Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nananalaytay" poems
Sumapit na ang hating gabi, Unti unting sinasakop ng pagbubukang liwayway. Gandang iyong taglay, Sa aking diwa'y nananalaytay. Ang saglit na pamamaalam sa takip silim bukas ay mababanaag nang muli ang ligaya ng pusong minsang nagdilim. Ang kaaya aya nyang ngiti, Higit pa sa ganda ng bulaklak. Sa magdamag kong pag susulat ng matalinhagang salita ikaw ang aking nakikita. Pansamantala, sa agaw ng dilim at liwanag. Ako ay mamaaalam. Itinitiwala na lamang muna sa mga bituin na ikaw ay matanglawan. ... Sa araw ng bukas ay masisilayang muli ang ligaya ng aking buhay.
0
May 22, 2016
May 22, 2016 at 5:18 AM UTC
Bukas ay Masisilayang Muli ang Ligaya ng Aking Buhay
Umurong man ang aking dila ng ako ay nilikha, Bukas naman ang aking mga mata sa inyong pangungutya. Pangungutyang hindi kailanman ay kaaya-aya, Bagkus ay naging tinik sa aking araw-araw na pag-asa. Pag-asang milagro na lamang ang hinihintay, Pag-asang masabi ko rin ang bawat letrang nakahimlay, Pag-asang maibibigkas ang katagang sa dugo ko ay nananalaytay, At pag-asang, ika'y naririyan upang sa akin ay umalalay. Aalalay at maging tagapagsalita sa aking harapan. Isasatinig ang aking naisulat na mga banghay-aralin. Upang malamang nila ang aking mga saloobin, Saloobing tatatak sa puso at isipan ng bawat mamamayan natin.
0
Nov 22, 2015
Nov 22, 2015 at 1:16 PM UTC
Pipi
Ang aming salita ay unti unti nang naglalaho. Ang mga karanasan noong unang panahon ay hindi na nababasa. Ang mga masining na kultura´t tradisyon ay mistulang larawan na lamang ng nakaraan. Ang mga masasayang okasyon ay isa na lamang pangarap. Ang lahat ng ito ay nawala sa pagdating ng bago, Inay. Pilit ka man nilang palitan, ang dugo mo pa rin ang nananalaytay sa amin. Ang pagkaPilipino ay hinding hindi mapapalitan gaano man karaming lenggwahe, kagamitan o oportunidad ang dumating. Ako ay titindig at magsasalita pa rin ng lenggwaheng aking ipagmamalaki saanman sa mundo. Para sayo aking Inang Pilipinas, kami ay aasenso nang hindi nakakalimut sa nakaraan.
0
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 9:31 AM UTC
Inay
Tinitigan kita, Mula ulo hanggang paa. Sinulyapan mo ako, Ng kakaibang pagnanasa. Dumapo ang iyong kamay, Sa aking katawa'y nananalaytay. Nang labi ko'y dumantay, Muntik ka nang mahimatay. Mapusok, umaalab, nag-aapoy. Bawat damdam'y hindi nagpaliguy-ligoy. Ninamnam ang panandaliang kuryenteng dumaloy, Hanggang sa tuluyan nang naglaro ng apoy.
0
Apr 17, 2016
Apr 17, 2016 at 1:36 PM UTC
Mapusok
Kanan, kaliwa, taas, baba Kahit saang anggulo mo tingnan Hindi ako magiging sya kailanman Gaano man kalayo ang inyong pagitan Siya pa rin ang iyong inaabangan Kanan, kaliwa, taas, baba Kanan Nilingon mo sa kanan ang kanyang mga ngiti Balot ng iyong paningin ang kanyang mapupulang pisngi Kabisado mo na ang galaw ng kanyang labi Habang umaasang ako nalang ang iyong minimithi Kaliwa Hawak ng iyong mga kamay Ang kanyang balikat na lagi **** akbay Di mapigilang ngiti ang sa sistema mo’y nananalaytay Habang ako’y nakatanaw sa mga tawa **** walang humpay Taas Tumingala sa taas ang iyong noo Pinapanalangan na sana’y maging kayo Hinihingi sa Panginoon na sya’y maging sa’yo Habang ako’y nakatingin sa aking mundo Baba Yumuko ang iyong mukha At tumulo ang mga luha Sa harap ng Panginoon, hiningi mo sya Habang ako’y nananalangin na ako nalang sana Ang mga salitang alay ko sa’yo Ay sya ring mga salitang sa kanya’y sinabi mo Ang mga tingin mo sa kanya Ay kagaya ng mga tingin ko sa’yo Ang kurba ng iyong labi Ang pagpula ng iyong pisngi Ang tingkad ng iyong ngiti Nakikita ko ang sarili ko sayo Sa kung paano mo tinitingnan ang babaeng hindi kailanman magiging ako Kahit hingin ko pa siguro sa mga tala Kahit kay kupido pa ipa-pana Hindi pa rin tayo tugma Ang pagtitig mo sa kanya Ay isang paalala na 'wag na akong umasa Sana kaya kong takpan ang iyong mga alaala Ibaon sa limot at tuluyan nang mawala Sana kaya kong buksan Ang puso kong ikaw lang ang laman At tuluyan ka nang palayain Kahit di ka naging akin Pero kahit anong gawin Ikaw pa rin ang sinisigaw ng damdamin Ilang beses ka mang limutin Araw araw ka pa ring alalahanin Kahit masakit, pipiliting maging masaya Kahit hindi ako Pipilitin kong maging buo Para sa'yo At sa taong mahal mo Kaya bahala na Mahal pa rin kita Kahit sya lang ang nakikita ng iyong mga mata
0
Feb 10, 2018
Feb 10, 2018 at 6:17 AM UTC
Ikaw at Siya

Continue reading...
59
1 Isang prinsesang bawal yumapak sa lupa Siya ang binukot na si Dara 2 Ang kanyang edad ay labimpitong taong gulang Natatanging anak ng mga magulang 3 Matuwid at makintab ang maitim na buhok Mana sa amang hari na mapusok 4 Maputi at makinis ang balat Mana sa inang reyna na madalaing magulat 5 Tapang at nerbiyos sa dugo nananalaytay Matapang sa buhay, natatakot mamatay 6 Sukdulan sa proteksiyon at pagka-sensitibo Kaya ‘di pa nakalalabas ng kwarto 7 Subalit mayroon din naman siyang libangan Kumanta at manood ng mga mangingisda sa durungawan. -06/22/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:57 PM UTC
Daragus 1 -Si Dara-
Matatawag bang kausap? Taong nasa iyong harap Kapag isip ay sa ulap Kahit na ano pang sikap Bagamat sadyang mahirap Kung salita'y hinahanap Bibig man ay bumubuka Pero agad nawawala Sa mga tingin ng mata Na nais lang na makita Sasabihin na'y nakuha Dahil sa kariktang dala Pagka't hindi naman sanay Sa pagbibigay ng kulay Ng aking mumunting buhay Ngunit laging nasisilay Ang ngiting nananalaytay Sa maliliit na bagay
0
Oct 9, 2019
Oct 9, 2019 at 4:55 AM UTC
Tingin ang Magsasabi