Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nabingi" poems
Gusto kong tumula ng hindi patungkol sayo. Gusto ko namang aliwin ang makata na nasa loob ko. Dahil pagod na ako. Pagod na pagod na akong habulin ka gamit ang aking panulat at mga salita. Pagod na akong ipaunawa sayo kung ano nga ba ang kahulugan ng "Mahal kita" Mahal kita hindi dahil mahal mo ako. Na ang mahal kita ay hindi isang katanungan na dapat ay sinasagot. Na pag sinabi kong mahal kita, mahal kita at yun na yun. Kaya gusto ko munang bumalik sa umpisa. Kung saan, mahal ko lahat ng nasa paligid. Mahal ko ang mga ibon na nasa himpapawid. Mahal ko ang puno na nagbibigay sakin ng lilim. Mahal ko ang kalangitan at ang ganda nito ay sadyang kaibig-ibig. Dahil nung dumating ka, huminto ang pag ikot ng mundo ko. Ikaw ang sistemang kumain sa buong pagkatao ko. Binulag mo ako. Wala akong makita. Nabingi ako. Hindi ako makarinig. Akala ko tama lang ito, na ganito ang pakiramdam ng pag ibig. Nakakaadik. Nakakabaliw. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang isusulat ko. Tinuring kitang diyos. Sinamba at pinaubaya sayo lahat. Pero para sayo, hindi parin pala ito sapat. Iba pala ang ibig sabihin ng pagmamahal mo. Pahiram lang pala sakin lahat ng alaala mo. Mahal mo ako dahil ayaw mo ng maiwan Mahal mo ako sa kadahilang alam **** hindi kita sasaktan Mahal mo ako dahil alam **** ibibigay ko lahat sa iyo Na susungkitin ko ang mga tala sa kalangitan para magdulot ng ngiti sa labi mo Na isusulat kita ng tula kung saan ikaw ay isang perpektong nilalang -- Yun lang pala ang habol mo. Kaya hindi, ito na ang huli Ito na ang huling beses na mag aaksaya ako ng papel at tinta Ito na ang huling beses na magiging parte ka ng aking mundo ko -- at ng aking mga tula. Kaya paalam na sa iyo, aking Ginoo. Dahil aaliwin ko muna ang makatang nasa loob ko na pinatay mo.
0
Jul 15, 2016
Jul 15, 2016 at 1:31 PM UTC
Ang Huling tula na Isinulat Para Saiyo

Continue reading...
43
Nilisan kong hubad ang pinaglunuhan, Enero, Pebrero, Marso ng kabataan Lubi-lubi ang awit sa tiyang kumakalam balatkayong pinasikip ng mga agam-agam mga ala-alang pilit naglulungga, inipit na liham sa yungib ng pipíng isipan. Sa pagtalikód ko’y hiniwa ng balaraw ng panghihinayang ang banig na naidlip saglit sa magdamag na paglalamay banig na nilala ng mga dekada mula sa mga hibla ng pagsusumikap. Paalam, kaibigang nabingi sa tawag ng luho Walang alinlangang maririnig mo rin ang tibok at bulong ng puso Ninais ko sanang samahan mo ako at ating anihin ang mga uhay na mula sa binhing ipinunla sa mga alapaap. Ninais kong lasapin ang matamis na bunga, pinahinog ng tiyaga at patuloy na pag-asa. Subalit dagtang makapit, luhang mapait, kumikirot ang lupa sa patak ng namuong dugo ng bayaning nagbuwis ng sariling pagsuyo. Kikitlin ng Nobyembre ang bawat naiwang himaymay sa lamig ng yakap ng amihan - akala’y dakila ang dayuhang niyebe. Mamamaluktot muli sa maigsing kumot hanggang sa magising sa aguinaldo ng Disyembre at pagpasok na naman ng Bagong Taon walang kamatayang panahon aasa na naman sa **** na iba ang pangako at iba ang tugon sa dalangin at maraming tanong Ah sanga pala, Abril, Mayo, Hunyo noon.
