Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Steph Dionisio Sep 2015
Sa kulay-kape **** mga mata,
nakita niya ang kanyang halaga.
Ang iyong ngiti ang silbing niyang liwanag,
nagbigay sa diwa niya ng tatag.
Yakap mo'y kanyang tahanan,
siyang nagbibigay ng gaan.
Hindi man mabigkas ng bibig ang salita,
siya'y kuntento na sa iyong gawa.
Ika'y isang wikang walang tinig,
ngunit sa kanya'y isang magandang himig.

*-Steph Dionisio, September 09, 2015
Eugene Dec 2018
Mahal Kita
ni MeasMrNiceGuy

Pinipigilan kong huwag maghanap ng iba
kasi alam kong naghihintay ka.
Pinipigilan kong huwag tumingin sa iba
dahil alam kong nakatingin ka.

Pinipigilan kong huwag mahulog sa iba
kasi alam kong gustong-gusto kita.
Pinipigilan kong huwag sagutin sila
dahil alam kong mula noon hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin kita.

Sana... huwag akong umasa
na sa una at huli nating pagkikita
makita ko sa iyong mga mata
ang tunay **** nadarama sa akin, aking sinisinta.

Mahal na mahal kita
at ang lungkot ng nag-iisa.
Mahal na mahal kita
ngunit hindi ko na kayang hintayin ka.

Mahal na mahal kita
at sana mabigkas mo ang dalawang salita.
Ang salitang "mahal kita"
na kay tamis pakinggan sa aking tainga.
Stephanie Dec 2018
Kung may pluma lamang ang puso
Isusulat nito ng malaya ang mga salita
Na hindi mabigkas ng mga labing tikom
Sapat ang tinta nitong pluma
Pamalit sa takot na pumipigil sa sarili

Kung may pluma lamang ang puso
Hindi na kailangan pang pagtakpan ng ngiti ang bawat sakit
May buhay ang plumang ito
Alam niya ang kanyang silbi, ang maghatid ng katotohanan

Kung may pluma lamang ang puso
Isusulat nito ang bawat pagkakataong nais niyang tandaan
Mga alaala na dala ng kasaysayan

Kung may pluma lamang ang puso
Maipaparating niya ang bawat pintig
Ng ligaya o sakit
Malaya ang plumang ito
Walang magbabawal kung ano ang dapat at hindi
Walang pipigil sa pagkawala ng tunay na kulay ng bawat pintig nito

Kung may pluma lamang ang puso
Ito'y susulat ng tula na magsasabing ikaw lamang ang magiging papel na nais nitong sulatan

Kung may pluma lamang ang aking puso,
Ikaw ang nanaising maging papel
Malaya ang plumang ito at ikaw ang kanyang pinipili
Buhay ang tinta ng plumang ito
At sa iyo, bilang papel, nailathala ang pinakamagandang kasaysayan ng pag-ibig
Na binigyang buhay ng
isang pluma at papel
HAN Jan 2021
—at sa iyong hindi inaasahang pagdating,
at sa pagkislap muli ng mga mata tulad ng bitwin—
ay marahan mo akong hinagkan
ang mga mahigpit **** bisig
ang nagsasabi ng iyong pag-ibig—
na hindi mabigkas ng iyong bibig.

sapat na ang katahimikan na bumabalot sa ating dalawa—
para marinig ko ang bulong ng pusong nagmamakaawa.
sapat, at sobra sobra ang liwanag ng mga—bitwin at buwan para sa atin.

ang musika na nililikha ng iyong paghinga—
ay napapaindak ang puso kong pagod na.
sa dagat ng mapaglinlang na mga ngiti—
ay natagpuan mo ang nangungulila kong labi.
at sa bawat pag dampi nito sa'yong noo'y—
kusang namumula.
tulad nang minsanang pagtatagpo araw—
at buwan.

wala,
wala,
at walang makakapigil
nang pag-agos ko sayo,
at hindi na hahayan na ang mga paru-paro—
ay muli pang humayo.
matagal, tagal na rin simula ng huli kong post ng tula dito. Naisipan kong magsimula muli.
Benrich Apr 2018
Ang liningin na parang talulot ng bulaklak
na hindi na mamumukadkad
sapagkat labis ang pagdilig ng puso
hindi na maihahayag pa
ang tangwa ng damdamin

mananatiling nakatago
sa likod ng bintana
sa kaulapan ay tatanglaw
mga salita na lutang
sa dalampasigan nawa sa iyoy makarating
sa pamamgitan ng pangarap na panaginip
kahit doon na lamang
mabigkas ang laman ng isipan
ligaya ay abot tanaw hangang kalawakan
walang pag-ayon kapalit ni anuman
mamukadkad lamang ang talulot ng kaisipan.

— The End —