Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kasisigaw" poems
051022 At sumapit na nga araw ng paghuhusga Kung saan hindi na pulso ng taumbayan Ang ating sisiyasatin Kundi ang puso ng bawat Pilipinong Sumasambit ng “Mahal ko ang Pilipinas.” Sabi ng iilan, “Mahirap raw mahalin ang Pilipinas” Iniisip ko nga paminsan, Sapat na nga ba ang pagiging makabayan? Sapat ba? Ang panunumpa ng bawat Juan sa watawat Na ayaw sana nating dungisan Ngunit tayu-tayo rin ang nagwawasto Sa paningin nating madayang pagpili Ng lipunang ating ilang beses nang sinumpaan. Kung hindi ako naniniwala sa Poong Maykapal, Ay baka hindi ko rin maititikom ang talas ng aking dila At walang himpil ding tatalak na walang pinipiling katauhan Buhat sa makamandag na bugso ng aking damdamin. At marahil ay sasabihin ko na lamang Na ito ay isang paraan ng pagtindig para sa saking Bansa Na may demokratikong pamamalakad. Ngunit sa kabilang banda’y Binabaling ko na lamang ang paghuhusga Sa tunay ngang nasa tronong Hindi na kailangang luklukin pa. At naniniwala pa rin akong Ang pag-asa ay hindi natin maaaring itaya Sa sarili nating mga palad Na kalauna’y mapupuno rin ng mga kalyo’t Babalik din lamang sa alikabok. Ano pa nga ba ang ating ipinaglalaban? Sino nga ba ang tunay nating kalaban? At para kanino nga ba tayo naninindigan? Baka sa kasisigaw nati’y Hindi lamang boses ang mawala sa atin, Maaring nakawin din ang ating mga lakas at oras Na sana’y ibinabaling natin Sa pagpapalaganap ng natatanging katotohanang Buhay ang ating Panginoong Hesus At ang magandang balita’y Nakadikit sa kanyang Ngalan. Sinasabi kasi nating naghihinagpis ang ating mga kababayan Kaya tayo na lamang ang magsisilbing mga boses para sa kanila. Minsan nga'y nananatili na tayong hangal Pagkat sa sariling dunong, doon lamang tayo nakaangkla. Ngunit hanggang kailan ba matatapos Ang sinasabi nating pakikibaka para sa mga nasa laylayan? At ano nga ba ang dulo ng bawat hiningang napapagal na? Sana hindi tayo tumigil sa paraang alam lamang natin, Sana mahanap natin ang ating mga sariling Nananatiling may pananampalataya Sa Diyos na Syang may lalang sa sanlibutan. Sana wag na tayong mag-alinlangan pang lumukso Sa kung saan nga ba tayo pinasusuong ng Maykapal At sana mahanap natin ang halaga natin Sa presensya Nyang kayang pumuno ng bawat kakulangan. At dito na rin ako pansamantalang magtatapos — Pilipinas, gumising nang may pag-asa Pagkat hindi natutulog ang ating Diyos! Pilipinas, mahal kita at mas mamahalin pa At patuloy kitang ipaglalaban Hindi gamit ang mga armas Na syang panukso't patibong ng mundo, Titindig ako sa kadahilanang hindi lamang ako isang Pilipino — Titindig ako para kay Hesus na aking pinaniniwalaan! Salamat Ama, Sa'yo pa rin ang aming Bayan.
0
May 11, 2022
May 11, 2022 at 12:27 AM UTC
Pilipinas, Mahal Pa Rin Kita

Continue reading...
68
Ito nga pala ay para, o tungkol, tungkol sa babaeng aking ninanais, nakita kita sa hindi inaasahang oras at pagkakataon. Kung alam mo lang, ang pagtalon nang aking puso sa tuwing nag sasalubong ang ating mga diwa Hindi ko lubos maisip na hahantong sa ganito. Lumalim ng lumalim ang inaakalang simpleng pagtingin ko para sayo. Oo ikaw! Ikaw, ikaw nga pala yung babaeng aking ninanais. Ikaw, ikaw nga pala yung babaeng nag bibigay kabog sa aking dibdib. Ikaw, ikaw yung babaeng pinapangarap kong makamit. Ikaw, ikaw yung babaeng simple lang pero anlakas ng dating. At ako, ako nga pala yung taong sumusulyap sayo ng palihim. Ako, ako nga pala yung taong hindi magkanda ugaga sa tuwing ikaw ay paparating o dadaan sa aking harapan. Ako, ako nga pala yung taong handang gawin ang lahat mapasaya ka lang. Kung alam mo lang kung gaano kita hinahangad tuwing nakikita kita. Pero bakit nga ba ganoon? Hindi ko magawang umamin? Siguro'y dahil sa pautal utal na pananalita ang dahilan o sadyang wala akong lakas ng loob na sabihin sayo ang aking nararamdaman. Ako'y simpleng tao lang, Hindi makisig gaya nang ninanais ng nakararami, pero pangako lahat gagawin ko mapasaya ka lang. Mukang hindi ako yung tipo ng lalake na maaari **** gustuhin Ako yung taong tahimik lang sa isang tabi Ako yung tipo ng tao na hindi pang angas sa tropa, pero pangako, araw araw ipagmamayabang kita. Subalit bakit ganito ang tadhana, ika'y nakakulong sa isang sitwasyon. Sitwasyon na akin ding hinihiling, siguro nga ay hindi ko ginusto na magkagusto sayo kase alam kong masasaktan lang ako. Sana ako na lang. Inisip ko na sana ako na lang sya na sayo'y nagpapaligaya Sana ako na lang sya, na mahal mo ng sobra Sana ako yung taong lagi **** kausap, Sana ako yung nagbibigay ng ngiti sa tuwing malungkot ka. Ikaw yung babaeng nagbibigay ngiti at kalungkutan sa akin. Dahil sa tuwing naiisip kita, pumapasok den sa isip ko na ikaw at ako ay malabong maging tayo. Dapat bang tanggapin na lang ang katotohanang hindi na mababago? na hindi talaga pwede maging tayo? Hanggang dito na lang ba talaga ako? na nangagarap na maging tayo? Siguro ngay maihahalimtulad ka sa ulap sa langit Kase abot tanaw ka nga, ngunit mahirap ka naman makamit. Siguro nga'y masakit masampal ng babae no?, pero mas masakit parin siguro na masampal ng katotohanang hindi talaga pwede na maging tayo. Sakit diba? Namaos ang puso ko kasisigaw sa pangalan mo. Namaos ang puso ko kalilimos ng barya ng pag ibig mo. Napagod ako kasisigaw. Pero walang magbabago, lilipas paren ang gabi na walang nangyayare. Kase kahit na ano pang gawin ko, ikaw at ako ay malabong maging tayo. Ano bang dapat kong gawin? Para magkaroon ng ikaw at ako na bubuo sa salitang tayo. May mga bagay talaga sa mundo na kahit hindi mo man makuha, makita mo lang masaya ka na..
0
Feb 27, 2018
Feb 27, 2018 at 11:42 AM UTC
Torpe

37