:37 AM UTC
Rosas
Mahal, napakasarap sa pakiramdam ko noon ang isipin na tayong dalawa ay aabot sa panibagong taon. Ngunit hindi pa pala ito sigurado. Dahil sa pagwawakas ng taong 'yon, Ay siyang pagtatapos na rin pala ng ating relasyon. Mahal, hindi ko inakala. Hindi ko inakalang magagawa mo kong iwan. Hindi ko inakalang magagawa mo kong saktan. Hindi ko inakalang ang huling araw ng taon, ay huling araw na rin ng pagsasama natin sa isang relasyon. Mahal, bakit mo ako iniwan? Bakit mo ako inayawan? Mahal ika'y aking inasahan, Sa mga pangakong iyong binitawan. Ikaw ang dahilan ng aking kaligayahan. Ikaw ang dahilan ng aking paglaban. At sa di ko inaasahan, Ikaw rin pala ang siyang dahilan ng aking kalungkutan. Ano ba ang dahilan ng pagsuko mo sa ating pinagsamahan? Dahil ba meron ka ng bagong kaligayan, O bagong kasintahan? Umabot ang ilang buwan at nagkukulitan parin tayo. Binibigyan mo ko ng motibo na ika'y babalik. Teka, binibigyan mo nga ba ako? O ako lang talaga ang nagbibigay ng kulay sa bawat kilos na ginagawa mo? Mahal, babalik ka pa bang talaga? o hindi mo lang talaga ako maiwan dahil may kailangan ka pa? Mahal, sabihin mo na ako na ang nagmamakaawa. Dahil ayoko nang masaktan at umasa pa. Ayoko nang umiyak muli sa parehong dahilan. Parehong dahilan ng iyong paglisan. Paglisan na kahit ilang buwan na ang lumipas, ay hindi ko magawang limutan. Mahal, paano na ang mga plano natin? Paano na ang mga pangarap natin? Paano na ang mga pangako natin? Paano na ang mga memorya natin. Mga memoryang nagsisilbing matinding kalaban para sa akin, Dahil hindi ko ito magawang lisanin. Sapagkat ang mga ito na lamang ang natira, Memorya nung mga panahong ikaw pa ay akin. Naalala ko bigla, Kung saan tayo unang nagkita, Kung saan tayo unang nagkakilala, Kung saan tayo unang nagsama, Kung paano tayo nagsimula, Kung paano tayo nagmahalan na tila ba wala ng hangganan. Pero sa hindi ko inaasahan, Ikaw rin pala ay lilisan, Ang mga pangako rin pala ay mabibitawan, Masakit man sabihin ang huljng katagang ito, Ngunit, paalam na mahal ko.
0
Apr 6, 2020
Apr 6, 2020 at 5:18 AM UTC
Huling araw

Continue reading...
49
Napakasarap magmahal lalo na sa taong akala **** makakasama mo na habang buhay Napakasarap magmahal lalo na sa taong akala **** itinadhana sa'yo at mamahalin ka ng lubos at tunay Napakasarap magmahal lalo na sa taong akala mo di ka iiwan kasi sapat ka na para mundo niya'y mabigyan ng kulay Napakasarap magmahal lalo na sa taong akala mo hindi ka matatakot mabulag kasi siya yong magsisilbing gabay at patnubay Napakasarap magmahal Lalo na kung ang lahat ng ito ay naging totoo at hindi lang humantong sa pala-palagay
0
Oct 1, 2017
Oct 1, 2017 at 12:46 AM UTC
AALAK
Nagsimula sa isang kwentuhan Hanggang umabot sa biruan Nakangiti, nakatawa na parang walang problema Lumulutang sa ulap na may saya. Minsan sa pag-uwi magkasabay Nakaalalay at hawak hawak ang aking kamay Ang iyong labi na ma pula-pula Ang mga matang kumikinang sa akin ay nakatingin pa. Dumating ang gabi ikaw ang iniisip "Kamusta na siya?" yan ang nasa isip Agad-agad kinuha ang telepono Tinawagan na walang alinlangan ang maginoo. Hindi namalayan umabot na ng umaga Mga kwentuhang napakasarap sa tenga Mga halakhakan at tawanan nating dalawa Basta't kausap ka, walang lungkot na madarama.❤️
0
Feb 25, 2020
Feb 25, 2020 at 2:43 AM UTC
SAYA