Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagsusumigaw" poems
Kling Klang....  Kling.. Klang.. Tunog ng kampana'y sumisigaw ng kagalakan, Amihan hanging sumisimbolo ng isang Banal na kaarawan. Saanman pumaroo't-pumarito'y puno ng kasiglahan; Mga hapag-kaina'y dinadagsa ng iba't-ibang kasaganaan, Mumunting kislap sa bawat bahay ay pawang madadaanan, At mga magigiliw na parol sa bawat poste'y isa-isang nagtitingkaran. Habang ang lahat ay masiglang nagkakantahan, Isang lalaki ang naglalakad sa makipot na eskinitang daanan, Maruming damit, gusgusing katawan, Balbasing mukhang mistulang mga puno sa isang mayabong na kabukiran. Pasuray-suray n'yang tinahak ang kadiliman, Dala ang isang boteng alak na kanyang nag-iisang kasamahan. Mga lasing na hakbang ay pilit binibitawan, Mumunting yapak patungong bahay na kubli sa kasayahan. Pagdating sa bukana, bote'y itinapon sa pintuan. Nagsusumigaw at pilit humihiyaw na siya'y agad na pagbuksan. Isang babaeng puno ng pasa't sugat ang kanyang naalinagan; Mayuming mukhang naging busangot ng dahil sa kahirapan. Ilang minuto pa'ng nakakaraan, Isang nakakakilabot na sigaw ang pumagitna sa masasayahang kantahan, Iyak na pilit tinatago, pinipigilan ngunit sa huli'y sumuko't mabilis na nagsilabasan. Ang katanungan, ano nga ba ang dahilan ng kasuklam-suklam na sigaw na nasaksihan? Mistulang iyak ng pagkahabag ng kalangitan Ang unti-unting nagsipatakan. Ulang nakisabay sa nakakakilabot na kalagayan - Binubugbog ng lalaki ang asawa; ang kanyang pinangakuan ng pag-iibigan, Isang taon pa lamang ang nakakaraan! Dugo'y nag-unahan sa pagpatak, Nagsimula sa kanyang kaibuturan binaybay hanggang sa kanyang talampakan. Babae'y nanghina't nagsumamo Na tigilan na ng kabiyak ang pambababoy dito at sa anghel sa tiyan nito. Ngunit ang tainga niya'y nagmistulang sungay; Walang bahid ng pag-aalinlangang pinagpatuloy ang maling labanan. Tengang-kawali't pinag-igihan pa'ng pagsipa't pagsuntok sa tinuturing n'yang kalaban. Dala ng matinding droga, ang haligi ng kabahayan ay naging sundalo't kaaway sa sarili niyang tahanan. Mistulang militar na naging ispeya't traydor sa dapat sana niyang pinagsisilbihang kaharian. Ilang araw pa'ng nakalipas, isang nakakabangungot na kaganapan, Ang naging usap-usapan sa pamayanan. Isang inang nilapastangan ang nakitang walang malay, duguan at butas ang sinapupunan. Sa gitna ng pighati't panlulumo, Ang kampana'y muling umiyak ng pakikiramay. Tunog ng madamdaming dalamhati. Musikang malumanay, .......dahan-dahang naghahatid sa inosenteng sumakabilang buhay. Kling Klang... Kling.. Klang..
0
Apr 30, 2015
Apr 30, 2015 at 10:57 AM UTC
Kampana

Continue reading...
