Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Pusang Tahimik Jan 2023
Isa marahil sa libu-libong isda sa karagatan
Ang maigting na pumipili ng pain sa kawalan
Sa takot na baka ibalik lamang sa karamihan
Sapagkat ang nais ay di na pakawalan

Ang uri ay hindi maihahambing kaninoman
Tila nagiisang premyo sa makahuli na sinoman
At isang beses nya lamang matitikman
Ang tunay na tagumpay ng hamon ng karagatan

Sumisisid nga ng husto pailalim
Hinahanap kung may butas pang susuungin
Takot na takot na baka mapain
Ang isdang nasanay nang nasa ilalim

Kailan kaya susubukang umangat
At matutong sa pain ay kumagat?
Makatagpo nang mangingisdang tapat
At kung mahuli sa kanya ikaw na ay sapat.
-JGA
Pusang Tahimik Jun 2021
Nagbago na ang lahat
Lumitaw na rin ang tunay mo'ng balat
Tila katulad ng aklat
Na malayo ang istorya sa pamagat

Sa patibong mo'y muntik na akong kumagat
Ngunit kahit ganoon ako sayo'y naging tapat
Ikaw'y ay ahas na naghihintay na kumagat
At ang kamandag mo'y walang lunas na katapat

Ako sayo'y hindi pa ba sapat?
Turing ko'y iisa ang dugo sa ating mga ugat
Ngunit ang pangil mo'y sa leeg ko'y lumapat
Hindi mo na maibabalik kung ano man ang dapat.

-JGA
Eugene Oct 2015
Nalinlang ng mga mata.
Kumagat sa magaganda,
Sadyang nakakahalina.
Natukso ka...

Dinala sa motel.
Inihiga sa kama.
Hinubaran ng pagnanasa.
Natukso ka...

Kinabukasa'y nag-iba.
Napalitan ng lungkot ang saya.
Nang maalala ang ginawa.
Natukso ka...

Hindi mo kinaya.
Nanghinayang, nabaliw ka.
At sa huli, nagpatiwakal na.
Dahil natukso ka.

Natukso ka.
Natukso sila.
Natukso kayo.
Natukso tayo
Natukso ako.

— The End —