Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jun Lit Aug 2017
isang buhay
labimpitong taon
dalawang magulang
tatlong bala,
maraming pangarap,

Apat na taga-tarato, negosyador:

Magkano?
Bagsak-presyo!
Mamilì kayo –
Ibebenta nyo?
o . . .

Buy One – Take All!
          karakter
                    dangal
                              kalayaa­n . . .
Translated into English as "What's the Price of One Life?"
Daniel Dec 2017
Gusto ko ng panibagong balat.
Iyong maputi at makinis.
Mala porselana,
Na halos kuminang tuwing masisinagan ng araw.
Kabisado ko ang bilang ng araw,
Na ginugugol sa ilalim ng araw kakabanat.

Ngunit,
Ang panibagong balat,
Hindi nito ako kayang protektahan, alam ko.
Lilimitahan lamang nito ang mga nalalaman ko.
Ngunit,
Sa panibagong balat, nais ko magsimula.
Kilalanin at kalimutan ng halos magkasabay,
Ang imahe ng nakakadiri kong balat.

Bilang ang peklat.
Sukat ko kung gaano kalalim ito,
Noong sugat pa lamang.
Kaya ko gusto ng bagong balat para pagtakpan ito.
Baka sakaling iwasto ng bago kong balat,
Ang mga naimali ko.

Makikilala kaya ako ng ibang tao,
Sa bagong balat na suot ko?

Marahil hindi,
sana hindi,
panigurado hindi.

Nais kong magtago,
Sa paraan kung paano ako lulutang ng hubo't hubad.
Nang hindi ko na itatakip,
Ang aking palad sa aking dibdib,
Dahon sa ibaba ng puson.

Isisigaw ko ang salitang "PUTA!" ng napakalakas,
Halos magsisilabas
Ang mga putang mismong makakarinig,
At yayakapin ko sila.

Dahil bago ang balat ko, ito'y mainit.
Kumpara sa nahamugan kong balat kagabi.
Malinis,
Kumpara sa balat kong may dampi ng mabahong laway.
Mabango,
Kumpara sa mumurahing aficionado na nahaluan
Ng pawis ni Ricardo kagabi.

Bagong balat.
Ibebenta ko ang luma kong balat,
Sa gabing ito.
Bilhin mo ang aking balat.

May panibago bukas,
Pag-asa, hamon,
Mantikilya sa loob ng pandesal.

Gamit ang luma kong balat,
Makakabili pa ba ako ng bago?

Magkaiba ang bagong uri sa bagong palit.
Ang balat ko, nalaspag na.
Tulad ng puti kong damit,
Hindi na ito puti.

Marumi ang titig ko.
Marumihin ang aking naisuot.
Ang balat ko ay puno ng mantsa,
Ngunit bago ang aking suot ngayon, bagamat,
Iisa parin ng uri.

Balat na nakalaan para ulitin ang pagrumi at
Yurak sa puti kong suot.
Bagong balat, kulay puti.
Wala na akong maisuot.

Hubad na ang aking puri.
Hindi ko masuot ang salapi.
Magkano pera mo? Tara?
Nais mo bang makita ang aking balat?
Itong tulang ito ay patungkol sa prostitusyon. / This poem tackles prostitution.
Katarungan nasa'n? Inapakan, dinuraan
Ng mga taong niluklok para paglingkuran
'Tong bayan nating lubog, at dugoan
Magkano? Sanlibong baryang dinumihan

Libong buhay ang tinapos, musmos, at mga naghihikahos
Mga nanay na nawalan ng anak, mga batang di pa tapos
Droga? Talaga ba? Ang sabi mo ay kayang-kaya?
Tatay Digs, pano na? Bat biglang 'di pala kaya?

Sanlibong tanong sa bawat buhay na binawi
Diyos-diyosang maitim ang budhi
Bata, matanda, babae, estudyante
Nanlaban daw, kaya niyaring nakatali

Bayan kong minamahal, dito na lamang ba?
Naka duct tape ang mukha ni inang hustisya
May dyaryo, at may nakapaskil na larawang
'WALANG HUSTISYA, WAG TULARAN'
Redaviel Oct 2020
Dalhin mo ako sa lugar na alam natin
Alam ko naman na ikaw ay tapat at totoo
Magkano ba ang pagsang-ayon mo sa akin?
Kahit kulang ang sukli, babayaran ng buo
Hindi pansin ang pag-andar at oras sa biyahe
Sanay naman ako na sumakay at umabante
Ang balat ay basa sa pawis at masarap na init
Sa ingay galing sa iyo, katahimikan ay napunit
Tulad ng mabagal na pagpunit sa daanang masikip
Makakaraos rin sa huli, walang lugar ang inip
At sa sukdulan, parehos na pagod, hinga ng malalim
Sabay tayo nakarating, sa liwanag at dilim
Crissel Famorcan Mar 2018
Sinabi ko noon,di na ako magsusulat pa
Ngunit iba pala ang nagagawa ng lungkot at pag-iisa
Kaya heto ako ngayon,muling nagda-drama
Ginigising ang plumang natulog sa mahabang panahon
At bumubuong muli ng tula—na sayo lang nakatuon,
Sinungaling ako—
Tanda ko pa nang aking sabihin
Di na kita gusto't nagbago na ang damdamin
Pero ang Totoo,Hindi ko lang maaamin
Ayokong aminin!
Na hanggang ngayon? Walang iba't ikaw pa rin.
Oo,Sinungaling ako—
Kahit ipagsigawan pa sa buong mundo
Sinu—
Sinungaling ako?
Ang tangi ko lang namang ginawa'y itago ang pag-ibig ko,
Ilihim ang pag tingin sayo
Dahil alam kong mali at wala pa sa panahon
Pero,ang gusto ko lang naman ay ang iyong atensiyon
Magkano ba ang isang sulyap? ang isang tingin?
Ituro mo naman sakin kung san ko yan pwedeng bilhin,
Kahit gaano yan kamahal susubukan kong bumili
Gusto ko kasing masilayan muli ang iyong mga ngiti
Hindi ko na kasi magawang mahuli pa ang iyong kiliti—
Lagi tayong nag-aaway
Magbabati ng saglit at sa isang kumpas lang ng kamay
Hayun at tila may pader na bumaba at humarang
Sa pagitan nating dalawa,
Hindi ko namalayan na sa tabi ko, wala ka na pala!
Masakit isipin na ang bilis **** bumitaw,
Pero wala naman akong magagawa pagkat ikaw ang umayaw
Hindi ko lubos maisip kung bakit ang lumilitaw
Ako ang masama?
Kahit na sa ating dalawa ikaw ang nagpabaya?
Minahal kita ng higit sa kaibigan—alam mo yan!
Pero kung wala talagang pag-asa
Handa na akong palayain ka,
Kahit wala naman talagang TAYO
KAHIT HINDI KO ALAM ANG ATING ESTADO
Palalayain kita.
Palalayain kita para ako naman ang sumaya.

— The End —