46
Hindi na ako iibig sa isang bagay na mamamatay rin lang Hindi ko na ibibigay ang oras sa mga 'yong mapanlinlang! Tigilin mo na ang paglublob saakin sa mga panaginip ng magpakailanman Hindi totoo ang pag-ibig sa mamamatay rin lang At iiwan ang imortal kong pag-ibig na tiwangwang sa gilid ng daan Wala nang malay na siya ay tinalikuran ng isang bagay namamamatay rin lang At di kayang punan ang puso kong kulang kulang Nais kong umibig sa kalayaan Isang bagay na di ko mahahagkan ni mahahawakan Gusto kitang ibigin, o kalayaang mailap Sa buhay kong kay tagal di hinagap Isisigaw ang ngalan mo sa mga nais umapi sa 'yo At agawin ka man ng kahit kanino Hayaan mo't nandito akong mamamatay para sayo Dahil ikaw ng pinili kong ibigin Sa sibat o bala handa kang sagipin Ialay ang boses na para sayo lamang At walang ibang magkakamkam Ikaw lamang ang hindi mamamatay Na maski pagkaraan ng daan taong namatay Ay muli ring mabubuhay Kung mawala ka man saakin o aking giliw Di kailanman nila'y maitatago di ako bibitiw Ang pagkulong sayo sa mga kadena o sa likod ng rehas Ay kahangalan ng isang batang mapangahas O matatawag ko siya, mahal, na isang ungas Dahil nagsusumigaw ka kailan pa man Hindi ka nila maaagaw o kalayaan Sapat na ang nagdugong puso ko noon kay hustisyang binalatan ng buhay sa aking harapan Ubos ang laman, ginahasa't binayaran Ang nais ko lang naman ay 'wag siyang mamimili ng pagnanasaan Lumapit ako sa kanya ngunit anong maiaalay ng aking karukhaan? Di pa sapat ang aking kamalasan Binaligtad aking katotohanan Maging ang pagkapantay pantay Na siya rin mismo ang pumatay
0
Jul 8, 2016
Jul 8, 2016 at 11:22 AM UTC
Akala, Hayaan

36
Meron kang siya, meron pang isa Paano pa magkakasiya? Sa kwento ng buhay mo May linya ba ako? Nung mabasa ko ang isinulat mo Akala ang tinutukoy ay ako, Nawala ako sa isang sandali Isang sandaling nagbakasakali Hinigop ako ng mga salita Damdaming buhay lang sa mga letra Nagsusumigaw at nais kumawala Ngunit sa takot kumakalma Mga imaheng sa isip ko'y rumagasa Habang binabasa ang iyong tula Mga pagkakataong tumutugma Lumitaw sa aking alaala May kwento ang isinulat para sa nagsulat Meron din ang nagbasa sa nagpabasa Mga kwento na maaring makasugat Kung ang mga bida ay magkaiba Meron kang siya, meron pang isa Maari pa kayang sumama Sa kwento ng buhay mo Sana may kabanata - ang ikaw at ako
0
Mar 20, 2019
Mar 20, 2019 at 9:19 PM UTC
Tula para sa tula
tangan ang papel nagsusumigaw ang pluma sumisilab na damdamin nais kumawala magdamag na nilimi ideyang ibinubulong hinabi ng karunungan sagisag ng regalo ng Maykapal
0
Jul 30, 2016
Jul 30, 2016 at 1:31 AM UTC
Tula (Poem)
ikaw ang istoryang ayoko matapos. talatang ayaw ko tuldukan. mga pangungusap na walang hanggan. sa bawat taong nagsabi sa akin itigil na, ay ang puso kong nagsusumigaw na laban pa. lalaban pa ba? o bibitaw na? araw araw ko tinatanung ang sarili ko, sabay ang panalangin sa Diyos na bigyan ng sagot ang magulo kong isip at puso. . ilang tula pa ang akin dapat isulat, ilang salita pa kaya ang akin iaalay, hanggang sa mapagod ang pusong ito at tuluyan ka ng bitawan. pero sa ngayon, lalaban pa ako. lalaban pa ako habang ang puso ko'y ikaw pa ang sinisigaw at sana bago ako'y mapagod ay mahawakan mo ang kamay ko at sabihing ako din ay mahal mo.
0
Feb 3, 2020
Feb 3, 2020 at 7:57 AM UTC
Lalaban pa o Bibitaw na