Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lampasan" poems
Ang digmaang ito, Bakit nga ba sinuong ko? Bakit pa ba ako pumasok? Bakit ako lumahok? Alam kong di tiyak, Alam kong maaari akong umiyak, Alam kong hindi magiging madali, Alam ko kung ano ang mga maaari. Walang kalasag ni sandata, Wala akong ibang dala, Kundi sarili at sarili ko lamang, Sariling haharap sa mga pagsubok na nakaabang. Kahit ano man, haharapin, Kahit anong sakit, tatanggapin, Haharapin ng walang takot, Sisikaping lampasan kahit sa mundo ko pa'y bumalot. Kaya aking pinaghandaan, Bago pa sumulong sa labanan, Dahil isa lamang sa dalawa ang maaari kong makamtan, Ang husga: tagumpay o kabiguan.
0
May 21, 2017
May 21, 2017 at 8:36 AM UTC
Ang Husga
Sige na! Diinan mo pa! Mararanasan mo ang tunay kong pwersa. Ibaon mo na! Tagalan mo pa! Init ko’y tumitindi habang tumatagal ang bakbakan. Bilisan mo na! Konting tiis pa! Malapit mo na lampasan ang pagsubok na nilalabanan . Teka muna! Kumambio ka na! Init ko’y sumosobra, pagputok ay malapit na
0
Jul 11, 2011
Jul 11, 2011 at 12:06 AM UTC
Sagad na
Oras, Oras lang naman ang pagitan Ng pagsisisi at ng kasiyahan. Bawat pitik nitong orasan ay katumbas ng mga alaala nating di na pwedeng balikan. Bawat ngiti sa iyong mga mukha ay magsisilbing mga kayamanan ng mga alaala ng nakaraan na kailanman ay di mawawala sa aking mga isipan. Kaya't lasapin mo ang bawat oras na lumilipas, labanan mo ang mga balakid sa ating paligid, lampasan ang mga hadlang na dumaraan, at ipagpatuloy ang laban para sa iyong kinabukasan. (Time is our worst enemy, but it can be our greatest ally when used correctly)
0
Aug 20, 2021
Aug 20, 2021 at 7:40 AM UTC
Oras
Kita kita bilang isang kaibigan Bilang isang kakwentuhan Laging kasama sa lahat ng mga kalokohan Kita kita, kaibigan. Sana kaibigan ay kita mo rin ako, Kita mo rin ako bukod sa pagiging kakwentuhan mo Bukod sa laging kasama sa lahat ng kalokohan mo Sana kita mo rin ako. Di ko alam kung ano ang dapat maramdaman Kapag tinatawag mo ako bilang kaibigan Kahit minsan kitang kayakapan Tuwing namomoblema sa mga problemang dapat lampasan. Ngunit alam kong hindi ako Hindi ako ang gusto mo Mahal mo, hindi ako. Oo. Matagal ko ng alam ito ngunit pinili kong magpakagago At bulagin ang sarili sa sa'yo. Bakit? Kasi ikaw ang gusto ko! Kasi ikaw ang mahal ko! Pero, hindi mo kita ang isang tulad ko. Minsan, ayaw ko ng isipin ang mga problema ko Lahat ng problemang bumabalot at sumisira sa mundo ko Wala! Wala ng luhang lalabas sa mga mata ko Wala ng tubig ang aagos sa mukha ko. Kung kaya't hinihiling ko na sana Takpan na lang ang aking mga mata At tsaka ako bulungan sa tenga, "Magiging maayos rin ang lahat kaya magpahinga ka muna. Tumigil ka muna sa pagpapakatanga sa taong nakatingin naman sa iba. Huwag kang mag-alala, ilalayo kita sayong mga problema. Pipigilan ko ang luha mula sa'yong mga mata. Hindi ko hahayaan na may tubig na muling umagos sa iyong mukha. Dahil gusto kita. Mahal kita. Kita na kita."
0
Mar 7, 2018
Mar 7, 2018 at 3:59 AM UTC
Kita na Kita
Salamat sa walang sawang pakikinig sa mga kwento ko Sa mga pangaral sa mga simpleng problema at pangyayari sa buhay ko Ikaw ang unang nakakaalam pag may problema ako. Kapag naiinis ako, nagtatampo, masama ang pakiramdam o nalulungkot Sobrang nagpapasalamat ako sa pagiintindi mo sakin. Kahit minsan makulit ako Ipinagmamalaki ko sa lahat na ikaw ang mama ko Kasi pinalaki mo ko ng maayos Salamat din sa walang sawang pagsuporta saakin sa lahat ng bagay. Sa pag compliment ng mga drawings ko hehe Dahil dun napapalakas mo ang loob ko:3  Pinapalakas mo ang loob ko palagi Salamat sa paniniwala na kaya kong lampasan ang mga problema sa buhay. Salamat kasi kahit kailan hindi ko naramdaman na kailangan ko maging magaling na anak para maging proud ka sakin. Salamat kasi yung mama ko yung pinakanakakaintindi sakin. Ikaw ang pinaka bestfriend ko sa lahat. Lahat nang yun naaappreciate ko ng sobra sobra.
0
Jul 13, 2017
Jul 13, 2017 at 11:04 AM UTC
Mama
Kung makakausap ko lamang ang batang ikaw, sasambitin ko sa kan'ya na alam mo ba, ikay isang batang maraming talento. Mapapahanga sa'yo ang mga tao nang dahil sa pag-kanta mo. Hahanap-hanapin nila boses na napakaganda, mistulang anghel ang umaawit kapag narinig na. Lahat ng kanilang mata'y sa'yo titig kapag inumpisahang umawit, 'di sila kukurap kahit saglit. Kung makakausap ko lamang ang batang ikaw, papayuhan ko s'ya na marami kang makikilala kaibigan man at kaaway, mayroong mananatili at aaalis, may mamaalam at 'di na muling babalik. May makikilala ka na isang pag-ibig, mamahalin ka niya. Gabi't araw ka niyang ipapanalangin na sana maayos kalagayan mo. Siya sa'yo mag-aalala kung kumain kana ba o may sakit ka. Kung makakausap ko lamang ang batang ikaw, Ipapaalam ko sa kan'ya na kay raming paghihirap ang dinaranas mo, pero sa kabila nito ay hindi ka sumusuko, parati mo kinayakayanang lampasan. Isa kang napakatatag na babae na hindi agad aatras sa ano mang pag-subok sa harap, parati kang nag-papatuloy na may bitbit na ngiti sa mukha na hindi basta-basta mabubura. Kung makakausap ko man ang batang ikaw, babanggitin ko sa kan'ya na huwag kang mag-alala ang hinaharap mo ay nasa maayos na kalagayan. Kasama n'ya iyong pamiya at minamahal siya. Huwag kang mag-alala sa kinabukasan, pag-tuunan mo ng pansin ang kasalukuyan, sulitin mo ang bawat araw para maging masaya, dahil ang kinabakusan ay malayo pa ang kasalukuyan ay nasa harap na.
0
Dec 28, 2020
Dec 28, 2020 at 8:26 AM UTC
"Natatangi Ka"