Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"madalang" poems
Naalala mo pa ba, noong magbukas ang Nagi? Pagkahaba pa ng pila, umabot ng Yabu dati. Kahit pa nga yata Yabu, ay kayhaba din ng pila Araw-araw laging ganyan, kaya dapat maaga ka. Sa katagalan pagdaka ay nagkaupuan na nga Ang babae ay sisigaw, at susundan ng iba pa Bigay todo ang pagbigkas, tila baga walang bukas Rinig mo ang tinig nila kung ikaw ay nasa labas. Sunud-sunod na araw pa, na kami ay nasa Nagi Itanong mo pa kay amo, siya po ang aming saksi. Kung paanong alas-onse'y, naghihintay na ng taxi para sa pila'y mauna, at nang makakain kami. Ilang buwan din siguro ang sa mundo ay dumaan na ang pagdalaw sa Nagi ay biglang naging madalang Na mula sa bawat araw, ito'y naging linggo-linggo Kalaunan pa ay naging Enero, Pebrero, Marso. Lumipas ang mga taon, at ngayo ay Pebrero na. Ngayon na lang uli kami doon sa Nagi nagpunta. Ang dating mahabang pila, ngayon ay tila wala na Alas-dose na noon, tanghali na po partida. Noong pumasok na kami'y sumisigaw pa rin sila ngunit dinig mo sa boses na ang sigla ay wala na. Kahit yung pitsel ng house tea na laging inihahanda Ngayon baso-baso na lang, tapos manghihingi ka pa. "Nakakain na po kami, puwede bang bukas na lang?" "Mayroon na n'yan sa Mega, pati na sa Katipunan" "Huwag ka nang magmadali, hindi na dapat agahan" "Kahit anong araw pwede, kasi nandyan lang naman 'yan". Tayo'y magaling lamang ba, kapag bago at simula kapag bago sa paningin, kapag bago sa panlasa? Na 'pag nilamon ng oras o kinasanayan mo na ay tila pinagsawaan at pinagwalang bahala. Kailan kaya darating, ang sa aki'y tinadhana na sa aking pagtangkilik, hindi ako magsasawa? Na kapag nakita ako'y ramdam ko ang galak niya at ang puso ko'y lulukso marinig lang ang ngalan n'ya. Malamang ay naglalaro ngayon sa iyong isipan "Tungkol pa rin ba sa Nagi, ating pinag-uusapan?" Huwag mo na itong isipin, sagutin mo na lang ako may pila pa kaya ngayon, sa bagong tayong Ippudo?
0
Feb 12, 2016
Feb 12, 2016 at 4:48 AM UTC
Nagi

Continue reading...
40
sa rami ng tulang nilikha panaghoy ang tila namamayagpag emosyong natatakpan ng mukha ay patuloy na binabagabag madalas ay natatapos sa lungkot madalang na naguumpisa sa saya bawat linyang kataga'y puot tila walang dinudulot na ligaya sa daang salita na kayang bigkasin nasaan ang malalambing na parirala? sa bawat boses na nais kalasin kailan ang araw na maaabot ang tala? May dalisay nga ba sa mga letra? May pag-asa nga ba sa mga talata? muli nga bang darating ang saya sa paggising ng bagong hiraya? Marahil ay unti-unti, hindi bigla-bigla yayakapin nang mahigpit, dahan-dahan upang ituloy ang naudlot na sigla upang magmistulang sarili ang tahanan Gaya ng dapit-hapon ay manlalamig ngunit sa bukang-liwayway, gugunitain sarili ang maging unang daigdig pagkamuhi ay tuluyan nang palayain kaya't sa bawat salitang isusulat yakapin ang letrang namumukadkad darating ang araw na muling pagkamulat masisilayang muli ang ligaya sa paglipad
0
Sep 14, 2021
Sep 14, 2021 at 12:02 PM UTC
Ako Ang Tula
Ano bang nais **** mabasa Ano bang nais kong maitala Marahil ito’y tungkol sa mga bulaklak Mahalimuyak, wari pa’y simbolo ng galak Maaari ring tungkol sa mga ulap Tinitingala at hangad ay mayakap O kaya naman ay sa mga paruparo Susundan ng tingin saan man dumapo Ilan lang ‘yan sa mga tuwinang paksa Mga usaping purong halaga ang tinatamasa Kumusta kaya ang mga pangkaraniwan Ang mga patay na dahon sa putikan Bisikleta ng ordinaryong mamamayan Lapis na panulat ng pangalan ng napupusuan Iyong madaling nabubura, hindi nahahalata Kabilang sa mga madalang bigyan ng pansin Mga bagay na sapat na ang isang tingin Kumusta kayo? Kumusta tayo? Siguro’y nangingiti lulan ng duyan Kalmado, mahinahon, malaya Tago sa ingay ng karangyaan Simple, payak... nawa.
