Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jor Sep 2016
I. Kilig
Unang kita ko palang sa'yo—
Gusto na kita maging parte ng buhay ko
Sinong hindi kikiligin sa tuwing
Ngumingiti ka rin,
Sa tuwing ngumingiti ako sa'yo.

II. Kaba
Sa tuwing kakausapin kita,
Nauutal ako.
Nagbubuhol-buhol ang mga salita—
Na enensayo ko pa kaninang umaga.
Kasi araw na ‘to ipagtatapat ko na—
Ang tunay kong nadarama.

III. Saya
Dahil sa wakas nasabi ko na!
Hindi ko akalain na pareho ating nadarama.
Sinong hindi sasaya?
Kapag nabigyan ka ng perbilehiyong—
Magkaroon ng “tayo” sa pagitan ng
Dating “ikaw” at “ako” lamang.

IV. Galak
Alam ng Diyos kung gaano nagagalak
Sa tuwing magtatagpo ang mga mata.
Alam ng Diyos kung gaano ako nagagalak
Sa tuwing hahawakan ko ang kamay mo.
Sa tuwing magkausap tayo magdamag
Alam ng Diyos kung gaano ako nagagalak
Nung simula kang maging parte ng mundo ko.

V. Inis
Naramdaman ko rin ang inis
Sa tuwing binabalewala mo ako,
Sa tuwing iba ang kasama mo,
At hindi ko namamalayang
Nagseselos na pala ako.

VI. Pangamba
Nangangamba ako,
Sa tuwing aalis ka ng walang permiso.
Sa tuwing hindi ko alam kung sino kasama mo.
Nangangamba ako,
Sa anong pwedeng gawin mo—
Sa tuwing nagkakaroon tayo ng pagtatalo.

VII. Takot
Takot ako na magsawa ka sa gaya ko.
Takot ako na baka makahanap ka ng iba
Yung kayang higitan ang isang tulad ko.
Takot na baka isang araw—
Hindi na ako ang iyong mahal mo.

VIII. Lungkot
Madalas malumbay na gabi ko.
Sabik na sabik ako —
Sa mga yakap mo,
Sa mga dampi ng mga halik mo,
Sa mga magagaan na haplos sa ulo ko.
At sa mga gabing natatakot ako.
Gusto ko lang na nandirito ka sa tabi ko.

IX. Pangungulila
Dumaraan ang mga araw, linggo at buwan
Na wala ka nang oras sa akin,
Gusto sana kitang puntahan
Ngunit alam kong—
Na mas importante ka pang gagawin.
Naiintindihan ko naman
Pero anong magagawa ko?
Nangungulila ako sa’yo.
reyftamayo Aug 2020
nandirito na naman ako,
nag-iisa.
madalas, tuwing tanghali,
ay nalulugmok sa isang paboritong
sulok kaharap ang mga bulaklak
at insekto habang kinukumutan
ng pinaghalu-halong amoy ng mga
naglipanang mukha sa aking harapan.
dito ko madalas hintayin ang mabagal
na oras dahil katatapos lang ng klase
at ayaw ko pang umuwi.
nagpapahinga,
nag-iisip ng kahit na anong maisip,
nakatanga,
nagmamatyag sa kahit na ano o sinong malapatan
ng paningin.
walang pakialam sa nagmamadaling
mundo ng mga gising.
nandito ako't abala
sa isang munting sandali
ng kapayapaan para hanapin
muli ang sarili ko.
teka... hindi pala ako
nag-iisa rito.
kasama ko itong sigarilyo.
G Feb 2018
May maibabalik pa ba
Kung sinabi kong mahal pa kita
Titingala nalang sa langit
Umaasang makasama ka kahit na saglit
Nandirito nakaupo parin
Sa pwestong pinaghiwalayan natin
Pinipilit na umasa
Na sanay hindi kapa nagsawa
Nagsawa sakin
Nagsawa satin.
Amelia Feb 2021
Kumusta?
Kukumustahin pa ba?
Hihintayin ka ba?
Meron pa ba?
Nasa akin ba?

Respeto.
Sa gagawing mga desisiyon
Sa bawat saya at lungkot
Sa lahat ng sumulpot
Sa ikabubuti o ikalulugmok

Hahayaan kita!
Maghilom ang mga sugat
Mapagod kakukwento’t kakahalungkat
Maghanap ng ikaliligayang tapat
Matagpuan ang sarili, maging sapat

Maaaring
Magkatagpung muli bilang magkaibigan
Magbalik sa dating nadaramang handa naman
Maging estranghero’t magkalimutan
Sa malayo masubaybayan.

Ako’y nandirito;
Sa dinami rami ng pwedeng mangyari
Dumaan man sa lubos na pighati
Alalahanin **** mabuti
Pag-isipan **** maigi

Kaya ko na..
Tanggapin, panindigan
Patawarin, kamtan
Harapin, sundan
Hanapin, malaman
Chop suey mind all the way
AKO
Ako. Ako yung palaging nandito pero sya yung hinahanap mo. Ako. Ako yung handang ibigay lahat,pero sa totoo lang  hanggang ngayon ikaw ay hindi mulat. Hindi mulat na ako ang nandirito at sya yung malayo sayo. Malayo sayo, ako! Kase inilalayo mo at sya ang hinahabol mo. Ako. Ako. Ako. Kelan mo hahanapin yung ako. Ako na totoong nagmamahal sayo

— The End —