Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
pc Mar 2018
Kung sakaling pagbibigyan,
Ako ba'y iyong hahagkan
At hinding-hindi bibitiwan
Hanggang sa pagtila ng ulan?

Kung sakaling may pagkakataon,
Ang pag-ibig mo ba'y ipababaon
Tuwing lumalakad sa ambon
At pati narin sa habang panahon?

Kung sakaling itatadhana
Ng Makapangyarihang May-likha,
Ikaw ba'y hindi mag-aalintana
Na ako'y habangbuhay makasama?

At kung sakaling tayo'y hahadlangan,
Ako ba'y hinding-hindi mo iiwan,
Sasamahan mo ba ako sa digmaan
Upang tadhana'y ating labanan?
Ang hirap pala ipakita sa mundong ito kung ano at sino ka.
Ang hirap, kasi yung mga taong nakapaligid sa'yo akala nila perpekto ang tingin sa mga sarili nila.
Ang hirap ipakita ang totoong ikaw kasi takot ka nang hilain ka pababa gamit ang kanilang makapangyarihang salita.
Ang hirap ng ngumiti kung nakakapagod na.
Pero sa ngayon, isantabi ko muna ang takot at mga kahinaan dahil alam ko kaya ko pang lumaban sa mapanghusgang mundo na ating ginagalawan.
Ngayon ay Araw ni Santa Muerte, Diosa ng Kamatayan
Isang makapangyarihang nilalang na nakilala kamakailan
Siya’y pinaniniwalaan ng mga isinumpa
Sa iba siya’y demonyo, sa iba siya’y santa.

-11/01/2014
(Dumarao)
*My 4th Incubus Collection
My Poem No. 273

— The End —