Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
I. Katunggali

Pauulanan ko ng tingga at pagkayari ay
magbubungkal ng lupa sa kaloob-looban
    ng katawan – iyong libingang yungib

at doon ay hahayaan kang mabulok

kaya ingatan mo ako at huwag
hayaang biglaang pumutok

II. Tanawin

dahan-dahan kong aalisin ang sumasaplot
na lamig ngayong Hunyo

sa iyong katawan at pupunuin
ka ng alaala ng Abril

itong pagmamalupit bilang talababa
matapos tuldukan ang nagdaang panahon

kaya ingatan mo ako at huwag
hayaang bumigwas sa kung anong
grabidad ang pumipigil sa iyong pagkawasak

III. Rosaryo

sa sukal ng dilim bago magpasalamat
at magbigay-pugay sa diyos-diyosan,

maingat kong kakapain ang kuwintas
ng iyong

    mga kamay. Dadagundong sa iyong paglapit
ang hungkag **** katawan

    paluluhurin ka sa altar ng pagtangis
at sabay lulunurin ka sa kasalanan

kaya ingatan mo hindi ako, kundi ang iyong sarili
at humingi ka ng paumanhin pagkatapos. Hindi na bago sakin
ang misteryo ng iyong katawang ibinubulong sa pigurang kahoy:

mahuhulog ka sa aking bibig bilang
    alinsunurang awit.

IV. Iyong katawan*

Hindi ipaaari sa sinuman.
Huwag **** idiin sa akin ang karumihan ng mundo.

walang ipalalasap kundi isang ordinaryong karanasan
lamang – malayo ito sa inaasahang tagpo

kundi pagnanais.

           Higit pa sa ingay ay ang salaulang katahimikan
  ng dalawang katawan na pumipiglas at nais lumaya

sa balintataw ng isa’t isa bilang piitan.

Kaya ingatan mo akong mabuti
at bigyan ng panuto kung paano ka hahagkan upang hindi
     mabasag kung malaglag man sa isang mataas na lugar

dahil   mayroon   pa tayong   bukas  na ilalaan para  sa pantasya.
****.
Hindi pala matic gaya
ng kotse o anumang makinilya
ang pag-ibig.
Para pala itong pagsasaka.
Sinungaling ang nagsabi ng, “Kung ano
ang itinanim ay siang aanihin.”
Magbubungkal, maghahasik,
magdidilig ng dugo’t pawis
pero ang bunga ay depende.
Hindi pala matic, parang
si Siri o Alexa ba balang-
araw mababasa ang isip ****
nagdududa. Sa akala kong
matic, hindi pala.
Mapait na katotohanan.
Donward Bughaw Apr 2019
Walang halaga ang mabuhay
sa mundong ibabaw
na puno ng kasinungalingang
ang lahat ay may pagkapantay-pantay,
na ang buhay
ay instrumento ng Diyos
upang gumawa
ng mabuti
sa kabila ng kakaharaping
unos;
Maghihirap kang
linangin ng 'yong mga kamay
at paa ang lupa,
magbubungkal,
magsisikap
na abutin ang mga pangarap
subalit sa huli
lilisan di't 'iwang lahat.
Walang halaga ang mabuhay.

— The End —