Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakatagpo" poems
Kapag yung ex mo nakipagbalikan sayo tatangggapin mo pa ba? Ako? oo. tanga lang eh noh? oh tapos tatawa tawa ka? Kung sabagay… Hindi kita masisissi. Hindi naman ikaw ang minsang lumigaya Sa ibabaw ng alapaap Sa yakap na mahigpit Sa kamay na minsang nakatagpo ng Palad Palad na handang dumamay Palad na handang umakay sa matarik na bundok Binuo ng mga daliring handang takpan Ang minsang mga matang walang humpay na lumuha sa pait na Dulot ng mapanghusgag tingin ng mundo hindi.. hindi kita masisisi dahil hindi naman ikaw nag nakadama ng matamis na lasa sa pagbigkas ng mga katagang ikaw.. ikaw lang.. ang mahal ko. Hindi. Hindi mo narinig ang bawat ngiting Ipininta ng bawat tawang ibingay Sa mga simpleng kantang inialay. hindi.. hindi mo nasaksihan nung araw na ipinaglaban nya ang pagmamahalang tanging mahalagang bagay na meron ako at sya noon. Hindi.. hindi mo naramdaman ang lambot ng kasiguraduhang Matutulog kang nakangiti dahil sya ang katabi mo At gigising kang may ngiti pa rin dahil panatag ka Panatag kang sa bisig nya parin nakahimlay. Hindi.. hind kita masisisi Dahil hindi mo ramdam Ang kirot na humiwa dito.. Nung araw na sinabi nyang “Ayokona” Ayokona? Walang eksplenasyon ni walang pasubali Nabura lahat! Natabunan ng mga tanong hanggang sa naging panghihinayang at poot at Sinabi kong tama na Tama ka nga siguro Ayaw mo na.. Lahat yan tinanggap ko, pilit ipinilit sa isipang Wala na. tapos na. ending na. Tapos Isang araw Bigla syang kumatok, sabi “sorry” Tanginamo. Para san pa? Ako pa rin daw.. ako parin daw. Kapag yung ex mo nakipagbalikan sayo tatanggapin mo pa ba? Ako? oo. pero di gaya ng dati hindi na ako tanga.
0
Mar 21, 2016
Mar 21, 2016 at 4:47 AM UTC
UTAK VS. PUSO

Continue reading...
60
Sumikat ang araw sa puso ko Tinangay ang mga ulap sa isipan Sa wakas may ngiti na sa mga labi ng umaga At ang gabi ay tumahan sa lilim ng iyong mga mata Ang kinang ng mga tala ay lumulutang sa ibabaw ng karagatan Habang ang oras ay naglalayag sa asul na kalawakan Mga salita kong binulong sa hangin Naging paru-paro sa iyong mga kamay Mga paa kong ligaw ay nakatagpo ng hiwaga sa mga yapak mo At sa himig ng mga iiwanang bakas ay mananatili tayo.
0
May 11, 2019
May 11, 2019 at 12:34 AM UTC
Sa araw ng tag-init
Minsan makakatagpo ka ng taong una pa lang click na kayo Yung trip mo trip din nya Kapag nagjoke ka ng corny tatawa pa din sya Yung tipong ang gaan lang 'pag kausap mo sya Ang sarap sa pakiramdam na di kailangang magpasikat o gumawa ng image na ipapattern mo sa magugustuhan nya Yung kung ano at sino ka, yun lang ang ipapakita Walang itatago kasi wala din namang huhusga Buti na lang pareho tayo ng dinaanan Nagkasabay sa pagtambay Sa mga simpleng kwentuhan alam ko nakatagpo ako sa iyo ng tunay na kaibigan.
0
Mar 21, 2019
Mar 21, 2019 at 9:47 PM UTC
Napadaan sa iisang tambayan
Katoto Sa simula lang ang kasiyahan, At nauwi lang ito sa hindi pagpapansinan, Ilangan, dedmahan, at walang kibuan, Tila ang magandang samahan ay ating nalimutan. Ang araw ay lumipas man, Nakatagpo tayo ng kanya-kanyang kaibigan, Ngunit ang koneksyon ng ating samahan, Ay laging gugunitain at babalikan. Sa t’wing nakikitang nag kukulitan, Alaala noon ay nababalikan, Kung hindi ko lang sana inamin, Ganon pa rin ang ating pagtingin. Anong dapat kong gawin?, Upang ito ay aking lisanin?, Ang tunay kong damdamin, Na para sa’yo na binalewala mo rin. -
0
Sep 21, 2018
Sep 21, 2018 at 1:43 PM UTC
Katoto
Ngayon nandito ka na, aking binabalikan ang nakaraan kung saan walang ikaw, walang tayo, at nawawala ako. Madilim na umaga na walang pinagkaiba sa gabing isinantabi para sa pagkatao kong tila nagluluksa, hindi malaman ano ang gagawin, hindi alam ano ang dahilan. Tahimik, at puno ng luha at hikbi ang apat na sulok ng aking kwarto saksi ang mga unan na nagsisilbing karamay tuwing aking isinisisi ang tadhana at sarili bakit ganto ang nangyayari sa aking buhay. Ngayon, nakatagpo ang sasalba sa aking nalukunod na diwa, nakakapagpasaya sa naguguluhan kong isipan, nakakapagpakalma ng aking kalooban. Nandyan ka na, nandito tayo, nandito na rin ako.
0
Aug 14, 2017
Aug 14, 2017 at 1:38 PM UTC
Noon at Ngayon
29 Sa paglisan ni Loria Sa tahanan ng amo niya 30 Iba’t ibang trabaho Pinasok ng babaeng ito 31 Subalit hindi naglaon Sa palasyo naparoon 32 Dahil malapit na ang kasalan Palasyo’y nagdagdag ng mga tauhan 33 Si Loria’y naatasan Sa serbisyo ng lutuan 34 Tatlong buwan bago ikasal Habang prinsipe’y nag-aalmusal 35 Kanilang namukhaan at nakilala Ang dating nakatagpo na. -06/17/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:51 PM UTC
Siboloria 5 -Ikalawang Pagtatagpo-