Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Maxwell Jul 2015
Ngayong nagdaan na ang isang linggong malamig at maulan,
Nagpakita na ang araw, mainit at maliwanag.
Alam kong dapat masaya ako pero
Paano ako sasaya kung ikaw lang lagi ang naaalala ko?

Naiinis ako sa araw, pinapaalala niya ang mga nagdaang linggo,
Mga linggong magkausap tayo tungkol sa kahit ano.
Mga linggong nakakapagod pero napapawi mo.
Mga linggong wala akong maisagot sa papel ko
Pero bigla ka nalang papasok sa isip ko,
Kasama ng mga sagot na hinahanap ko.

Ngunit ngayon, naiisip ko, ano nga ba ang pinagkaiba?
Kahit noong tag-ulan, naaalala pa rin kita.
Naaalala ko kung paano kita sinasabihang mag-iingat ka
At kung paano kita pinaiyak dahil sa isang sala.
Naaalala ko rin kung paano mo ako iniwan
At kung paano kita hinayaan.

Kaya ngayong wala ka na, wala akong magawa
Kundi mainis sa lahat ng bagay na nagpapaalala
Hindi sa'yo, kundi sa aking mga nagawa
Para umalis ka at iwanan mo akong mag-isa.
Masakit mawalan ng kaibigan.
kahel Jan 2017
Ganyan lang ginagawa ko sa tuwing ika'y dadaan sa aking harapan
Para ang galabog sa aking dibdib ay mabilis na mapagtakpan
Dahil ito lang ang alam kong posibleng paraan
Upang ang tibok ng aking puso ay mapadahan-dahan
Na tanging sayo lamang ilalaan

Ganyan lang iniisip ko sa tuwing wala ng maisagot sa exam
Tipong pati pag gamit ng tandang padamdam ay hindi ko na din alam
Kung sa pangungusap ba dapat ilagay o sa sariling nararamdaman
Bakit bigla ka na lang nagpaalam ng walang paalam
Kaya patuloy ang aking walang katapusang pag-aagam-agam

Ganyan lang inaarte ko sa tuwing hinihintay ang napakatagal na order sa kainan
Di sapat ang halaga ng lasa pero lulunukin na lang ng walang angal dahil di pa nagtatanghalian
Para naman kahit papaano ay magkalaman ang aking tiyan bukod sa mga paru-paro na iyong dahilan
Bakit ko nga ba binabalik-balikan ang mga inihain **** iba't ibang ilusyon at kasinungalingan
Na hanggang ngayon ay naniniwala pa rin, at patuloy na maniniwala na ikaw at ako ay walang hangganan

Ganyan lang ang sinabi ko sa sarili ko ng makita kang may kasamang iba
Nalunod ka lang pala kaya ginawa mo akong salbabida
Pero bakit di ko mabago ang daloy ng kwento na ikaw pa rin ang aking pinakamagandang bida
Hindi ko makakalimutan ang huling gabi na tayo ay pinagsama ng tadhana
Nasa ilalim ng mga maliliwanag na tala at sinusulit ang huling sulyap sa iyong mga mata

Yan lang ang alam kong pwedeng gawin sa mga ganitong sitwasyon, ang maging cool.
Na hindi kailangan sa bawat eksena na mangyayari, ay may gawin na aksyon
Hinayaan panoorin ang kagandahan ng pag-guho ng ating mga mundo
Dahil hindi na maaaring sagipin ang pag-asa, magmukmok man o humagulgol mag-hapon
Lalo na't sa panahong kulang ako, naging kulang tayo; sayo.
jia Jul 2018
sa gitna ng aking imahinasyon,
natagpuan ko ang aking sarili
na kasama't ika'y kayakap
sa isang estasyon.

sigaw ng drayber ang tanging ingay.
ngunit nakasentro ang aking tainga
sa'yong mga sinasabi.
minasdan kita habang sinasabing saki'y ayaw mo mawalay.

ngiti lang ang tanging maisagot ko
sa bawat salitang sinasambit mo.
pero naalala ko nga pala,
tanging imahinasyon lang pala ito.
JK Cabresos Sep 2014
Di naman sa tamad,
di naman sa lahat,
meron lang talagang subject
na di ko magets.
Nakaka-sad.

Merong subject
na ang sarap tulugan,
yung parang na-overdose ka
sa paglaklak ng sleeping pills.

Meron ding subject
na kung iisipin,
di naman magagamit
sa tunay na buhay.
Pwera na lang sa
"Can you replace my X
without asking Y?"

Merong din yung subject
na terror ang teacher,
kapag naleleksyon,
isang balde ang pawis mo
dahil baka ikaw ang mapagtripan niya,
tapos wala kang maisagot.

Merong din subject na madali lang,
yung akala mo pasado ka na,
pero mali ka!
Dahil pagdating ng exam,
ang hirap ng mga tanong.
Yung feeling mo,
di naman nabanggit sa klase,
kaya ayon! GG!

Pero kahit ano pang reklamo natin,
wala tayong magagawa.
Dapat pag-aralan para di magkaalanganin
sa katapusan ng sem.
Dahil kung di bagsak ang grade mo,
baka DRP o INC naman. Naku po!
AndIFell Oct 2016
Tantanan mo ko
Hindi ako nagbabanta upang takutin ka
Hindi nga ako nagbabanta e

Tigilan mo ko
Kasi sa bawat tawag mo
Nanlulumo ako
Sa bawat hiling mo
Sa mga bagay na wala naman ako
Mas nararamdaman ko
Na may kulang
Na may mga bagay na wala talaga sa akin kahit anong hanap ko

Alam kong trabaho mo yan
Pero please
Matuto ka namang makinig
Kasi sinubukan naman kitang pakinggan
Wala lang talaga akong maisagot
Nagbayad na nga. Nagbayad na . Nagbayad na.

— The End —