Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kagamitan" poems
Ikaw lang, (Pangako) Sa iyong mga mata nasisilip ko ang langit Pagkat ikaw ang anghel na sa aki’y pinakamalapit Sa mapulang labi mo’y nakakatuksong humalik Lapit ka ng lapit, Ang titig sa pisngi, ayaw mapapikit, Andito na ang iyong sandalang balikat Sa iyong luha, ako ang sasalo ng lahat Napakaganda mo para saktan, hindi  kita matitiis Parang mababasagin kagamitan, porselana, tulad ng ‘yong kutis Kapag nasisilayan kong Labi, may taglay na ngiti Kalungkotan ko ay napawi, Limot ko na ang pighati Wala akong minamadali, pagkat atin ang sandali Kaylangan ko pa bang bumawi? Kung Pakiramdam koy di na lugi Dahil ang bawat oras ko sayo aking pinagyayaman, Ikaw ang nagbigay ng karanasang di ko makakalimutan Ang bawat alaala’y binabalik paminsan minsan, Pwede bang **** ka nang lumayo, dito ka nalang Hawak ang malambot **** mga kamay may ibinubulong ang boses **** malumanay “Andito ka na, di na ko nalulumbay, di ako sanay na ikaw ay mawalay” "Ngunit mahal, kelan ba kita iniwan? Pinabayaan, at kinalimutan, Kelan ba ang panahong di kita isinaalang alang? Tapat ang pangako kong di kita pababayaan, magpakailan man."
0
Sep 27, 2018
Sep 27, 2018 at 11:47 PM UTC
Ikaw lang, (Pangako)
#061616 #AM #SirFrancisHouse Lumang musika sa bagong umaga, Nangungulit na insekto, kriminal naman akong ituring. Kinamusta ko ang kapalaran sa'king palad, Tila ako'y nabubuwal sa landas na walang kasiguraduhan. Naging sagrado't taimtim ang pagsuyo ko sa Langit, Sana'y matamnan ng Kanyang brilyante ang pusong humihikbi; Gaya ng ulap na kampante, gaya ng bantay na tumatahol At gaya ng pagbulong ng makina ng sasakyan na siyang tambay. Naglalaro ang isip - Nakikipagpatintero sa tadhanang nanglilisik. Minsan, mas mabuti pa ang Diktatoryal kaysa Demokrasya Pagkat ang kalayaan ay nakakapanting-hininga At higit sa lahat, ako'y napapatid ng mga hangal na oportunidad. Paulit-ulit akong nagbabalot ng kagamitan Nagbabaon ng mga kailangan sa pagbalik sa piniling saltahan. Pero ako'y paulit-ulit ding nauuhaw - Nauuhaw sa tubig na siyang kinasanayan Ang tubig na wika ng aking kasaysayan. Hindi ako mag-aatubileng iparada ang sarili sa kalsada, Na harangin ang mga sasakyan kahit ako'y masagasaan pa. Kung ganito ang pag-ibig na siyang may martir na ideolohiya, Nais kong maging luwad na siyang hamak na sasalo sa pagbusina sa nag-aalimpuyong pagsinta. Ang kariktan ng sandali'y walang maikukumpara, Kahit pa ang pagdadalamhati ng bawat oras na may kahati. Hindi ko man mapisil ang tadhanang nasasakdal, Pag-asa ko'y ipinipihit sa bahagharing nangako At siyang hindi mapapako - Ang huling sandali, nailagak na't naipako.
0
Jun 20, 2016
Jun 20, 2016 at 1:42 AM UTC
Million Minutes to Wait
Salo-salo ang lahat: Nakaupo, nakadekuwatro Sa isang mahabang bangko. Ayos lang Kahit medyo masikip At nagkikiskisan ang mga siko. Ang mesa'y nilatagan Ng dahon ng saging. Bawal ang maarte; Walang mga pinggan At iba pang kagamitan. Nakakamay ang lahat sa pagkain Ng maiging inihaw Na sariwang malaman na tilapia. Meron ding mga gulay Na pinakuluan at nilaga: May kangkong, Okra, sitaw at talong. Samahan mo pa Ng hiniwa at tinadtad na Pulang sibuyas at kamatis, Na may halong bagoong At piga ng kalamansi. At sa wakas, ang panghimagas: Mga gintong mangga Na ubod ng tamis. .   .   .   .   . Napapasarap Ang pinakasimpleng handa Samahan lang ng kuwentuhang Nagpapasaya at nagpapatawa At siyempre kung salo-salo Ang buong pamilya.