0
Oct 1, 2018
Oct 1, 2018 at 1:31 AM UTC
Oktubre
Wala akong alam sa pag-ibig Ngunit nang ikaw ay nahagip Alam kong ikaw na 'king iniibig Binigyan **** katuparan ang panaginip Na dati'y tinatamasa lamang sa pag-idlip Wala 'kong alam sa pag-ibig Bawat hinagpis kong pinunasan ng 'yong palad Ang mga labi **** nagsilbing liwanag na hubad At kulay sa buhay kong mapanglaw Kaya nga sabi sa sarili, ikaw na nga, ikaw Wala 'kong alam sa pag-ibig Kaya hinayaan kong mabulag mga mata kong singkit Na ikaw lang ang tinatanaw, walang pakialam sa sakit Kahit pa nung araw na hindi ka na lumapit Mga taghoy ko'y pilit kong iniimpit Wala 'kong alam sa pag-ibig Kahit malabo na ang pag-iisip Pinilit kong takbuhin ang distansya natin Kahit alam kong walang makukuha ni silip Sa paghabol sa taong ayaw na sa'kin Wala 'kong alam sa pag-ibig Musmos pa nang ika'y humangos sa'kin Wala 'kong alam sa pag-ibig Dinamdam ko ang pagtulak mo sa'kin Wala 'kong alam sa pag-ibig Tinanggap ko lang mga salita **** hagupit Wala 'kong alam sa pag-ibig Tinalo ng luha ko ang ulan ng bagyong mabagsik Wala 'kong alam sa pag-ibig Noon ay akala ko ikaw na ang nangyari sa'king pinakamasakit Wala 'kong alam sa pag-ibig Pinanood lang kita sa pagtakbo mo Nabingi lang ako sa mga pangako mo Marami ring oras ang inaksaya ko sa'yo At mahaba-haba rin ang nasulat kong 'to Ngayong natuto na akong tumayo sa mga paa ko, Ang punto ko lang ay napakawalang hiya mo!
0
Feb 18, 2016
Feb 18, 2016 at 8:39 AM UTC
Wala Akong Alam sa Pag-ibig
Isang gabi nang pagmamahalan, Sa ating dalawa tila’y nanahan, Sa panahong nagawang tumahan, Baguhan sa mukha **** luhaan. Sa sayaw na ang awit ritmo ng mga puso, Sa ilalim ng buwan na walang pagsuko, Sayaw na walang halong pagsusumamo, Sayaw na tanging tayo ang nagpaamo. Ngunit mapagbiro ang tadhana, Sa panahong ika’y kapiling na, Isang sibat ang sa puso’y tumama, Agad-agad sa kawalan ay sumama. Hindi akalain na ito na nga ang huli, Munting sayaw na ‘di natin kakampi, Sa oras na tayo’y dapat nagtimpi, Tila ang tadhana’y sadyang nabingi.
0
Dec 21, 2016
Dec 21, 2016 at 3:15 AM UTC
Ang Huling Sayaw sa Ilalim ng Buwan.
Gusto kong tumula ng hindi patungkol sayo. Gusto ko namang aliwin ang makata na nasa loob ko. Dahil pagod na ako. Pagod na pagod na akong habulin ka gamit ang aking panulat at mga salita. Pagod na akong ipaunawa sayo kung ano nga ba ang kahulugan ng "Mahal kita" Mahal kita hindi dahil mahal mo ako. Na ang mahal kita ay hindi isang katanungan na dapat ay sinasagot. Na pag sinabi kong mahal kita, mahal kita at yun na yun. Kaya gusto ko munang bumalik sa umpisa. Kung saan, mahal ko lahat ng nasa paligid. Mahal ko ang mga ibon na nasa himpapawid. Mahal ko ang puno na nagbibigay sakin ng lilim. Mahal ko ang kalangitan at ang ganda nito ay sadyang kaibig-ibig. Dahil nung dumating ka, huminto ang pag ikot ng mundo ko. Ikaw ang sistemang kumain sa buong pagkatao ko. Binulag mo ako. Wala akong makita. Nabingi ako. Hindi ako makarinig. Akala ko tama lang ito, na ganito ang pakiramdam ng pag ibig. Nakakaadik. Nakakabaliw. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang isusulat ko. Tinuring kitang diyos. Sinamba at pinaubaya sayo lahat. Pero para sayo, hindi parin pala ito sapat. Iba pala ang ibig sabihin ng pagmamahal mo. Pahiram lang pala sakin lahat ng alaala mo. Mahal mo ako dahil ayaw mo ng maiwan Mahal mo ako sa kadahilang alam * hindi kita sasaktan Mahal mo ako dahil alam * ibibigay ko lahat sa iyo Na susungkitin ko ang mga tala sa kalangitan para magdulot ng ngiti sa labi mo Na isusulat kita ng tula kung saan ikaw ay isang perpektong nilalang -- Yun lang pala ang habol mo. Kaya hindi, ito na ang huli Ito na ang huling beses na mag aaksaya ako ng papel at tinta Ito na ang huling beses na magiging parte ka ng aking mundo ko -- at ng aking mga tula. Kaya paalam na sa iyo, Mahal Ko