0
May 18, 2020
May 18, 2020 at 9:23 AM UTC
Pangkaraniwang Titulo
Ang alam ko lang ay yung gaano ako kabuo kapag katabi kita.O kapag kahit ilang kilometro ang layo natin sa isat isa pero nagpapalitan tayo ng mga salita. Binibigyan mo ako ng dahilan, hindi laging masaya pero nandiyan ka. Buti na lang nandiyan ka. At madalang lang sa tagal ng paghinga makaramdam ng ganito, medyo naiilang pa at pinipilit pang talikuran. Pero ngayon pa lang alam ko na, hanggang dito lang ako. Pero ngayon pa lang pinoproseso na ang pagtanggap dahil matagal tagal na rin naman akong naglalakad dito, tingin ko'y kaya pa naman. Hindi pa naman ngalay ang tuhod at paa. Kaya ko pa.
0
Sep 19, 2017
Sep 19, 2017 at 6:18 AM UTC
Untitled
Hindi lahat tayo, may dugong maharlika. Hindi lahat tayo, iisa ang sinasamba. Hindi lahat tayo, nais nang pantay na pag-asa. Hindi lahat tayo, malinis at inosente tulad ng isang maya. Batid kong alam mo, kung saan ka pupunta. Batid kong alam mo, kung mayroon ka pang pag-asa. Batid kong alam mo, kung sino ang nararapat sa kanila. Si Juan, Si Pedro ba? O ang mapanlilang na si Luna? Bagay na alam mo, pero nagbubulag-bulagan. Mga maling turo, gawaing kinakalawang. Kahit na may boses, nagdadalawang isip lumaban. "Maririnig ba ako?", yan ang laging tanong mo kaibigan. Mahirap nang sabihin, di pa kayang panindigan. Mga bakal na kamay at piring na ginto sa karamihan. Madalang na may tumayo, at isigaw ang prinsipyo ni Juan. Hanggang dito na lang ba? Ang laban natin kaibigan.
0
Feb 18, 2019
Feb 18, 2019 at 2:05 AM UTC
Kung ang Sagot ay Tanong Din
Kunting pagdilat ng kanyang mga mata na di-gaano masingkit ay ginagahis ang hita't bisig - yumuyukod Pagsisilbihan ang prinsesa Tapat na kawal na di sadyang napa-ibig na Sa pook na madalang dalawin ng banaag ay nanimpuho Malago ang mga paragis Nang mga ulap ay bumababa na parang sumasimpatiya Nahahagkan ang mukha Kulang sa init at lamig Walang lasa ang inihaing pag-ibig na di tumagal sa panlasa Paano lubusan na ipangangahulugan kung di nakaranas ng karinyo ng dalaga Nangatuyo na ang mga uhay sa tumana habang sinusulyapan ang kasaysayan Kahit lipos ng balbas ay ngingiti pa Kahit ilang ulit pa ilalarawan ang anyo na singganda ng mga likas na yaman Sa hubog na baywang balingkinitang katawan ay di magsasawa Nagsusumamo ang puso sa kalangitan
0
Jan 30, 2019
Jan 30, 2019 at 7:29 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #60