Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Marge Redelicia Jul 2015
naririnig mo ba?
ang bell ni manong na nagtitinda ng ice cream.
ang mga huni ng iba't ibang klase ng ibon.
ang mga harurot ng mga ikot jeep.
naririnig mo ba?
ang mga tawanan ng mga magkakaibigan
mga kuwentuhan, mga tanong at makabuluhang talakayan.
naririnig mo ba?
ang mga lapis at bolpen ng mga estudyante
na kumakayod sa mga papel:
husay
sa bawat ukit.
naririnig mo ba?
ang mga yapak ng mga iba't ibang klase ng Pilipino at talino
sa kalyeng binudburan ng mga dahong acacia
dangal
sa bawat apak at kumpas ng kamay,
sa bawat hinga.

naririnig mo ba?
ang mga salitang mapanlinlang, mapang-alipusta
ang mga sigaw sa sakit,
hiyaw sa hapdi, dahil sa
mga hampas at palo
ang mga tama ng mga kamao
naririnig mo ba?
ang mga iyak
ang mga hikbi ng mga kaibigan
para sa mga kapatid nilang nasaktan.
ang mga hagulgol ng mga magulang
na nawalan ng anak:
mga puso, mga pamilyang
hindi na buo.
wasak,
nasira na.

naririnig mo ba?
ang mga boses na nananawagan na
"tama na"
"utang na loob, itigil niyo na"
kasi
hanggang kailan pa
tutugtog ang ng paulit-ulit-ulit
ang sirang plaka ng karahasan
na patuloy na naririnig sa panahong ito
mula pa sa mga nagdaang dekada?

nakakalungkot, hindi, nakakasuklam
ang mga mapaminsalang kaganapan na nangyayari
sa ating mahal na pamantasan.
ang tawag sa atin ay mga
iskolar ng bayan,
para sa
bayan
pero paano tayo mabubuhay nang para sa iba
kung paminsan hindi nga makita ang
pagmamahal at respeto sa atin mismo,
mga kapwang magkaeskwela.

hahayaan na lang ba natin ang ating mga sarili
na magpadala sa indak ng
karumaldumal na kanta ng kalupitan?
hahayaan na lang ba ang mga isipan na matulog.
hahayaan na lang ba ang mga puso na magmanhid.
kailan pa?
tama na!
nabibingi na ang ating mga tenga.
nandiri. nagsasawa.
oras na para itigil ang pagtugtog ng mga nota.
oras na para tapusin ang karahasan.
oras na para talunin ang apatya at walang pagkabahala.
oras na para sa hustisya.
oras na para sa ating lahat,
estudyante man o hindi, may organisasyon man o wala
na tumayo, makilahok at umaksyon
para pahilumin ang sakit,
para itama ang mali.
oras na para sindihan ang liwanag dito sa diliman.
oras na para mabuhay ang pag-asa ng bayan.
a spoken word poem against fraternity-related violence
JOJO C PINCA Nov 2017
Ang makamtan ang maliliit subalit makabuluhang layunin sa loob ng maiksing panahon. Sa maiksing panahon lang, ‘hwag mo’ng sakupin ang lima hanggang sampung taon na paparating pa lang. Ituon mo sa ngayon at sa mga darating na araw o buwan ang pagkamit sa iyong mga layunin. Hindi totoo ang long term plan, tangina baka nga hindi mo na ito ‘datnan kaya hindi mo ito dapat na saklawan. Ang tagumpay ay hindi sinusukat sa haba ng paghahanda para ito makamit, ang totoong tagumpay ay dapat na lasapin sa bawat sandali, minuto, oras at araw ng buhay mo. Oo, ganun lang dapat, kasi maiksi lang ang buhay baka sa sobrang abala mo para paghandaan ito ay makalimutan mo ang maging maligaya.

Ito ang pinaka malaking trahedya ang kalimutan ang kasalukuyan para lang paghandaan nang todo-todo ang bukas na iyong hinihintay. Ok lang na mangarap, na magsumikap at pangarapin ang magandang bukas subalit hindi mo dapat na ipagpalit kung ano man ang kaligayahan na meron ka ngayon para lang dito. Enjoy your life today while preparing for the future ika nga. Kung bata ka maglaro ka, sige lang makipaghabulan ka sa mga tutubi o di kaya ay  magtampisaw sa ulan. Kung binata ka sige lang manligaw ka at makipagkaibigan mag-invest ka sa pakikisama at matutong makipagkapwa tao. Kung nagtratrabaho kana gawin mo nang may pagibig ang ano mang giangawa mo, ‘wag lang nang dahil sa pera.