0
Mar 22, 2021
Mar 22, 2021 at 8:27 AM UTC
Pagod Na Ako

42
Isa, dalawa, tatlo Pagbilang kong sampu, nakatago na kayo Apat, lima, anim, Magmadali, papatak na ang dilim Pito, walo, sa rimarim na ito sa’yo’y walang sasambot siyam, sampu pipindot na sila sa gatilyo Naaalala ko pa noong matiwasay pa ang lahat tahimik bukod sa sipol ng hangin na rinig na rinig walang ingay sa paligid puti ang sahig – linis hanggang gilid Naalala ko pa noon, walang pangambang tahi sa bawat isa sa t’wing pumapatak ang gabi Madilim ang lansangan, ngunit may liwanag ang daan Di mag-aalalang umuwi, ‘di magugulumihanan Naaalala ko pa nung una silang pumindot sa gatilyo Nayanig ang paligid, nagulo ang tahimik Tintado na ang sahig na dating puti ng dugo mula sa bago nilang kitil. Naalala ko pa noong nagpasabog sila ng bomba Nabingi ang lahat sa ingay na likha, mga tarantang mukha, mga takbong halos ikadapa mga matang labong labo na ng mga luha Naalala ko pa noong kinuha nila si itay lupa raw namin ay ayaw niyang ibigay pinuno ng latay, inuwing akay-akay - muntik na siyang mamatay - walang kamalay-malay na kami’y unti-unting pinapatay ni walang panahong makinig saming salaysay May dugo ang bigas na iginagatong ninyo May bakas ng dahas ang pagkaing hapag sa kainan ninyo Mga sigaw na busal ng kasadong gatilyo May namamatay na dito makinig naman kayo! Isa, dalawa, tatlo Pagbilang kong sampu, nakatago na kayo Apat, lima, anim, Magmadali, papatak na ang dilim Pito, walo, pipindot na sila sa gatilyo Siyam, sampu
0
Apr 8, 2017
Apr 8, 2017 at 12:31 PM UTC
Untitled
Kung pano tayo nahantong dito ay hindi ko alam. Sa kung paano natuwid ang paa at sa kung pano unti unting nalagot ang yong hininga. Hindi ko alam kung pano ko nakayang halikan ang iyong kamay habang ikaw ay nakaratay at walang malay. Hindi ko alam kung pano ko kinayang patigilin ang luhang umaagos sa mga mata habang pinapanood kang hirap na hirap huminga. Hindi ko alam kung ano ako ngayon habang pinagmamasdan ang pikit **** mga mata. Hindi ko alam pano ko tatanggaping ang aking nagsilbing ama ay wala na. Unti unting tumigil ang paggalaw ng paligid ko, sa loob ng apat na sulok ng silid mo, Unti unti akong nabingi sa mga hagulgol ng pamilyang nagmamahal sayo, Habang pinagmamasdan ko ang huling pagkumpas ng mga kamay mo, ang paputol putol **** paghinga, at ang unti unting paglabo ng yong mga mata. Hinahanap hanap nang tainga ko, ang patawag mo sa pangalan ko. Ang mga pagtatampo mo kapag hindi ako dumadaan sa bahay mo. Ang pagtawag mo ng madaling araw kapag kaarawan ko. Ang mga tugtog mo. Ang pagtawa mo sa mga jokes ko. Mamimiss ko ang mga yakap mo. Ikaw ang umakay sa musmos kong puso at nagpaliwanag kung ano ba ang buhay. Ikaw ang kakampi sa lahat ng bagay. Ikaw ang nagturo kung pano magbilang, at sumagot sa assignment kong 1 plus 1. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin, Na sa mga susunod na araw ika'y hindi ko na kapiling. Kaya kung saan ka man naroroon, ito sana ay baunin, Itay, mahal kita mula noon at sa habang panahon. Salanat sa mga alaala, bagamat may poot mas lamang naman ang galak, Bagamat ang iba ay lumuluha, mas madami pa rin ang tumatawa. Salamat itay, itay paalam na.
0
May 15, 2019
May 15, 2019 at 10:00 AM UTC
Itay

20