Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Karl Allen Jun 2016
And in the end, the love you take is the love you make.

-The Beatles

Isa ito sa mga argumentong dapat lamang pagtalunan.
Dahil hindi lahat ng pag-ibig na binibigay mo ay nasusuklian.
Masarap lamang itong pakinggan.

Noong inibig mo ako,
Hindi. Mas tamang sabihin na
noong naisip **** iniibig mo na ako,
Ay mas pinili **** huwag magbigay ng buo.
Hindi ko alam sa'yo pero ikaw na ang pinaka-duwag na taong nakilala ko.

Naaalala ko noon ang mga sugat at pilat na naiwan niyang nakatatak at nakakabit sa mga braso mo.
Nakikita ko ang mga bakas ng mga hampas nya sa mga balikat mo.
Bawat kagat at kalmot at gasgas na ibinigay n'ya sa'yo,
Sa mga pagkakataon na akala mo wala lang,
Naramdaman ko.
Pinaramdam mo silang lahat sa akin.

Anghirap palang pilitin na bumuo nang puso na ayaw magpabuo sa'yo.
Hindi ko din kasi alam dati na kailangan, ang kagustuhang maghilom,
Manggaling sa kanya mismo.

Pinilit kong pagtagpi-tagpiin ang mga piraso **** nakakalat sa sahig mula nang binitiwan ka n'ya.
Sinubukan kong gamutin ang lahat ng sakit na nagpapanatili sa iyong gising sa alas-tres ng umaga.
Pinili kong mahulog sa iyo kahit alam kong mas malabo pa sa tubig ng Ilog Pasig ang pag-asa
Na maisip **** sa iyo lang ako.
Iyong-iyo lang ako.

May mga pagkakataon na nakikita ng ibang tao ang mga pagbabago na akala nila ay ako ang dahilan pero ang hindi nila alam,
Sa dami at haba ng mga sakit na iyong naramdaman,
Natuto ka lamang na itago silang lahat sa loob mo.
Na sa kahit na anong oras, pwede silang lahat lumabas at lamunin na lang ako ng buo.
Oo.
Ako.
Dahil mas pinili kong lumapit sa'yo.
Iyong-iyo lang ako.

May mga pagkakataon na gusto kong isipin
Na ang bagong taginting ng mga tawa mo ay dahil sa akin.
Na ang mga panaginip mo kapag ikaw ay mahimbing, ako ang laman.
Na ang mga pangarap mo sa hinaharap ay ako ang hiling.
At ang bawat pulso mo ay para sa akin lamang.
Dahil sa iyo lang ako.
Iyong-iyo lang ako.

Pero hindi.
Dahil andami mo nang natutunang paraan para magtago.
Napakadami na ng mga pagkakataon na sinayang mo.

Ang akala mo, lahat ng pagkabigo mo sa pag-ibig dati
Ay natulungan kang maging mas malakas, mas matatag, mas matalino.
Pero hindi.
Dahil papasok sa isang bagong pag-ibig ay tinangay mo lahat ng galit.
Iniwan mo ang mga aral na natutunan mo maliban sa "Ang pag-ibig ay hindi dapat pagkatiwalaan."
Ang tanging bagay na hinahabol mo, na pinipilit **** makuha,
Na pinipilit mo dating kapitan kahit na wala na,
Ang bagay na akala mo ay lubos sa iyong magpapasaya,
Tinitignan mo na may pagdududa ang iyong mga mata.
At unti-unti kang nabulag.
At hindi mo nakita ang pagibig na nasa harap mo na.
Lumipad at nawala.

Hindi bulag ang pag-ibig.
Bulag ang mga taong pinipilit tumingin sa araw dahil gusto nilang makakita ng liwanag ngunit ayaw alisin ang kanilang mga de-kolor na antipara.

Wala kang natutunan sa nakaraan.
Hindi ka nga nasasaktan.
Hindi mo naman mahagilap ang tunay **** kaligayahan.
JOJO C PINCA Nov 2017
“I am not a teacher, but an awakener.”
― Robert Frost

May mga walang alam na nagpapanggap na may alam. Mga nagmamarunong na akala mo ay mga pantas pero ang totoo ay masahol pa sa tunay na mga mangmang. May mga nagsusulat pero hindi marunong magmulat, kahit bulatlatin mo ang kanilang mga aklat na hindi magluluwat wala kang mapupulot, wala itong alamat kundi puro lamat. Ganito sila ‘pag iyong sinalat walang k’wentang bumanat.

Ang mga panaginip ng isang paslit ay laging naghahanap ng katuparan tulad ito sa isang malawak na paliparan na ang mga tapakan ay tila walang hangganan. Ang banggaan ng mga saranggola guryon man o boka-boka ay sumasagisag sa sigla ng kamusmusan. Walang bobo, walang tanga at walang mahina ang totoo para-paraan lang para matuto ‘yan ang hindi alam ng mga ungas na nagtuturo.