0
Feb 22, 2014
Feb 22, 2014 at 6:41 AM UTC
Sa Hapagkainan
Hawak ko ang tintang bilang ang kulay Pero di pa ganoon kabihasa, Di gaya Mo. Posibleng maiguhit ko ang langit Pero paiba-iba ang istilo nito Nagbabagong bihis ang ulap Pagkat hinihihipan siya ng hangin. Kukuha ako ng litrato Para lamang makuha ang detalyadong anyo At saka ko titingnang muli Unang tingin, pangalawa, pangatlo Ako'y nabibighani. Maaaring magaya ko ang mukha Pero pag ako'y titingala't sisilip Hindi rin pala magtatagpo sa iginuhit. Itatapon ko ang lahat Maging mga mamahaling kagamitan Pagkat hindi abot-langit Itong istilong tila pangmakasarili Hindi pasado sa panlasa **** Panglangit din ang batayan. Ako'y bilib Sayo Pagkat sa pagsuyod ng panaho'y Hindi Mo nauulit ang larawan ng langit Panibago araw-araw, Mula ulo hanggang paa nito. Walang kupas, walang katulad Gaya Mo, Eksperto sa Larangan ng Sining. Ako'y mapaluluhod, sasayad sa lupa Ihahain ang palad Hanggang sa kalyo na ang mga ito Pagkat ginagamit Mo na, Gamit na gamit Mo. Hindi Ka napapagod sa paghalo ng kulay May lungkot at saya ang timpla Pahiwatig mo'y ganyan ang buhay, Pabagu-bago ang, Ikaw lang hindi. At markado Mo ang araw, Saulado Mo ang lahat, Pagkat Ikaw ang Tagalikha Oo, Ikaw, Ama. Gusto kong magmana Sayo, Sa guhit **** hindi ko makuha-kuha, Sa istilo **** walang katulad, Pagkat iba ang Iyong paningin, Iba ang pag kumilos ang Iyong mga kamay, Lahat kayang hulmahin, lahat kayang baguhin. At ako'y isang hanging bula, Maglalaho't liliparin ng bukas, Bagkus ang bukas ay habambuhay Sayo, Salamat sa matamis na kahapon, ngayon at bukas.
0
Oct 9, 2015
Oct 9, 2015 at 8:28 PM UTC
Pamana ng Ama

Continue reading...
51
. Kung makahagilap man ng salitang walang isinasaad ito'y iyong natagpuang hubad ng kalamnan ang Salita ay yaring kagamitan para bagang lalagyanan-- sa labas ng kanilang mga hugis ay balong tinuyo ng panahon. . © Frederick Kesner. All Rights Reserved.
0
Nov 26, 2010
Nov 26, 2010 at 4:07 AM UTC
Paumanhin
Nang makasabayan sa paglalakad, napatingin at napangiti Ang hubong sintido ay naghimok para mauna na pansinin Kapagkuwan ay kumaway sa kanya at lumapit Simpleng nagpakilala bilang kamag-aral Talastas niya na isang taon nauna sa kanya Naging mausisa tungkol sa mga **** Naisagot lang ay baka at siguro kahit balot ng kainitan ng puso Nang naghiwalay ay lalong nanabik Masigasig sa pag-aaral Nagrerepaso ng mga aralin sa bakasyon Isinabay din sa mga pagpupuri sa dikit ng gabi Sa kulay abo na panaginip ay lumaboy Maraming kumpul-kumpol ng mga orkidya at iba pang bulaklak Matao sa merkado subalit nakakabingi ang katahimikan Sa paglilibot, naging lila ang nasaging kagamitan Tumayo sa katre na pinaghihigaan Kahit wala pa sa ulirat parang nasa alapaap Umaangat kahit walang pakpak Nagbubunying pakiramdam sa taas
0
Jan 9, 2019
Jan 9, 2019 at 2:48 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #45
Pintuan palang malalaman mo na, Na ito ang bahay ng mahirap na pamilya, May nakasulat pa sa itaas na "Welcome to Miano Family" at " God bless our home". Mga katagang matagal ng iniukit ng panahon, Pag pasok mo ay sasalubong agad sayo, Ang mga mga kagamitan na bigay, Mga gamit na pinagsawaan na ng kapit bahay, Mga Tv, relos, at orasan na di na umaandar, Sa iyong unang hakbang iyong maaapakan, Ang mga lumang tarpaulin na ginawang floormat, Upang takpan ang madumi at maputik na sahig, Lingon ka sa kanan, At makikita mo ang gawa kong hagdanan, Hagdan na mayroon lang tatlong apakan, Ngunit di kelangan mabahala, Pagkat gawa ko iyan, kaya dapat magtiwala, Sa iyong pag akyat makikita agad, Ang kahon na sa laki ay sagad, Sariling gawang kahon para sa speaker at amplifier, Di sapag mamayabang pero kalahating araw ko lang tinapos iyan, Partida nga at wala pang kompletong kagamitan, Mapapansin **** ganun din ang set up sa taas, May mga tarpaulin nanaman paloob at palabas, May mga pira pirasong damit