Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakikipagusap" poems
Bakit tinuring na pananampalataya ang pagpagal sa luhuran? Hinaing na tumagos sa kaluluwa't banal hayo't di na natanggal--mantsang nakabaon 'gang hukay. Dinalangin ang sarap at ginhawa sa kahoy na nakahubad sa kapwa kahoy Tiningala nga't sinamba Binalahura nama't minura. Anu't ano pa'y pumaslang at nanggahasa Nagnakaw at nagpakasasa sa salapi at tawag ng laman Nang mahulog sa bangin ay biglang tinawagan ang minura't binalahura. Iligtas mo ako. Lumuhod ka, sabi Niya. Nakikipagusap ba ako sa patal at mangmang? Heto nga't sugat na'ng mga kamay sa kapitan lumuhod pa ang sigaw ng Dinakilang Hangal? Lumuhod ka! Ilang ulit pang sinugo ng tinig na hindi tanto ang poot sa anak na ang sungay tumubo hanggang likod. Lumuhod ka. Lumuhod ka.
0
May 19, 2023
May 19, 2023 at 11:53 AM UTC
Mga Tula at Sementeryo ng Isang Hangal
Naramdaman ko ang pakiramdam na hindi tayo nagauusap kaya't kahit ano pa ang mangyari wag na wag kang titigil sa pakikipagusap sakin. Ayoko na ito maranasan muli dahil mas masakit pa ito kaysa sa pagiging mag isa sa isang dagat ng tao, lahat nakikipagusap sa isa't-isa habang ika'y siksik na siksik na at sinusubukang huminga. Nakakalunod ka. At kung dumating man ang araw na sa sobrang galit mo saakin ay hindi na tayo maguusap, alalahanin mo na minahal kita higit pa sa inakala kong kayang mag mahal ang isang tao. Minahal kita parang sa pagmamahal ng tao sa hangin. Kinakailangan kita. Nguni't alam ko na mabubuhay ako sa isang mundo na payapa at matagal kahit na ika'y wala sa tabi ko, at pinagtatawanan ko ang mga magkasintahan na sinasabi sa isa't-isa na ikamamatay nila ang pagkahiwalay nilang dalawa; mga inutil. Alam kong mabubuhay ako nang hindi ka makakausap tuwing gabi't sinusubukan kong ilunod sa dagat ng muhika ang mga boses sa tenga ko. Alam kong mabubuhay ako na wala ka nguni't ayoko. Kaya't pagpasensyahan mo na kung hirap akong huminga kapag di kita kausap. Alam kong kat'hang isip lamang ang pagkawalan ko ng hininga nguni't sa isip at sa puso ko'y ito ay totoong totoo. mahal kita pagpasensyahan mo na.
0
Oct 6, 2015
Oct 6, 2015 at 10:24 AM UTC
Untitled
Ang pagtuyot ng dilang hindi makapagsabi ng ninanais Saradong bibig sa maghapon habang ang tulala nama'y mga mata Hawak ang hiram na pagasang kay nipis Walang nang gustong bumuhay sa natutulog na diwa Tahimik na nakikipagusap sa sarili Ngayon lang nagawa marahil sa reyalidad ay takot Magbulaybulay na walang kasama Taon ring iniwasan bago tinanggap ang tunay na sagot Siguro ay una pa lamang ay alam na talaga ang nilalaman ng puso Pinipilit lang sa pagtanggi at pagisip upang hindi magsisi at makasiguro
0
Jan 20, 2019
Jan 20, 2019 at 11:29 AM UTC
In denial