Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
022524

Kalakip ng bawat “oo”
Ang mapapait na “hindi” ng Tadhana.
Kung sa’yong palad ko ikakahon ang sarili’y
Mauubos ako sa sarili kong lakas
Habang sumusuntok ako sa buwan.

Mananatili akong aliping
Nakagapos sa sarılı kong mga pangarap
At marahil ito ang maging mista
Ng tuluyan kong pagkabulag
Pagkat sarili ang aking naging Lupang Hinirang.

Ni hindi masasaklawan ninuman
Ang bawat sumisirit na imahe sa aking balintataw.
At walang sinuman ang makapag-papahele
Sa akin hanggang makaidlip
Pagkat iba ang ritmo ng Pagsintang aking kinapapanabikan.

Kung sarili ang magiging lason
Ng aking pagkalimot sa aking unang sinumpaan…
Ay mas nais ko nang tuldukan
Ang bawat silakbo ng damdaming
Hanggang lupa lamang ang kasarinlan.
Daniella Torino Sep 2024
walang tigil na naman sa pagluha ang langit.
hampas ng hangin
ay tila galit na matagal nang itinimpi,
at ang mga paghikbi nitong ihip
ay hindi maikubli.

at gaya ng mga nagdaang araw,
itong sandali ay wala rin namang pinagkaiba;
pasan-pasan ang mga bigatin
at lumbay ay kapiling
hanggang sa makaidlip.

kailan kaya magigising na hindi na hapô
mula sa pagtakas sa masamang panaginip?

— The End —