Maging bubuyog ka na laging handang sumimsim ng bango ng mga bulaklak. Gayahin mo ang ibon na laging umaawit at lumilipad. Umawit ka at tumula kahit walang tagahanga. Ipagdiwang mo ang bawat ngayon. Ang maiksi subalit makabuluhan na panahon ito ang mga ginintuang sandali na hindi mo dapat na ipagpalit, hawakan mo ito nang hindi mawaglit.
Ang dakilang pangako… napanindigan ko po
Ang lubusang tukso… nalagpasan ko po
Ang sukdulang sakripisyo… nagampanan ko po
Ang nakatutulirong laro… natapos ko po
Ang minimithing pagbabago… nasimulan ko po
Ang makabuluhang pakikitungo… ipinagpapatuloy ko po

Kaya ako po’y nagsusumamo…
Ihandog Niyo po Tagumpay sa Philippine Lotto!

-06/07/2015
(Dumarao)
*My Prayer Poems for Ultimate Victory Collection
My Poem No. 367
Ferllen Dungo Feb 2021
Igorot Lovers. (lifetime)

May mga letrang mahirap ilapat sa mga salita,
Mga pariralang mahirap ikabit sa pangungusap
Mga tugmang mahirap ipasok sa taludtod
At mga taludtod na mahirap buuin sa isang saknong.

Mga pangungusap na mahirap ilapat sa talata.
At mga talatang mahirap gawing kwento.
Mga awit wala sa tono at ritmo
Indak na wala sa tyempo
Parang mga tanong na walang saktong sagot.

Makakaramdam ka ng kung anong di mo maipaliwanag, mahiwaga.
Dahil ang totoong makabuluhang bagay sa mundo at hindi makikita
Hindi mailalarawan ng mga salita
Hindi maarok ng malalim na kahulugan ng tula
Hindi maipaliliwanag ng mahahabang talata.


Pagmamahal. ❤️
Jun Lit May 2019
[Para kay Emerson David V. Jacinto, February 16, 1962 - May 02, 2011)

Mula paglilihi sa ningas ng ilawang gasera
sa sulok ng angking dunong, kaisipa’y namunga,
hanggang sa pagluwal, kasaliw ang palakpak ng sigla,
ulilang panaghoy at sigaw ng malayong pag-asa
- sa panawaga’t tinig ng Inang Bayan, tumugon ka.

Kusang-loob, inihandog, buhay at panahon
Walang alinlangan, payak na pamumuhay ay tugon
Sa lamig ng gabing kamao’y nagkuyom
Kumot mo’y pusong malasakit ang nilikom
- Unan ay konsyensyang malinis at tapat sa layon.

Mapait na dagta ang sa damdami’y nanalaytay
tila ipinahid ng mahabang paghihintay
sa mayamang dibdib ng ating kinagisnang Inay
- ang Inang Kalikasan. Doon ka humimlay,
- Makabuluhang buhay ang iyong tagumpay
Euphrosyne Feb 2020
Muling nawala ang aking inspirasyon
Para gumawa muli ng mga
Makabuluhang tula
Na minsan lamang lumabas sa aking mga bibig

Mga nasayang na memorya
Hanggang tala isipan nalamang
Masakit, nakakasulasok para bang sinasakal
Sinasakal ng kahapon kung anong ginawa ko sa kahapon

Ano bang ginawa mo
At bakit ako nahulog sayo
Nahulog sa walang kasiguraduhan
Ngunit itinuloy ko parin

Napaka tanga ko sa oras na iyon
Ngunit wala akong pinagsisihan
Dahil lahat ng ito'y totoo
Kahit muka akong tarantado

Handa akong iwan mo ako
Dahil una palang sinugal ko na sarili ko
At alam ko una palang talo na agad ako
Ano ba naman laban ko sa ibang balato
Kung sarili ko pantalo

At dahil sa mga desisyon kong akala

Muling nawala ang aking inspirasyon
Para gumawa ng tula
Tulang makabuluhan
Na minsan lamang lumabas sa aking mga bibig

— The End —