na tinahi para magsilbing kurtina at pantakip, Pantakip mula sa mga butas na ding ding, Pag lipat sa kabilang kwarto at makikita mo, Ang sahig na gawa nanaman sa kawayan, Na ginawa upang maging daanan ng hangin sa mainit na panahon, Walang masyadong kagamitan, Pero masasabi mo talagang magulo, Magulo at parang wala nang paglalagyan, Ng mga damit at mga unan na pa kalat kalat, Konting pagmamasid pa at iyong mapapansin, Ang basag naming salamin, Mga LED lights na di nagagamit pag sapit nh dilim, Mga wires na napakagulo at gutay gutay, Batterya ng motor na gamit ng ilaw pag gabi, Pag napagod kana sa taas, Bumaba ka ulit at makikita mo sa gilid ng hagdan, Ang Mga gawa sa kahoy na upuan, Tingin saglit sa taas at masdan, Pinag tagpi tagping yero na bubungan, Mga bubong na maaliwalas kapag tag.araw, Pag tag ulan naman ay nagmumukhang talon sa buhos ng tubig, Sa kusina naman tayo ay magpunta, Bubungad agad ang mga basag na baso, At mga plato't kutsarang di kumpleto, Naubos narin cguro ng tatay kong lasinggero, Sa hugasan makikita mo naman, Ang gawa sa kahoy na hugasan, Mg lalagyan ng plato at basong may sabitan, Isang hakbang pa at welcome to our lutuan, Lutuan na gaw asa lupa nq ipinatong sa yero kahoy at kawayan, Mga maiitim na na kawa at kaldero na laman, At syempre mga kahoy rin na panggatong na nakalagay naman s abandang ilalim ng lutuan, Tuwing kakain kailangan mag kanya², Pagkat pag nag sabay ay tiyak na di kasya, Pagkat plato't kutsara'y kulang na, Pero ganun paman kami ay masaya. Simpleng bahay, simpleng buhay, simpleng pamumuhay 😊
0
Nov 8, 2020
Nov 8, 2020 at 2:25 AM UTC
"God bless our home"

61
Ang aming salita ay unti unti nang naglalaho. Ang mga karanasan noong unang panahon ay hindi na nababasa. Ang mga masining na kultura´t tradisyon ay mistulang larawan na lamang ng nakaraan. Ang mga masasayang okasyon ay isa na lamang pangarap. Ang lahat ng ito ay nawala sa pagdating ng bago, Inay. Pilit ka man nilang palitan, ang dugo mo pa rin ang nananalaytay sa amin. Ang pagkaPilipino ay hinding hindi mapapalitan gaano man karaming lenggwahe, kagamitan o oportunidad ang dumating. Ako ay titindig at magsasalita pa rin ng lenggwaheng aking ipagmamalaki saanman sa mundo. Para sayo aking Inang Pilipinas, kami ay aasenso nang hindi nakakalimut sa nakaraan.
0
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 9:31 AM UTC
Inay
Manaka-naka kong binisita ang 'yong munting tahanan Siniyasat kung may bagong kagamitan o panauhing pinaunlakan Sinuri ang katibaya't karupukan ng dating kagamitan Repasuhin ang pundasyong itinukod ng nakaraan At sa muli kong pagbisita sa 'yong tahanan May bago akong nadatnan– nag-iba ang 'yong kinahihiligan Hindi na aso kundi pusa ang paborito **** alagaan Pati pintura ng 'yong munting tahana'y sya ring pinalitan Ang dating itim ay tuluyang naging luntian Maging ang pader nito'y simentado na't hindi kawayan Pagbabago nga ba? o isinaayos lang? T'wing bibisita ako sa 'yong tahanan Dati-rati'y umaabot pa sa 'yong pintuan Datapwat ngayo'y hanggang tarangkahan na lamang Nananatiling nakamasid sa 'yong bakuran Sa harding dati'y mirasol pa ang namumukadkad at hindi rosas Sa bagong panauhing pinapasok sa pintuan Pinaunlaka't nilaanan ng oras Sa mga larawan niyang nakasabit sa dingding na dati'y mukha ko ang nilalaman Nakatanaw; Sa tahanang minsan ako'y nanahan Sa tahanang tuluyan ko nang nilisan -SLE
0
Feb 12, 2020
Feb 12, 2020 at 9:25 AM UTC
Tahanang Nilisan
Magarbong pagkain…wala sa hanap ko Mamahaling damit…wala sa tipo ko Marangyang bahay…wala sa plano ko Magarang sasakyan…wala sa kailangan ko Maluhong kagamitan…wala sa hilig ko Mariwasang pamumuhay…wala sa ibig ko Ang nais ko lang ay ihandog sa mundo Isang natatanging Legasiya ng Lahi ko! -07/17/2015 (Dumarao) *My Prayer Poems for Ultimate Victory Collection
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 10:23 PM UTC
Legasiya ng Lahi Ko