Natatandaan ko madalas na pinapatayo ako sa harap ng pisara kasi maingay daw ako at malikot. Madalas din akong mapalo kasi mahina ang ulo ko pagdating sa Matematika. Bakit ano’ng kadakilaan ba ang meron sa pananahimik at kelan pa naging pang-aliw sa puso at kaluluwa ang mga numero? Walang lumiligaya sa pagmememorya at hindi nakaka-ulol ang pagiging malikot at maligaya.

**** ka ba talaga? Parang hindi naman, mas mukha kang tinderang tuliro na abala lagi sa pagbebenta ng yema, kendi at kung ano-anong sitsiriya. **** pangalawang magulang? Kaya pala mas mabagsik kapa sa tatay kong maton at mas masungit kapa sa nanay ko. Nagtuturo ka ba’ng talaga? Hindi naman, mas mahaba pa nga ang oras mo sa pakikipaghuntahan.

Ang **** ay hindi lamang dapat na nagtuturo s’ya ay tagapagmulat din. Isang John Keating (teacher sa pelikulang Dead Poet Society) ang kailangan ng mga bata sa mundo. Nagmumulat hindi nagmamalupit, hindi kailangan na manghagupit at walang dapat na ipilit. Ang eskwelahan ay hindi pugad ng mga pipit. Matalino, magaling at matalas mag-isip ayos lang yan. Subalit punong-puno na ang mundo ng mga matatalinong walang pakinabang.

Ang umibig at maging tunay na kapakipakinabang sa mundo at sa kapwa tao, ito ang dakilang aral na dapat na ipangaral. Walang silbi ang mga pagpapagal sa loob ng paaralan kung ang natutuhan mo lang ay kung paano kumita ng limpak-limpak na salapi. Kung ang alam mo lang sabihin ay Yes Sir at Yes Ma’am walang silbi ang iyong pinag-aralan. Nakakalat na sa lupa ang mga pipi na hindi marunong magsalita at magpahayag nang kanilang tunay na saloobin. **** na nagtuturo maliban sa hintuturo at nguso sana gamitin mo rin ang iyong puso.
inggo Feb 2016
Nais kong lumakad sa tabi ng dagat kasama ka
Babakas ang ating mga paa sa puting buhangin
Maaring masaktan ka dahil sa mga batong nakakalat
Huwag ka mag alala dahil sasabayan kita sa bawat sakit
Kahit gaano pa kahaba ang ating lalakarin
Kapag pagod ka na ay handa kitang pasanin
Dahil hindi tayo susuko sa mga hahadlang
Maging bagyo man ito o gutom at uhaw
Wala sa ating ang maiiwan
Sabay natin panunuorin ang pag sikat ng araw
Charm Yap Oct 2011
Dapat ba akong maghinala?
Kung noon malambing ka pero ngayon matamlay na?
Madalas magselos kahit wala pang ginagawa?
Pero nag-iba ihip ng hangin, bakit biglang nag-iba?

Dapat ba akong maghinala?
Kung ang mga bagay at gawain na ayaw mo noon
Ang siyang nais mo at pinag-uukulan ngayon ng panahon?

Dapat ba akong maghinala?
Ang mga personal **** bagay noon ay nakakalat lang
Ngayon naman, pinipilit itago kahit sa anong parte ng katawan.

Dapat ba akong maghinala?
Noon nagpapaalam pa kung sasama umalis ang barkada
Ngayon, nagsabi nga pero kung kailan wala ka ng magawa kasi paalis na.

Dapat ba akong maghinala?
Na ni minsan di mo ako pinakilala bilang karelasyon
Basta sinabi ang pangalan, tapos yun na yun.

Dapat ba akong maghinala?
Na ayaw **** ipaalam sa iba  na mayroon ka na
Tinanggal ang mga litrato, para di makita ng iba.

Dapat ba akong maghinala?
Na sa lahat ng nangyari, ikaw ang tama
Sasabihin lang na Mahala kita ..
Maririnig mo lang .. pag nalaman niyang... aalis ka na.
Meruem May 2019
Kalungkuta'y nakakalat na sa mapa,
At tiyak mas malalim pa sa sapa.
Kahit magdasal pa sa dalawang Allah,
Laging nakatatak itong mga alaala.

Hindi na makitaan ng ngiti
Kahit magsipilyo ng Hapee,
O kahit kulitin ng Shopee,
Kaligayaha'y tila hindi na maibahagi.
May 5, 2019 - 00:25

Maligayang kaarawan, Papa. Maligayang Pista, Sta. Monica. Ako, maligaya ba?
Enzo Sep 2017
Yung tipong malaswa na ating gagawin ng walang awa hangga't tayo'ng dalawa'y
magsawa

Halika't kumapit sa'king labi, pagkat pagod na ako'ng magtimpi.
Nagugutom na't nangangati.

Ayoko ng mag isip- gusto ko ng managinip habang nilalasap ang ihip na nanggagaling sa'yong maliit na bibig

Halika't lumapit at ika'y aking patitikimin ng pag-ibig na mararamdaman lamang sa pamamagitan ng pagkikiskisan ng ating mga balat, habang ang damit ay nakakalat sa sahig ay magyayakapan tayo sa ilalim ng mga kumot at unti-unting mawawala ang lamig sa paglaro ng ating mga bibig
.malaswa

— The End —