Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"masungit" poems
Para sayo ito Bago matapos ang kaarawan ko Ikaw lang minahal ko ng todo todo Ikaw lang ang nagiisa sa puso ko Mahal kita kahit na sino ka pa Kahit masungit ang mga mata Kahit matalas pa ang iyong mga dila Kahit sinasabi kong ikaw ay mataba Hinding hindi ko malilimutan Mga masasayang ala ala na ating pinagsamahan Akala natin ay walang hanggan Ngunit ngayon ay nasaan? Huli na ang lahat para ikaw ay bawiin Ako ay hindi mo na mapapansin Pagkat sayo ay may iba ng umaangkin Ayoko ng umasa na babalik ka pa sakin Huwag **** kalimutan na nandito pa din ako Bilang kaibigan na dadamay sayo Sanay maging masaya ka sa susunod na kabanata Maraming salamat, mahal na mahal kita.
0
Jul 27, 2015
Jul 27, 2015 at 6:34 AM UTC
Bago matapos ang kaarawan ko
Pagbasa at Pagsulat Bata pa lamang ay lubos ng namulat. Ako’y walang ibang kakayahan bukod sa pagbasa at pagsulat, Ang aking marka sa agham at sipnayan ay maalat pa sa dagat, Ang guhit ko naman ay tila panggatong na kalat. Di ko naman ninais na ito lang ang kayang gawin. Madami din akong kakayahan na nais maangkin, Ngunit sa ibang bagay ay hindi naman nakikitaan ng galing. Sa sarili nagtataka na rin, bakit ba pagbasa at pagsulat lang ang kayang gawin? Naisip ko na maging mang-aawit, tinig ko naman ay pilit minsan ay pipit. Naisip ko na maging pulitiko, ngunit ayokong mabansagang mangungupit. Naisip kong maging **** kaya kong magturo ngunit, ako ay masungit. Naisip kong maging arkitekto ngunit, guhit ko naman ay walang kasing pangit. Sa kakulangan ko ng kakayahan sa madaming bagay, ay sa sarili ay nagtataka na. Siguro ako ay may isang malaking sumpa. Sumpa na sa akin ay nagbibigay ng makalangit na biyaya. Sapagkat sa pagbasa at pagsulat lamang ako lubos na lumiligaya.
0
May 24, 2019
May 24, 2019 at 1:19 AM UTC
Pagbasa at Pagsulat
“I am not a teacher, but an awakener.” ― Robert Frost May mga walang alam na nagpapanggap na may alam. Mga nagmamarunong na akala mo ay mga pantas pero ang totoo ay masahol pa sa tunay na mga mangmang. May mga nagsusulat pero hindi marunong magmulat, kahit bulatlatin mo ang kanilang mga aklat na hindi magluluwat wala kang mapupulot, wala itong alamat kundi puro lamat. Ganito sila ‘pag iyong sinalat walang k’wentang bumanat. Ang mga panaginip ng isang paslit ay laging naghahanap ng katuparan tulad ito sa isang malawak na paliparan na ang mga tapakan ay tila walang hangganan. Ang banggaan ng mga saranggola guryon man o boka-boka ay sumasagisag sa sigla ng kamusmusan. Walang bobo, walang tanga at walang mahina ang totoo para-paraan lang para matuto ‘yan ang hindi alam ng mga ungas na nagtuturo. Natatandaan ko madalas na pinapatayo ako sa harap ng pisara kasi maingay daw ako at malikot. Madalas din akong mapalo kasi mahina ang ulo ko pagdating sa Matematika. Bakit ano’ng kadakilaan ba ang meron sa pananahimik at kelan pa naging pang-aliw sa puso at kaluluwa ang mga numero? Walang lumiligaya sa pagmememorya at hindi nakaka-ulol ang pagiging malikot at maligaya. **** ka ba talaga? Parang hindi naman, mas mukha kang tinderang tuliro na abala lagi sa pagbebenta ng yema, kendi at kung ano-anong sitsiriya. **** pangalawang magulang? Kaya pala mas mabagsik kapa sa tatay kong maton at mas masungit kapa sa nanay ko. Nagtuturo ka ba’ng talaga? Hindi naman, mas mahaba pa nga ang oras mo sa pakikipaghuntahan. Ang **** ay hindi lamang dapat na nagtuturo s’ya ay tagapagmulat din. Isang John Keating (teacher sa pelikulang Dead Poet Society) ang kailangan ng mga bata sa mundo. Nagmumulat hindi nagmamalupit, hindi kailangan na manghagupit at walang dapat na ipilit. Ang eskwelahan ay hindi pugad ng mga pipit. Matalino, magaling at matalas mag-isip ayos lang yan. Subalit punong-puno na ang mundo ng mga matatalinong walang pakinabang. Ang umibig at maging tunay na kapakipakinabang sa mundo at sa kapwa tao, ito ang dakilang aral na dapat na ipangaral. Walang silbi ang mga pagpapagal sa loob ng paaralan kung ang natutuhan mo lang ay kung paano kumita ng limpak-limpak na salapi. Kung ang alam mo lang sabihin ay Yes Sir at Yes Ma’am walang silbi ang iyong pinag-aralan. Nakakalat na sa lupa ang mga pipi na hindi marunong magsalita at magpahayag nang kanilang tunay na saloobin. **** na nagtuturo maliban sa hintuturo at nguso sana gamitin mo rin ang iyong puso.
