Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jamjam Feb 2018
Ito nga pala ay para, o tungkol, tungkol sa
babaeng aking ninanais, nakita kita sa hindi inaasahang oras at pagkakataon.
Kung alam mo lang, ang pagtalon nang aking puso sa tuwing nag sasalubong ang ating mga diwa

Hindi ko lubos maisip na hahantong sa ganito. Lumalim ng lumalim ang inaakalang simpleng pagtingin ko para sayo.

Oo ikaw!

Ikaw, ikaw nga pala yung babaeng aking ninanais.
Ikaw, ikaw nga pala yung babaeng nag bibigay kabog sa aking dibdib.
Ikaw, ikaw yung babaeng pinapangarap kong makamit.
Ikaw, ikaw yung babaeng simple lang pero anlakas ng dating.

At ako, ako nga pala yung taong sumusulyap sayo ng palihim.
Ako, ako nga pala yung taong hindi magkanda ugaga sa tuwing ikaw ay paparating o dadaan sa aking harapan.
Ako, ako nga pala yung taong handang gawin ang lahat mapasaya ka lang.

Kung alam mo lang kung gaano kita hinahangad tuwing nakikita kita.
Pero bakit nga ba ganoon? Hindi ko magawang umamin? Siguro'y dahil sa pautal utal na pananalita ang dahilan o sadyang wala akong lakas ng loob na sabihin sayo ang aking nararamdaman.

Ako'y simpleng tao lang,
Hindi makisig gaya nang ninanais ng nakararami, pero pangako lahat gagawin ko mapasaya ka lang.
Mukang hindi ako yung tipo ng lalake na maaari **** gustuhin

Ako yung taong tahimik lang sa isang tabi
Ako yung tipo ng tao na hindi pang angas sa tropa, pero pangako, araw araw ipagmamayabang kita.

Subalit bakit ganito ang tadhana, ika'y nakakulong sa isang sitwasyon.
Sitwasyon na akin ding hinihiling, siguro nga ay hindi ko ginusto na magkagusto sayo kase alam kong masasaktan lang ako.

Sana ako na lang. Inisip ko na sana ako na lang sya na sayo'y nagpapaligaya
Sana ako na lang sya, na mahal mo ng sobra
Sana ako yung taong lagi **** kausap,
Sana ako yung nagbibigay ng ngiti sa tuwing malungkot ka.

Ikaw yung babaeng nagbibigay ngiti at kalungkutan sa akin. Dahil sa tuwing naiisip kita, pumapasok den sa isip ko na ikaw at ako ay malabong maging tayo.

Dapat bang tanggapin na lang ang katotohanang hindi na mababago? na hindi talaga pwede maging tayo?
Hanggang dito na lang ba talaga ako? na nangagarap na maging tayo?
Siguro ngay maihahalimtulad ka sa ulap sa langit
Kase abot tanaw ka nga, ngunit mahirap ka naman makamit.

Siguro nga'y masakit masampal ng babae no?, pero mas masakit parin siguro na masampal ng katotohanang hindi talaga pwede na maging tayo. Sakit diba?

Namaos ang puso ko kasisigaw sa pangalan mo.
Namaos ang puso ko kalilimos ng barya ng pag ibig mo.
Napagod ako kasisigaw. Pero walang magbabago, lilipas paren ang gabi na walang nangyayare.

Kase kahit na ano pang gawin ko, ikaw at ako ay malabong maging tayo.
Ano bang dapat kong gawin? Para magkaroon ng ikaw at ako na bubuo sa salitang tayo.

May mga bagay talaga sa mundo na kahit hindi mo man makuha, makita mo lang masaya ka na..
012917

Mag-aalas kwatro ng umaga nang aking maramdaman
Hindi lang lumalim ang gabi ngunit umaga'y malapit nang madatnan
Pinipilit akong balutin ng lungkot -- nais na ako'y matalo
Kaya naisip ko gumawa ng talata na babasahin ko para sayo.

Hindi man malalim ang mga salitang ginagamit ko
Huwag mo sanang isiping pagmamahal ko'y hindi abot hanggang langit
Alam kong baguhan pa lang ako pagdating sa larangan ng pagsusulat.

