Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magmukmok" poems
Ganyan lang ginagawa ko sa tuwing ika'y dadaan sa aking harapan Para ang galabog sa aking dibdib ay mabilis na mapagtakpan Dahil ito lang ang alam kong posibleng paraan Upang ang tibok ng aking puso ay mapadahan-dahan Na tanging sayo lamang ilalaan Ganyan lang iniisip ko sa tuwing wala ng maisagot sa exam Tipong pati pag gamit ng tandang padamdam ay hindi ko na din alam Kung sa pangungusap ba dapat ilagay o sa sariling nararamdaman Bakit bigla ka na lang nagpaalam ng walang paalam Kaya patuloy ang aking walang katapusang pag-aagam-agam Ganyan lang inaarte ko sa tuwing hinihintay ang napakatagal na order sa kainan Di sapat ang halaga ng lasa pero lulunukin na lang ng walang angal dahil di pa nagtatanghalian Para naman kahit papaano ay magkalaman ang aking tiyan bukod sa mga paru-paro na iyong dahilan Bakit ko nga ba binabalik-balikan ang mga inihain **** iba't ibang ilusyon at kasinungalingan Na hanggang ngayon ay naniniwala pa rin, at patuloy na maniniwala na ikaw at ako ay walang hangganan Ganyan lang ang sinabi ko sa sarili ko ng makita kang may kasamang iba Nalunod ka lang pala kaya ginawa mo akong salbabida Pero bakit di ko mabago ang daloy ng kwento na ikaw pa rin ang aking pinakamagandang bida Hindi ko makakalimutan ang huling gabi na tayo ay pinagsama ng tadhana Nasa ilalim ng mga maliliwanag na tala at sinusulit ang huling sulyap sa iyong mga mata Yan lang ang alam kong pwedeng gawin sa mga ganitong sitwasyon, ang maging cool. Na hindi kailangan sa bawat eksena na mangyayari, ay may gawin na aksyon Hinayaan panoorin ang kagandahan ng pag-guho ng ating mga mundo Dahil hindi na maaaring sagipin ang pag-asa, magmukmok man o humagulgol mag-hapon Lalo na't sa panahong kulang ako, naging kulang tayo; sayo.
0
Jan 5, 2017
Jan 5, 2017 at 10:05 PM UTC
Cool lang ako.

Continue reading...
25
‘Heto na naman tayo’t nagbabangayan Parating nagtatapat na magkabilang panig Sinusubukang amuhin ang galit na nadarama Pinipilit ayusin ang matagal nang nasira Nandiyan ka na naman sa iyong sulok Hindi mapigilang umiyak at magmukmok Ako nama’y nandito sa kabilang dako Pinupulot ang mga bubog na iyong binato Ang mga sugat na matagal nang naghilom Muli na namang binuksan ng mga sakit ng kahapon Bakit pa ba natin binabalikan ang nakaraan? Ang gusto ko lang naman ay ang ‘tayo’ ng kasalukuyan Ngunit sa bawat titig na iyong binibitawan Para bang ramdam mo pa rin ang sakit na ako ang pinagmulan? Ano pa ba ang dapat kong gawin? Para tuluyan mo na akong patawarin? Isang patawad na paulit-ulit na lang sinasambit Isang patawad na matagal na dapat pumawi ng galit Ngunit sadyang ganon yata talaga ang tindi ng sakit Kung kaya’t ang pagsusumamo ay dadahan-dahanin at ‘di na ipipilit Mula sa nakalalasong relasyon ika’y aking pinalalaya Sige na’t humayo ka, bumangon at humanap ng ikasasaya Mahirap para sa akin na ika’y bitiwan na parang wala Ngunit ito’y ginawa dahil kahit ganon ay mahal pa rin kita Isang rason lang ang aking sasabihin Isang rason na sana’y di mo limutin Sa pagdating ng tamang oras sana ako’y maalala mo rin At ang pag-ibig na pinanghahawakan ang maging tulay para ika’y bumalik sa akin
0
Sep 2, 2017
Sep 2, 2017 at 9:08 AM UTC
Rason
May mga tanong sa aking isipan na hanggang ngayo'y wala pa ding kasagutan. May mga kasinungalingang hindi pa din natutuldukan. May mga katotohanang masakit malaman. Kaya mananatiling tahimik Tikom ang bibig Unti unting naiipon ang poot sa aking puso. Na para bang hindi na ito marunong pang tumibok. Na para bang nabalutan ng tinik Dahil sa paulit ulit na pananakit. Naguunahan ang mga luha ko sa pagpatak. Nakisabay pa ang mga ulap Kumulog at kumidlat Mga mata ko'y pagod na muling dumilat Pamilyar sa akin ang gabing ito Marahil, nakagawian ko na Ang umiyak gabi gabi Magkulong, magmukmok Hanggang sa abutan ako ng antok. May mga gabing ayoko ng mag umaga May mga umaga na gusto ko ng mag gabi May mga araw na gusto kong umulan Lahat nangyayari sa hindi ko inaasahan.
0
Dec 15, 2019
Dec 15, 2019 at 6:50 AM UTC
Hinagpis