Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakasalamin" poems
#040816 Tulang nakatulala, Tulang lutang sa mga salita. Tulang may pag-aalinlangan, Tulang tumatawid sa kawalan. Sinubukan kong maghimay ng mga letra, Pero lahat sila'y mawawalan ng saysay. Hinabi ko ang bawat parirala, Pero may mga saknong na puno ng mga tanong. Umaatras abante ang mga kuwit at tuldok, Mga damdaming may padamdam, Mga nagugulat na pananda, Tila nakasalamin buhat sa panahon ng pagkatanda. Iluluto ko ang mga salitang walang tugma, Sa kalan at kawali nang walang sandok ng damdamin. Titikman ko ang sabaw na pag-ibig Na siya palang papaso sa dilang malambing. Poot kanyang madarama Sa mapait na tadhanang may konting kaanghangan. Isasantabi ko ang hinain, Saka na lang, pag malamig na ito Saka ko na lamang titikman. Nakakapaso kasi, hindi ko malasahan. Tulang kulang sa rekado, Tulang mangmang at kabado. Tulang maraming halo, Tulang sana'y hindi talo.
0
Apr 10, 2016
Apr 10, 2016 at 10:16 AM UTC
Tumula Nga Tayo
Pisnging mapula mapungay na mata ako’y masaya sa tuwing ika’y nakikita sabihin na nating ang ilong ko’y kawangis ng bawang ang amoy ko pang tikbalang at malaki ang aking baywang ang pagmamahal mo parin ay kahit kaila’y ‘di nagkulang Salamat sa pagtanggap sa’kin Kahit minsa’y medyo mahangin Kahit ngayo’y lagi nang nakasalamin Pinagtitiisan mo pa rin Sa kabila ng lahat ng kasalanan Ang pagpapatawad mo’y tila walang hanggan Kaya ngayong araw ng mga puso Sana’y iyong magustuhan Munting handog ng matabang batang matagal ka nang hinahangaan Nais ko sana’y ‘wag tayong mag away Para naman ang araw na ito’y maging matiwasay Mahal mo ata ako, at alam **** mahal rin kita Kaya hayaan **** ang tulang ito’y ika’y mapasaya
0
Dec 14, 2014
Dec 14, 2014 at 1:49 PM UTC
Untitled
"Isang stored card po." Sabay abot ng 100piso. Pinasok sa makina "toot". Bumaba sa hagdan. "Hay, nakakpagod." Nakita ang mahabang pila ng mga taong nagaantay. Napa-buntong hininga. 5...10...15minuto wala pa din. Ako'y lumingon sa kanan't kaliwa. Inobserbahan ang mga taong iritable na sa pagaantay. Sa kaliwa, nakita ko ang isang lalaki, Postura, nakasalamin at kagalang galang ang suot. Mukha nagtatrabaho sa isang malakingkumapanya at may mataas na posisyon. Abala sa pagtingin sa relos na rolex ang tatak. Ako'y napatanong sa sarili ko, "bakit niya mas piniling pumila dito kung saan malulukot ang suot na barong?" Sa kanan naman ay isang studyanteng binata, Naka-uniporme, maangas ang dating. May naksaksak na earphones sa magkabilang tenga at sumasabay ang indak ng mga paa. Nais ko sana makihati sa musikang kanya naririnig. Sa likod ko ay isang babae, Napapamura na sa inis. Mukhang malalate na sa opisina. Naka-make up at nakheels. Gusto ko siya bulangan, "Ate, kalma lang. Hindi mapapabilis ng pagmumura mo ang pagdating nian." At sa wakas dumating na, Ang hinihintay ng lahat. Inihanda ko na ang sarili, dahil sigurado ako ay maitutulak, masisiksik, matatapakan at masisiko sa loob ng train ng MRT.
0
Jun 13, 2015
Jun 13, 2015 at 1:08 PM UTC
MRT
Sa isang babaeng nakasalamin na may brace ang ngipin Pasensya na kung ako sayo'y May pagtingin At itoy hindi na lihim Pagkat ikay hanap hanap ka ng aking Paningin Simula ng una kitang napansin Pagkat ang ganda mo ay nag aagaw pansin Gusto sana kitang limutin Kaso sa Pusot isip ko ikaw parin Kaya pasensya na kung ako sayoy nagpapansin Hindi ko naman hiniling Na ikay maging akin At akoy iyong ibigin Ang sa akin lang gusto Ko lang maiparating itomg bugso ng damdamin.....
0
Jun 30, 2018
Jun 30, 2018 at 10:42 PM UTC
mariane