Hindi man kita mapangiti, hindi ko man mabigyan ito ng pamagat
Gusto ko lang na kahit papaano -- kahit papaano'y maipaabot ang lubusan kong pangungulila
Sa babaeng ilang buwan ko pang hihintayin, manggagaling pa sa Maynila.

Alas kwatro pasado na, antok sakin ay nagbabadya
Kaya sa aking paggising, sagutin mo rin ako gamit ang iyong talata.
(C) JS

Unang piyesa. Not bad hindi ba?
Shiela Luna Nov 2015
Naiisip na naman kita.
Naalala ko yung mga panahon na kasama ka.
Mga panahon na tayo lang dalawa
Pero hindi tama na gustuhin ka.

Mahirap man sating dalawa.
Pasensya na wala akong magagawa
Kundi ang kalimutan ka.
Dahil ito ang alam kong tama.

Salamat ang huling salitang mababanggit.
At ito'y hinding hindi ko sayo ipagkakait
Kahit ito'y paulit paulit
Hindi ako magsasawa na ito'y laging mabanggit.

Sabagkat ang pagmamahal na iyong pinadama,
Ay tunay akong pinasaya.
Hindi ko man ito nasabi sayo
Kasi natatakot ako.

Ayokong umasa ka.
Ayokong masaktan ka.
Kaya ika'y iniiwasan na.
Para itong dadamin ko ay di na lumalim pa.
Lumipas ang mga buwan
Lumalim ang nararamdaman
Oras na para iyong malaman, na
Yung pag-ibig ko sa'yo ay handa kong ipaglaban
Dahil sa piling mo natagpuan ko ang tunay na kasiyahan.
twenty-six May 2019
iwanan ang lahat
bago pa lumalim
ang mga sugat ng puso
na hindi na gagaling

kung ngayon ako'y lilisan
ako'y humihingi ng kapatawaran
sapagkat ito ay nararapat
upang hindi na kayo masaktan

pagdating ng ilang buwan
unti-unti niyo akong malilimutan
sa aking pagpapaalam
sana'y tanggapin niyo ang aking pagbitaw
Joe Feb 2020
Gusto kita.
Sa mga oras na ito
Pero hindi sa mga susunod,
Maaaring mahalin na kita
O pwede ring may iba na ulit akong gusto.

Magulo ako, Oo alam ko
Pasensya kana kung ganito ako
'Di ko ito ginusto
Takot lang ako sa nararamdaman ko

Nais ko lang na maging handa.
Maging handa sa
Panibagong sakit at kirot
Na maaari kong maranasan muli
Pag nagmahal ako
Pero kung sakaling lumalim ang pagtingin ko sa iyo
At ika'y aking mahalin
Sana 'di pa huli
Hindi pa huli ang lahat
Dahil ayokong magsisi sa huli.

Alam ko na darating ang oras
Oras na mapapagod ka,
Susuko ka, maghahanap na
Ng iba.
Ngunit sa kabila ng mga oras na iyon
Umaasa akong babalik ka
Kahit imposible na.

Ilang beses kitang nasaktan
Umiyak ka,
Iniyakan mo ako.
Ang swerte ko.
Pero ang tanga ko.

Sa haba ng panahon
Naghintay ka,
Umaasang maging posible
Yung mga bagay na imposible
Ilang araw, linggo, buwan at taon pa
Ang kaya mo?

Ayokong dumating ang panahon
Na magsawa ka at mapagod ka
Pero ayoko din maging makasarili
Malaya ako,
Malaya ka.
Ngunit,
Sino ako para pagbawalan ka?
Pagbawalan ka na 'wag kang mapagod.
Sino ako para saktan ka?
Sino ako para mahalin mo ng sobra?

Isa ako sa mga taong maswerte
Ang swerte ko dahil,
may nagmamahal sa'kin.
At hindi ko na kailangan manlimos ng pagmamahal sa iba
Dahil ibinigay mo na ang lahat.
Sobra sobra pa.