0
Nov 15, 2017
Nov 15, 2017 at 10:19 PM UTC
****

Continue reading...
8
Nakalimot ka siguro na masungit sa iyo ang tadhana Nang ikaw ay nagmahal sa isang tao at nagpahalaga Maikling ngiti lang ang kanya ngang hatid Ngunit habang buhay nasa iyong panlasa ang pait Tuwing iidlip siya ay na riyan Tuwing paggising siya ang hanap Maging sa panaginip ikaw ginagambala ng iyong maling desisyon Hanggang sa langit ang paghingi mo ng solusyon Ikaw lamang naman ay nakinig sa tibok ng damdamin Wala ka naman talagang sala sa harap ng iyong salamin Siya ay dala ng nanlamig na hangin Sa iyong paghinga iyo siyang nakuha Kalaunan tanging hindi umayon ay tadhana
0
Dec 24, 2018
Dec 24, 2018 at 8:47 AM UTC
Malambing na Kaibigang Tadhana
I loveyou Majal Ko Araw araw ikaw ang love ko Madalas man tayo ay puro tampuhan Mas madami padin ang ating lambingan Huwag ka ng masungit Kapag sa kwntuhan meron ako sinisingit Sorry naman kung wla tigil bibig ko Miss kita pg ganun.. ako b miss mo? Nasa ikalima n tayo kaya babati ako Happy monthsary sau gwapong majal ko mahal n mahal kita at mas tumtindi pa Payakap ng mahigpit with matching kiss pa
0
Jul 16, 2018
Jul 16, 2018 at 2:38 PM UTC
5th
parang ref sa bahay n'yo parang lego ng kapatid mo parang pustiso ng lola mo sa baso permanente hindi pwede galawin sa lugar baka bulyawan ni nanay o magtantrums si junie boy at atakihin pa ang lola mo mga bagay na permanente hindi pwede galawin parang tattoo ng tito **** adik parang tsokolate sa puting damit parang kilay ng teacher **** masungit permanente hindi pwede galawin parang ikaw sa puso ko parang imahe mo sa utak ko parang... parang... parang bawat permanente sa mundo na hindi mo na mababago parang ako para sayo at ikaw na hindi para sa akin permanente
0
Oct 15, 2018
Oct 15, 2018 at 5:41 AM UTC
permanente
What is it in you that makes me so vulnerable? What is it that you do that I can’t get enough of? What is it that you’ve said that makes me catch my breath every time? Masungit man ako, but still I have a heart, a heart that beats your name, a heart filled with love only for you. I barely say it, I often express it through pagsusungit because I cannot find the right words to say. To tell you HOW MUCH I love you for no words will ever be enough to express how I feel. I don’t know how to tell you that I fear of each day of having to be far away from you, that I dread the idea of the possibility of losing you to other women. And I am afraid of having to wake up tomorrow without you loving me, and me not loving you. I can’t stand those thoughts, but I shall admit that they linger inside of me because I love you this much that I am afraid of the many things that could happen out of this doom that our relationship is going through. I hope you understand these things I’ve been trying to conceal through my childish acts, sa pagsusungit ko, specifically. Hindi ko sinasadyang magsungit, I’m not aware of it sometimes, but whenever you confront me about it, that’s the only time I realize and ask myself why. I hope I gave you the answer, I hope this clears us out. I love you, if I am to be blamed for loving you, then I shall be guilty. If I am to be accused for the crime of loving you, then I shall face the sentence bestowed for me.
0
Oct 27, 2015
Oct 27, 2015 at 9:57 PM UTC
Pagsusungit