Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Poti Mercado Oct 2015
Sa unang limang segundo, berde.
Sabi mo mahal mo. Sige, andar.
Sa susunod na dalawang segundo, dilaw.
Magmabagal ka muna.
Pagisipan mo kung tutuloy ka pa.
Sa huling segundo, pula.
Tigil na.
Wala na.
Maghintay ka nalang.
Magiging berde rin ulit yan.
Wag ka na mag-beating-the-red-light.
Pagbabayarin ka pa ng pulis at sasabihin sa'yong, "Nakita mo namang dilaw na yung ilaw, 'di ba? Ba't tumuloy ka pa?"
At ikaw naman 'tong nagbubulag bulagang sasabihing, "Akala ko po aabot pa ako."
Akala mo lang.
Akala mo kakayanin mo pa siyang habulin pero hindi na pala.
Akala mo maaabutan mo pa siya pero nakalayo na siya.
Akala mo.
Akala mo lang.
Pero mali ang iyong akala.
Sana.
Sana pala huminto ka na.
Sana pala hindi mo na hinabol.
Sana pala noong una palang, inalam mo na.
Sana inalam mo na, na di ka na niya mahal.
Kaya nung naging berde na yung ilaw, umandar na siya.
Pero nung umapak ka na sa gas upang habulin siya,
naging dilaw na yung ilaw.
Sana doon palang, tumigil ka na.
Sana doon palang, nagdahan-dahan ka na.
Pula na 'yung ilaw.
Tigil na.
'Wag mo nang pilitin pang habulin siya.
Pero ito ang sinasabi ko sa'yo,
Sa pagkakataong ito'y maging berde na muli,
Wag **** hintaying maging pula ulit ito.
Ang mga busina ng kotse sa iyong likod ang nagsasabi sayo, "Umandar ka na. Berde na ang ilaw. Ano pa ba ang ginagawa mo?"
Umapak ka sa gas, hindi para sa kanya.
Pero para sa sarili mo.
Katryna Apr 2018
Nakita ulit kita,
sa minsan natin tinambayan.

Unang beses kitang nakasama sa pansamantalang paglayo natin sa kanila.

Unang beses kung saan nakalayo tayo at nagpakasaya.

Pansamantalang naiwan ang puso
Habang tinatanaw papalayo.

Ng bigla kong makilala,
alaala na lang pala ang kumaway saakin mula sa malayo.
On the spot while on the road.
Shynette Oct 2018
Pumapatak na naman ang ulan
Hindi ko alam kung hanggang kailan
Titigil ang malakas na pagbuhos nito
Dahil nais ko ng umalis, nais ko ng lumakad papalayo
Kaya sana huminto na ang ulan
Para ako na'y malayang lumisan
Ayoko ng manatili pa rito sa aking kinaroroonan
Dahil sa mga matang mapanghusga
Kaya sana nama'y huminto kana at makisama
Maglalakad lang ako palayo
Palayo kung saan malayo sa mga tao
Pangako pag ako na'y nakalayo
Hinding hindi ko na hihilingin pang ika'y huminto

— The End —