Gusto kita noon
Pati narin ngayon.
Ayokong mahulog sayo
Kaya pinipigilan ko.
Hindi ka mahirap mahalin
Pero natatakot ako.

Bigyan mo lang ako ng konti pang panahon.
Kung kaya mo pa.
Konti pang panahon,
Para maging handa at
Maging buo yung
nadurog kong puso noon.

Sana lang di pa huli ang lahat.
Sa panahon na ako ay handa na.
At sa oras na mahal na kita.
Pilipinas anong nangyayari sa'yo?
Ang dating bayan ng matatalino.
Bakit, lahat ata ay nawala na sa huwistyo.
Ginagawang biro pandemyang ito.

Huwag po sana tayong ningas-kugon.
Noong una lamang magaling ang pagtugon.
Ngunit naging suwail at pabibo ng naglaon.
Sige lang, hanggang lahat na tayo nakabaon.

Hindi ninyo ba talaga alintana?
Ang sa ating lahat ay nagbabadya.
Kalabang di nakikita, sakunang nakadamba.
Walang malakas, walang mayaman lahat tayo ay biktima.

Hindi ba kayo naaawa sa mga bata at matatanda.
Idagdag nyo pa ang mga may sakit na madaling mahawa.
Maaaring ilan po sa kanila ay iyong kapamilya.
Tumahan ka po sa bahay para sa kanila.

Tulungan po natin ang ating lingkod bayan.
Mapa Sundalo, Doktor, nars o basurero pa yan.
Huwag nating dagdagan hirap na kanilang pinapasan.
Huwag na nating ilagay buhay nila sa kapahamakan.

Huwag na po nating antayin lumalim.
Hanggang masaksihan ang di kakayaning lagim.
Magdadala sa ating buhay at bansa sa takipsilim.
Pakiusap, tayong lahat ay magdasal ng taimtim.

Labanan po nating lahat ito, Kapwa ko Pilipino.
Iyan ang lahi ko at lahi mo.
Diba likas sa atin ang pagiging matatalino.
Ngayon natin patunayan ito.

Sumunod na po tayo sa Gobyerno.
Simpleng utos na kayang sundin ng kahit kanino.
Wag na pong lumabas ng bahay ninyo.
Kung di man lang importante ang rason nito.

Sumunod na po tayo, Please lang
Ang makukulit ay babarilin, BANG BANG
Para kang latang nasipa, TANG TANG
Andyan na ang sundo mo, **** ****

Siguro nga kailangan na ang Kamay na bakal.
Para ang mga suwail tuluyang masakal.
Ang rason ay masarap ang bawal.
Kaya pati buhay ng iba ay isusugal.

Huwag na nating pabayaan, Inang bayan.
Matatalo lamang itong kalaban.
Kung tayong lahat ay magtutulungan.
Bagkus na magturuan at magsisihan.
Ja Oct 2017
Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa hinaharap
Maaaring wala ka
Maaaring iba na ang kasama mo
Masaya ako ngunit hindi sa’yo
Mahimbing ang iyong tulog sa kanyang piling
Nakakatakot
Nakakakaba
Pakiramdam ko’y ‘di ko kaya
Ayaw kong isipin na magkakaroon ng iba
Gusto ko tayo lamang dalawa
Mahal, maari bang dito nalang muna tayo?
Huwag na tayong lumayo pa
Hindi ko ata makakaya
‘Pag ika’y naging masaya kapiling siya
Mga ngiti na noo’y ako ang dahilan
Ngayo’y iba na ang pinangagalingan
Mga luha **** noo’y ako ang nagaalis
Sa tuwing pakiramdam mo’y ikaw ay mag-isa
Sasamahan kita
Pero baka sa paglipas ng araw, buwan o taon
Siya ng yayakap sa’yo kapag ika’y nalulungkot
Ang yayapos sa’yo kapag lumalim na ang gabi
Ang babaeng babaliktadin ang iyong kalungkutan
At gagawin itong ngiti
Hindi ko ata kaya
Mahal, hawakan mo naman ako
Yakapin mo ako ngayon
Maging masaya tayo sa kung anong meron
Dahil mahal baka bukas iba na ang takbo ng panahon

— The End —