"nabalewala" poems
Nagmahal, nasaktan,, umunawa,
Nabalewala, napagod.
Ako ba ay dapat na mag saya dahil
mababawasan yung sakit na nararamdaman
ko? O dapat ba 'kong malungkot, mangulila
dahil lubusan kanang nagpakawala sa piling
ko?
Aug 5, 2016
Aug 5, 2016 at 7:47 AM UTC
Mahirap ibigay ang tiwala
Kung minsan na itong nabalewala
Oo, alam kong nasaktan ka niya
Pero tatandaan **** hindi ako siya
Dahil hindi ako tanga, at hindi uto-uto
Bata man ako'y alam ko ang totoo
Malambing sa salita, ngunit salamin ba sa gawa
Matamis ang galaw ngunit matalas ang dila
Takot at hiya, di mapagkakaila
At hindi masisi sa mga paniniwala
Pagkat ito ang nakagawian, mulat sa sakit
Kaya't malakas man sa labas ay mahina parin ang kapit
Saan makikinig, kanan o kaliwa?
Ubos na ang sarili, wala na sa diwa
Walang patunay na magaganap
Walang korteng tatanggap
Isa, dalawa, tatlo
Ako ba ang kinakatok mo?
Mga tanong na walang sagot
Sadyang daan lang ba at kalimot?
Oct 30, 2016
Oct 30, 2016 at 1:22 PM UTC
#012116 #Genesis
"Ikaw na siyang tagapangalaga ng mga tupa,
Habang ako'y hamak na ligaw lamang,
Sa lupaing yaong paraiso sa inyo.
At kagandahan mo'y
Siyang bukas kong may sigla."
"Ginoo, ako'y hanga sa iyo
Pagkat tupa ko'y iyong diniligan.
Ni hindi mo sinadyang ako ang unahin."
"Hayaan **** pagsilbihan kita,
Kahit pitong taon pa.
Giliw, ako'y maghihintay.
Mabilis lang ang araw
Sa pusong tunay na nagmamahal."
"Paumanhin, tila nabalewala ang iyong pagpapagal.
Kaya mo pa bang ako'y ipaglaban?
Kung hindi ma'y, sana'y sambitin mo
Nang maarok ko ang tugon mo."
"Sinta, ako ma'y subukin pa
Ng pitong taong muli.
Ipaglalaban pa rin kita,
Pagkat pag-ibig ko'y hindi limitado ng panahon."
"Salamat pagkat ikaw ang kabiyak,
Puso mo't lakas, tila'y napagod.
Hayaan **** ako mismo
Ang siyang magbigay kapahingahan."
Feb 17, 2016
Feb 17, 2016 at 9:34 PM UTC
" ang tagapaghain "
hinde mo na kailangang tumulay sa alambre
para lang matuto kang bumalanse
madalas nga mahalaga rin ang isang timbre
sa paraang hinde ka nito nilalanse!
kung ang iyong pagkainip ay di mo akalaing paghihintay sa wala
mas maige na rin kung minsan kesa naman walang hinihintay
*wag mabahala sa oras **** nabalewala, sa tulong ng bunganga*
mapapawi damdaming namimighati, sabay ng iyong pagkaway!
darating ang biyaya ng 'yong pinagpagalan
matapos sambitin ang anumang kahilingan
*sa malamyos **** pagsuyo, hindi na kailangan*
pagkat ako ay babalik, di man ako pangalanan!
Dec 24, 2015
Dec 24, 2015 at 2:25 PM UTC